Third Person's POVHindi rin nagtagal, mas lalong naging sweet si Dhane at Sam sa isa't isa. Lagi silang magkasama na halos kahit mga magulang nila ay hindi sila mapaghiwalay. Ilang araw nalang ay darating na ang kanilang 1ST MONTHSARRY :D
Dhane's POV
"Uyy hazel??! Ano naaa???" Sabi ko kay hazel habang kausap siya sa cellphone, nagpapatulong kase ako sakaniya kung ano ba ang mga gusto ni Sam para sa 1st Monthsarry namin
(Diba ikaw ang boyfriend?? Ikaw dapat ang nakaka-alam niyan!) Sabi niya saken
"Iba kase ang nalalaman mo, sa nalalaman ko. Matagal na kayong magkaibigan." Sabat ko sakaniya
(Oo na nga! May nakita ako sa phone niyang date, may nakalagay doon na 'candlelight,violin,beach,waves,slowdance,redcarpet, roses at Cookies and Cream.' Yun ang nakalagay doon.) Sabi niya. Habang iniisa-isa niya yun, naiimagine ko na ang gusto niya.
Pagkatapos kong tawagan si Hazel ay sunod ko naman tinawagan sina Jerome at Lester. Pinapapunta ko sila dito sa mansion.
"Anong kailangan mo 'tol." Tanong ni Jerome
"May reresbaskan ba? Taga saan?" Sigang tanong ni Lester
"Baliw. Para kang batang skwater, Lester. Magpapatulong lang ako sa inyo para sa Monthsarry namin bukas ni Sam." Sabi ko
"Ano bang plano mo?" Tanong ni Jerome
"Hindi ako magpapakita sakaniya buong araw, magkukunwari akong hindi ko naalala. Lester, pwede ba dun sa resort niyo?" Sabi ko
"Oo naman. Para sa'yo tol." Sabi ni Lester
"Ang bading mo Lester."
Pagkatapos naming ihanda at bilhin ang mga kailangan namin bukas dumiretso na kami sa Resort nila Lester. Doon na kami matutulog, tutal wala naman kaming pasok bukas.
Maaga pa lang ay natulog na ko para maaga na ko magising bukas.
Kinabukasan...
"Oy Lester! Ayos na ba yung lamesa doon sa tabi ng dagat??!" Natataranta kong tanong. Sana maayos to.
"Jerome, yung hinire mong violinist? Parating na ba?" Tanong ko sakaniya
"Oo, on the way na daw." Sabi niya
"Good." Sabi ko tapos umupo muna sa sand. Tagaktak ang pawis ko dahil sa mga ginawa namin. Namimiss ko na siya! Buong araw akong di nagpakita kay Sam. Di ko rin siya binabati ng Happy Monthsarry. Bumati na siya saken. Nakailang text na siya saken pero di ko nirereplyan. Pati mga kaklase ko bumati na din.
5pm na. Tinawagan ko siya para papuntahin siya dito.
"Text mo ko pag nasa terminal ka na ah? Sunduin kita." Sabi ko sakaniya through phone call
"Ge." Sabi niya, kanina pa yan -__- ang tipid magsalita. Tapos parang badtrip pa. Anyare doon kay Sam??
Inilapag ko yung phone ko doon sa kama ng room tapos lumabas na ko.
Madilim na, mas lalong napansin ang mga kandilang naka palibot sa table na pagkakain namin.
Sana maging maayos 'to!
Samantha's POV
Psh. Nakakainis naman si Dhane!!!! Parang wala siyang naalala sa araw na 'to??!! Mahalaga ang araw na 'to para saming mga girls! Right girls?? Wala man lang siyang effort na ginawa >___< nakakainis!
Tapos ngayon papapuntahin niya pa ko sa resort nila Lester. Para anooooo??? Psh. Sayang yung sinulat kong 'Things I Want For My First Monthsarry' -___- nakakainis talaga!
Pero dahil nakalimutan niya, naiinis ako sakaniya. Psh.
Nandito na ko sa terminal, nakaka ilang tawag na ko sakaniya pero hindi niya sinasagot ang phone niya.
Ako na nga pupunta doon! Mabuti nalang eh kabisado ko pa. Pagkarating ko doon, nakasalubong ko na agad si Lester at Jerome sa mag entrance.
"Nasaan si Dhane?" Tanong ko sakanila, pero hindi nila ako sinagot. Nilagyan lang ako ng blindfold ni Jerome and ginuide ako sa paglalakad.
"HOY! ANONG GAGAWIN NIYO SAKIN! ANO NANAMANG PAKULO TO!! TIGILAN NIYO TO!! HINDI NAKAKATUWA, LESTER!! JEROME!!" Sigaw ko sakanila
"Surprise!" Sabi ni Lester
WOAH. Ang ganda nga! :D ang ganda ng set up! Eto ang nakalagay sa planner ko :)
Teka? Si Dhane ba yun? Hindi naman siguro. May kahalikan e--
Wait. What? Si Dhane yun! Ano?! Si Dhane may kahalikan!?
"Uh-oh" Lester
"Tsk." Jerome
Naramdaman ko nalang ang luha ko nung tumulo sila sa mga pisnge ko.
Si Dhane.... kahalikan niya si.......
To be continued...
----------------------------
Ang panget ba? Sorry. Sorry din sa mga naghintay ^_^v pizyow. HAPPY 6K READS GUYS! :')) Keep on reading this story :D yehey! :) Enjoooy! :')
Vote.Comment.Follow
-Glybee4ever
BINABASA MO ANG
Nang dahil sa SELOS.
De Todo[Completed. Unedited] Meet Samantha, Isang typical highschool Girl na may kaisa-isang Crush since first Year ay Magku-krus ang Landas nila ni Maica na may Crush din sa Crush niya. What will happen? Meet them as they make Jealous each other. Will be...