♥Chapter 42: Familiar♥

59 6 0
                                    


Dhane's POV

Ugh! Saan na namin siya hahanapin?? Wala naman kaming idea kung saan pwedeng dalhin ng Maica na yun si Sam!

Napapa-face palm nalang ako sa pagiisip dito.

Lumabas kami ng bahay ni Maica, hanggang ngayon nagiisip kami. Hanggang sa may nahagip ang mata ko.

Isang lalaking nakasakay sa black na Mercedes Benz. Pag tingin ko sa Plate Number, I knew it! Sasakyan nga to ni Maica! Paano ko nalaman? Sisiw!

Sinabi ko kaagad kina Hazel at Aivee, halos makipagtitigan nga ko dun sa lalake eh.

Familiar din yung mukha niya. Madalas ko siyang nakikita sa School namin nun. Ewan ko lang kung anong ganap niya dun sa School.

Kumaliwa siya sa bahay ni Maica? O___O so it means ...

"Alam ko yang nasa isip mo, Dhane." Kaswal na sabi sakin ni Aivee

"Sundan kaya natin pagkalabas?" Suhestyon naman ni Hazel

"Mahahalata niya tayo." Sabi ko sakaniya

"Edi ako magdadrive, magaling ako sa ganyan! Madalas ako manood ng mga Agents and Spy na movies." Dagdag pa ni Hazel

"Talaga Hazel??!! Edi napanood mo na yung Secretly Greatly??!! Ang gwapo ni Kim Soo Hyun... blah... blah... blah... blah..." pagkkwento ni Aivee

Hayyy naku! Mga babae nga naman.

Habang nagkkwentuhan sila.

"Ang lupeeeet kaya ni Lucy! Si Scarlett Johansson!"

"Ayy oo! Grabe yung capacity ng brain niya!"

"Gusto ko maging ganun!"

"Ako di--"

"Hazel, sige ikaw magdrive." Sabi ko sakaniya

"Talaga Dhane? *O*" Sabi niya sakin. Makikita mo talaga sa mukha niya yung excitement.

Dali-dali naman siyang sumakay sa Driver's seat, kaya sumunod na kami ni Aivee.

Hinihintay lang namin yung paglabas ng kotse ni Maica tapos susundan na namin yun.

Nakita kong kinuha ni Hazel ang cellphone niya,

"Dhane kabisado mo ba plate number nung sasakyan na yun?" Tanong sakin ni Hazel

"Oo. ACS 3421." Pagkasabi ko nun agad niyang tinype yun sa phone niya. At lumabas ang isang map. Idunno?

"Is that a Tracking Device App?" Manghang-manghanga tanong ni Aivee kay Hazel

"Yep!" Masiglang sagot niya

"You really are an Agent girl!" Tuwang tuwang sabi ni Aivee

Err~ na o-OP ako sakanila

"Para saan yan?" Inosente kong tanong sakaniya

"Maligaw man tayo alam parin natin kung nasaan siya." Pagpapaliwanag niya saakin.

Wow. She really is.

Kahit ako namangha din. Di ko akalain na may gantong kaibigan si Sam. Akala ko puro kalokohan din ang alam neto.

"Ayan na. Nakalabas na yung kotse. Ikaw na bahala dyan Hazel." Sabi ko sakaniya

Hindi pa naman gaano nakakalayo yung kotseng susundan namin. Sana di siya makahalata.

Tama nga si Aivee, magaling nga sa ganitong bagay si Hazel. Mukhang palaging nanunuod to ah? At alam ang kaniyang gagawin.

Buti nalang meron siya nung Tracking Device etc. App na yun. Mga 30 minutes na biyahe halos bago tumigil yung sinusundan namin. Tumigil siya sa isang simpleng bahay.

Srsly?? Bahay?? Pero maganda siya. Malaki ang bakuran.

Pumasok na yung lalaki sa loob. Kailangan kong masigurado na nandoon nga si Sam sa loob.

And if ever, tatawag na talaga ako ng police.

"Hazel, pakitignan nga diyan sa phone mo kung saan pinaka malapit na police station?" Tanong ko sa kaniya

"Sa Sandoval. Mga 10 minutes ang biyahe pag naka kotse."

Ayos! Solid to. I just have to assure myself na nasa loob nga si Sam. So I can freely call the police here.

Nakita kong bumungad si Maica dun sa lalaki.

Wait whaaaat??!!!

O___O

"Nakita niyo yun?" Tanong ko sa dalawa kong kasama

Halos lumuwa din ang mga mata nila sa nakikita nila.

This was unexpected.

So it means, nandiyan lang si Sam sa loob. Sana safe siya.

"Tumawag na kaya tayo ng police." Aivee

"I better call." Tumawag na nga si Hazel

Kinuha ko mula sa bulsa ko ang phone ni Sam. Binuksan ko ito at binasa ang last text ko sakaniya

'Goodmorning, baby. Take care. I love you :*'

Eto yung message ko sakaniya bago sila umalis nun nina Hazel at Aivee. Yung naghintay si Sam sa waiting shed.

Tinawagan ko kaagad si kuya Sef gamit ang number ni Sam. Nalaman niya kaagad kung nasaan kami dahil nakabukas ang GPRS nito. Sabi ko sakaniya magdala siya ng police. Then I ended up the call.

Mababalik namin si Sam. I promise. *sigh*

-----------------------

Hey! Kamusta? Chapter 42 is here. :')) 7 more chapters tapos Epilouge nalang. Yipiiie! Matatapos na siyaaaa haha *tears of joy*

Sige na byeeee na :")

Vote.Comment.Follow

-Glybee4ever

Nang dahil sa SELOS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon