Our relationship was getting stronger. Yung mga maliliit na bagay na pinag-aawayan pa naman dati, ngayon tinatawanan nalang namin. Dahil din siguro to sa nangyari saakin noon. Ayaw niya kong mawala sa buhay niya and same as him na ayaw kong mapalayo sa kaniya.
As the days go by, maayos naman na ang pagaaral ko sa aking college. Same school kami ni Dhane dahil baka daw may sumunod-sunod sa aking lalaki. Hahahaha! Napaka possesive. Gusto niya sakaniya lang ako. Sabi ko sakaniya, "Sayo lang ako."
Ngayon, mas nararamdaman ko na mahal na mahal niya nga talaga ako. Sabi niya saakin forever na daw kami. Pero sabi ko sa kaniya, "Walang Forever!"
Pero ang sinabi niya lang sakin ang bitter ko daw.
May times na nawawalan na siya ng time saakin kasi nagfofocus siya sa studies niya. Naiintindihan ko naman kasi may priorities kami.
Ngayon, habang naglalakad ako papuntang next subject namin, which is sa kabilang building.
Pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Paglingon ko meron nga, isang lalaking taas ang buhok, naka sunglasses, at nakabukas ang 3 top buttons ng uniform niya. And! Nakatingin siya sakin.
Pero hindi ko lang siya pinansin, mukhang maangas eh. Baka mapaaway pa ko.
"Psst!" Sinitsitan niya ko, pero hindi pa rin ako lumilingon.
"Oyy Miss!" Ayokong lumingon.
"Miss!" Sa pangatlong tawag niya sakin napatingin na ko sa kaniya.
Pag tingin ko sakaniya, Aba! Nakatingin siya sa may bandang pwetan ko!
"Bastos!!" Sabi ko sabay takbo palayo sa kaniya.
Masakit na nga ang tiyan ko, mamanyakin niya pa ko! Dhane, asaan ka ba?
Habang tumatakbo ako, naramdaman kong hinahabol niya parin ako.
"Miss!! Ano ba!!"
Tumatakbo pa rin ako.
"Miss may t-tagos ka!"
h-huh? tag-gos?
Tumigil ako sa pagtakbo ko. At tinignan ko ang likod. Pa-slowmo ko pa itong tinignan.
Nakuuuu T_T Oo ngaaaa!!
"Sabi sayo eh. Akala mo pa sakin, manyak."
Naiiyak na ko. Ano ng gagawin ko. Dhaneeee! T_T
"Huhuhuhuhu." Naiiyak kong sabi.
"Ano ng gagawin ko." Sabi ko sa sarili ko
"Tumayo ka nga jan!"
"Ayoko! Makikita nila!"
"Aish. Ako bahala sayo! Napaka barubal mo parin talaga Samantha!"
"Grabe ka naman! p-pero teka! Bakit mo ko kilala?!! Stalker mo ko noh? Ayy mali! Stalker kita noh?!"
"Stalker ka jan! Asa! Pinsan mo ko baliw!"
Loading...........
"Pinsan??"
"Jeffrey. Hindi mo naalala?"
"Jeffrey? Isa lang ang kilala kong Jeffrey eh. Mataba pa yun."
"Aww! anong karapatan mong pitikin ako sa noo??!"
"Ako yun! Pumayat lang ako! Naging macho lang ako hindi mo na ako nakilala!"
"Hala! Kuya Jeffrey ikaw nga!! Kelan ka pa dumating??"
"Tumayo ka na jan!"
"Eh ano ngang gagawin ko??! makikita nilaaa!"
"Ako bahala!"
Tinulungan ako ni Kuya Jeffrey na ayusin itong palda ng uniform ko. Kaya ayun ilang sermon ang inabot ko.
Nalaman ko din na kakauwi niya lang dito galing Paris noong isang araw. at 3rd Year College na siya. Mascom daw ang course. Maya maya eh umalis na din siya. At ako naman ay hindi na naka-attend ng class ko. Ang saklap!
-------------------------
Hey guys! sorry sa matagal na hindi pag uupdate. Nyahaha!
Vote.Comment.Follow.
-Glybee4ever
![](https://img.wattpad.com/cover/7802222-288-k798726.jpg)
BINABASA MO ANG
Nang dahil sa SELOS.
Random[Completed. Unedited] Meet Samantha, Isang typical highschool Girl na may kaisa-isang Crush since first Year ay Magku-krus ang Landas nila ni Maica na may Crush din sa Crush niya. What will happen? Meet them as they make Jealous each other. Will be...