Hindi makapag-salita si Samantha dahil natatakot siya. Natatakot siya na baka isang salita o isang galaw lang niya ay iputok ni Maica ang baril. Gusto niya pang mabuhay. Dahil babawi pa siya kay Maica."HAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga Samantha, kanina ang ingay-ingay mo. Ngayon para kang isdang hindi makapag-salita. HAHAHA. Seriously? Like duh. Ang hina mo talaga. " Pang-aasar pa ni Maica kay Samantha
Inalis ni Maica ang baril sa ulo ni Samantha at kumuha ng basahan sa isang lamesang kalapit lang niya.
Habang pinupunasan niya ang baril,
"So pathetic. Lame." Patuloy na pangaasar ni Maica kay Samantha habang naka-ngisi
"Oh! Edward!" Pagtawag ni Maica sa isa niyang alagad
"Yes ma'am?"
"Nasaan yung isang pistol ko?" Paghahanap ni Maica
"Ahh ma'am, akala ko ho kinuha niyo ho doon sa hospital bed kanina?" Pageexplain ng alagad niya
"Baliw ka ba? Kung alam ko edi sana kinuha ko na!"
"Ah eh, pasensy---"
"Tama na satsat! Balikan mo dun! Make sure na walang makakakita sayo. Or else, sayo unang puputok tong baril na 'to. BILISAN MO!"
Hindi na nagsayang pa ng oras ang alagad ni Maica, kaya dali-dali itong umalis.
Dahan-dahang lumabas sa isang maliit na bahay si Edward, ngunit malaki ang bakuran nito at covered. Inistart niya ang engine ng sasakyan ni Maica dahil ayun ang gagamitin niya upang makabalik roon.
Nagpapawis si Edward, na tila ito'y kinakabahan.
"Edward! Mag focus ka! Ang bakla mo! Kinakabahan ka!" Sigaw niya sa kaniyang sarili
Tila nagmumukha siyang baliw habang nagmamaneho. Kaya minsan nahahampas niya ang manibela at napipindot ang busina. Kaya natataranta siya maging ang sasakyan na nasa harapan niya.
Habang siya'y nagmamaneho, may nakita siyang isang lalaki
"Pamilyar ang mukha mo, pero hindi ko maalala kung saan nga ba kita nakita." Banggit niya sa kaniyang sarili.
May kasamang 2 babae ang lalaki. At lahat sila ay nakatingin sa kaniya. Hindi niya alam ang dapat na maging reaksyon. Subalit lalo siyang kinabahan at pinagpawisan.
Nawala ang kaba niya nung ligtas siyang nakarating sa kaniyang paroroonan. Dali-dali siyang bumaba sa secret underground hide out upang kunin ang baril.
Hinanap niya ang pulang pintuan at pumasok. Hinanap niya sa hospital bed ang baril ngunit wala dun.
Hinalugod niya sa buong kwarto ang baril, nagbabakasakaling makita niya ito. Pero nabigo siya.
May biglang pumasok sa isip niya ...
"Sh*t."
Patakbo siyang lumabas ng underground na yun at bumalik ulit kung nasaan si Maica.
Mukhang alam niya na kung sino ang kumuha.
At mukhang nalaman nadin niya kung kung sinong pumsok sa underground...
---------------------
Okaaaay guys! 1st of all, HAPPY MOTHER'S DAY!
2nd, sorry kung ngayon lang ulit nakapag UD. Dahil sobrang bz kowXD hahaha,
Time check: 1:54am
Okaaay!~ matutulog na koXD Sorry sa typo. Inaantok na talaga akoXD haha =))
Keep on readingggg! Thankyouuuu. :*Vote.Comment.Follow
-Glybee4ever
BINABASA MO ANG
Nang dahil sa SELOS.
De Todo[Completed. Unedited] Meet Samantha, Isang typical highschool Girl na may kaisa-isang Crush since first Year ay Magku-krus ang Landas nila ni Maica na may Crush din sa Crush niya. What will happen? Meet them as they make Jealous each other. Will be...