♥Chapter 20:Moved on?♥

236 12 0
                                    

Comment kayo para mabilis ang update! At dahil miss ko ng mag update, eto na! Enjoy!

Samantha's POV

Lumipas ang mga araw na hindi nagpaparamdam si Joshua sa akin. ang tagal na din 'nun simula nung makipagbreak ako sakaniya. Kamusta na kaya siya? Tinatawagan ko siya pero palaging babae ang sumasagot. Sabi pa nga eh, "The number you dialled is out of coverage area, please try your call later." Hays. Kabugnot! Nagdeactivate din siya ng FB. Pumunta ako sa bahay nila ng 3 beses pero lagi ko namang di siya naabutan.

Nasaktan ko ba siya ng sobra? Hays. Sam talaga!

December 29 ngayon at malapit na mag bagong taon.

Naghahanda ako ngayon dahil pupunta kaming pamilya sa Tanay doon sa Sierra Madre. Nakapunta na kayo doon? Ako hindi pa, hehe ^_^ maganda ba doon? Sana. Para kahit papaano mabawasan ang pag iisip ko ng kung ano anong bagay.

"Ano? Ready na kayo? Mata-traffic tayo." Sabi ni daddy mula sa Sala.

Kaya nagmadali na kong mag ayos ng mga gamit ko

-Damit

-Towel

-Underwear

-Sunglasses

-Sunblock

Wala na siguro akong nakalimutan. Okay na to! Byeeee!

Joshua's POV

"Oh anak? Bakit bihis na bihis ka? Saan ang lakad? Sama naman ako oh!"

Hayy! Etong gala'ng nanay ko oh!

"Wag na mami, next time nalang! Nagmamadali ako eh. Baka maiwan ako! Bye!" Sabi ko sabay kiss sa nanay kong gustong gumala ng gumala

*sigh*

Sana di ako mahuli, ayos na sakin kahit makita ko siya. Kahit sinaktan niya ako, ayos lang.

Brain:Ang tanga mo din Joshua enuh?!

Heart:Eh pakelam mo ba? Parang ikaw ang nasasaktan ah! Aba! Baka gusto mong makatikim!

Brain:Naghamon! Syempre di kita uurungan!

"Hep! Tumigil na nga kayo! Para kayong mga monggoloid eh! Ako may kasalan. Hindi kayo." Sabi ko kina Heart and Brain

Dali dali akong tumakbo papunta sa kotse. Tapos binuksan ko yung GPS ko para masundan ko yung track na pupuntahan nila. Para akong buntot nuh? Buntot ng buntot. Ganun talaga. Mahal ko parin si Sam kahit sinaktan niya ko.

*Beeep! Beeep! Beeep!*

Bwisit naman na traffic 'to oh! Bakit ngayon pa?

*bzzzt*

From:Prince

Pre? Asaan ka? Nandito kami sa inyo. Akala ko ba sabay tayong magbbreakfast ng barkada?

Pambihira! Nakalimutan ko! Ngayon pa la yun! Aish! Bahala sila doon.

Tapos nag ilaw na yung green light. Kaya agad kong pinaharurot yung kotse ko.

Back to Samantha's POV

Habang nasa biyahe kami, bigla akong nakaramdam ng bored.

Nagpost ako sa FB gamit yung Ipad na regalo sakin ni kuya.

'Bored here. Ano kayang pwedeng gawin?'

Post!

Hazel Millagracia likes your post.

Aivee Salazar likes your post.

Aivee Salazar commented on your post.

'Gala tayo'

Nang dahil sa SELOS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon