Nagbalak ng pasukin ng mga police ang bahay na naturang kung nasaan sila Maica.Maingat nilang pinasok ang bahay dahil isang maling galaw nila ay may maaring mawalan ng buhay.
Nakarinig ng mga yabag ng paa si Maica kaya agad niya namang hinablot ang buhok ni Samantha at hinawakan ito sa leeg at ang isang kamay naman ay may hawak na baril na nakatutok naman sa ulo ni Samantha.
"Sumuko ka na." Narinig niyang bigkas ng isang police.
"Ibaba niyo ang mga baril niyo!" Sigaw niya sa mga ito.
"Ngayon na!" Muli niya tinurang.
Agad namang binaba ng mga police ang kanilang mga armas.
"Ayan. Mga masunurin naman pala kayo." Baggit ni Maica saka tumawa ng malakas
"Ngayon naman ay harap-harapan niyong makikita kung paano ko papatayin tong BABAENG TO! Gamit ang dalawang mata niyo."
Akmang kukunin sana ng isang police ang kaniyang baril sa sahig ngunit muling nagsalita si Maica.
"Sige! Subukan mong kunin yan! Ipuputok ko tong baril sayo!" Sigaw sa kaniya ni Maica.
Nakangising hinila ni Maica ang trigger ng baril ngunit may nagsalita sa likod niya.
"Maica, alam kong mali yang ginagawa mo. Kaya tumigil ka na." Nakita niya si Edward may hawak na baril at nakatutok ito sa kaniya.
"E-edward. Ano tong g-ginawa mo? A-akala ko kakampi k-kita?" Nauutal na sabi ni Maica kay Edward.
"Hindi ako kumakampi sa mga taong alam kong mali."
"P-pero..."
"Maica, ibaba mo yang baril mo. At pakawalan mo na siya." Utos sa kaniya nito
"HINDI MO KO PWEDENG UTUSAN! AKO ANG BOSS MO!" Sigaw sa kaniya ni Maica
"Edi wow." Sarkastikong sagot sa kaniya ni Edward
Humagikgik ng tawa ang mga police, gayun na din sina Edward at Samantha dahil sa kakaibang ekspresyon ng mukha ni Maica ng sabihin ito sakaniya ni Edward.
"What kind of fvckin word is that???!" Patanong sa kanila ni Maica
Hindi ito sinagot ng mga tao, tanging tawa lamang ulit ang sinagot sa kaniya nito.
Nakaramdam ng inis si Maica kaya naman muli niyang itinutok ang baril sa sintido ni Samantha. Muling naalarma ang mga police sa ginawa ni Maica. Nagbalak pulutin ng mga ito ang kanilang armas sa sahig ngunit...
"SIGE! ANO??!! KUKUNIN NIYOO??! SUBUKAN NIYO LANG!" Sigaw sa kanila ni Maica
Hindi magawang kunin ng mga police ang kanilang armas dahil sa pagbabanta ni Maica na ikadulot ng pagkamatay pa ni Samantha.
"Wag mo silang takutin Maica!!" Sabi sa kaniya ni Edward na hanggang ngayon ay nakatutok parin ang baril kay Maica
"Aba't---" putol na sabi ni Maica
"You don't do this to me, Edward!" Mangiyak-iyak na sabi ni Maica
"Ang drama mo! Bitawan mo na siya!"
"Bat naman kita susundin??! You have no rights invoked to tell me those words! You're not the superior of mine! So back off kung ayaw mo masaktan!!" Sabi sa kaniya ni Maica
"Gusto ko lang itama ang mga mali ko, Maica hangga't maaga pa. Gusto lang din kita itama, Maica. Kaya bitawan mo na siya. Marami kami, isa ka lang. Sumuko ka na Maica. Para lang sa baby mo. Gusto mo bang lumaki yang anak mong walang nanay?"
Natauhan si Maica sa sinabi sakaniya ni Edward. Pero mas nananaig sa kaniya ang pagiging desperada na kapag pinatay niya si Samantha sa kaniya na mapupunta si Dhane. Siya na ang mamahalin ni Dhane. Magiging isang masayang pamilya na sila.
"Sorry Maica." Dinig nilang sabi ni Edward.
Bang!
Pinatamaan niya sa balikat si Maica at doon nabitawan niya si Samantha. Natumba sa sahig sa Maica dahil sa impact at sakit nito.
Doon naman nakakuha ng pagkakataon si Samantha upang makalayo kay Maica ngunit nahablot nito ang kaniyang buhok.Agad namang gumalaw ang nga police at natanggal ito.
Napatingin si Maica sa kaniyang paa at napansing may dugong tumutulo rito.
"Ang baby ko. A-ang baby ko. Iligtas n-niyo siya." Pagmamakawa nito sa mga tao roon. Tila naging isang maamong anghel ang mukha ni Maica ng sabihin ito sakanila.
Hindi sila makapaniwalang buntis si Maica!
---------------------
Hey guys! Haha namiss ko magupdate. Namiss niyo ba ko? haha. Sorry sa mga pinaghintay ko. Supeeeer busy lang talaga. Haha hectic kase ang sched. So ayun, unti nalang patapos na ito, so bare with me guys. Lovelotsxx
Vote.Comment.Follow
-Glybee4ever
BINABASA MO ANG
Nang dahil sa SELOS.
Разное[Completed. Unedited] Meet Samantha, Isang typical highschool Girl na may kaisa-isang Crush since first Year ay Magku-krus ang Landas nila ni Maica na may Crush din sa Crush niya. What will happen? Meet them as they make Jealous each other. Will be...