Chapter 50: Ending

80 4 0
                                    

Dahan-dahang pumasok ng simbahan si Samantha. Hindi niya lubos maisip na ikakasal na siya sa iba. Ni hindi niya din alam kung kanino siya ikakasal.

Maluha-luha siyang pumasok ng simabahan. Lumapit sa kaniya ang Mom and Dad niya at sinabing, "Congrats anak. We wish you all the best."

Hindi niya alam kung ngingiti ba siya. Dahil alam niyang hindi ang kaniyang mahal ang papakasalan niya. Gusto niyang magalit sa magulang. Pero bakit hindi niya magawa. Subalit mas naging excited siya.

Tuluyan na siyang nakapasok sa simbahan. Nakita niya ang mga tao na nakatingin sakaniya habang nakangiti.

Nakita niya rin doon ang adviser niya nung 4th year highschool. Nakita niya rin sa loob ang mga kaklase't kaibigan niya. Hinahanap niya si Dhane ngunit hindi niya ito makita.

Sa bandang unahan ay may nakita siyang gwapong lalaki na nakasuot ng amerikanang puti. Bumuhos lahat ng luha niya habang nakangiti.

Dahil lahat ng pangamba niya ay lahat nawala. Hindi niya lubos maisip na sakaniya pala ito ikakasal.

"Mom, Dad. You never failed to surprise me."

"Anak hindi ako ang nagisip nito. Kundi siya." Sabi ng dad niya

Malapit na sila sakaniya.

"Iho. Ikaw na ang bahala sa anak ko ah. Alagaan mo to, prinsesa ko yan." Sabi ng dad niya kay Dhane

"Opo sir. Hindi ko po siya sasaktan." Sabi ni Dhane habang hawak ang kamay ni Samantha

"Dad nalang ang itawag mo sakin, Anak."

"Opo d-Dad"

Pagtapos ng usapang iyon ay ginayak ni Dhane si Samantha papunta sa altar.

"Akala ko sa iba na ko ikakasal. Nakakainis ka, pinapaiyak mo ko."

"Akala mo lang yun. Wag ka nga! Ayokong makita kang umiiyak. Nasasaktan ako."

"Ikaw kasi eh!"

"Uhm excuse me. Pwede na ba tayong magsimula?"

"Ayy sorry po father. Sige po pwede na po."

"Oh sige tayo'y magsimula na."

......

......

.....

"By the power invested on me. I pronounce you husband and wife. You may kiss the bride."

"Mahal, eto na yung pinakahihintay ko hahaha!"

"Bastos!"

"Bastos ka jan! Asawa na kita noh."

"Psh. Sige na, kiss mo na ko."

"KISS! KISS! KISS!"

"Sam kiss daw oh."

"Sige na go na! May magagawa pa ba ako. Hindi naman ako makakatakbo dito."

"Choosy neto! Gwapo to noh!"

"Oo na. Whatever hahaha!"

"Whooooo!"

"Let us congratulate our newly wed couple."

------------------

AFTER 2 YEARS

Samantha's POV

"Jayden! Baby nasaan ka?"

Aish. Yung batang yun talaga. Manang mana sa tatay niya, ang hilig makipagharutan.

"Baby kakain ka na. Labas ka na."

"Jayden!"

Ayy! Alam ko na!

"Jayden! Your daddy is here!"

"Where's daddy?!"

"Oh there you are! Gotcha'! Eat na baby."

Pinuntahan ko siya sa likod ng sofa at niyakap siya.

"I dont want mommy. I want daddy."

"Okay, I'll call daddy. Wait baby."

Calling Mahal ko❤

Nung sumagot na siya, ni-loud speaker ko para marinig din ni Jayden.

"Mahal, ayaw kumain ni Jayden. Kausapin mo nga Dad."

"Jayden?"

"Yes daddy?"

"What does daddy always say?"

"Always obey mommy."

"Very good baby. So eat na. Dont be makulit to your mom."

"Yes daddy."

"So I have to go baby. Mommy kumain ka na din. May meeting pa ko after nito. I love you Mahal ko."

"Okay ingat ka Mahal. I love you too."

"I wav you daddy."

"I love you too baby. So I'll hang up na. Bye."

After kong i end yung call nagkatinginan kami ni Jayden,

"Baby what does daddy said earlier?"

"Always obey mommy."

"So are you going to eat?"

"Yes mommy."

"Verygood baby. Lets eat na!"

He's Jayden Ryan. 2 years old. Ang nagiisa naming baby.

And i dont think na madadagdagan pa yan. Hahaha ewan ko nalang kay Dhane. As of now, masaya naman kaming 3.

May sarili na kaming bahay.

Boss sa isang kumpanya si Dhane.

Pero ako dito lang ako sa bahay, taking care of our son.

Sayang nga eh, mas gusto ko kasi baby girl. Para like mommy, like daughter

Pero wala eh. Boy ang lumabas. Wala akong magagawa, alangan namang ipasok ko ulet sa loob.

Gift from God 'to.

Saka ang gwapo gwapo. Sinong nanay ang itataboy ang isang napakagwapong bata.

Manang mana sa tatay ang mata niyang bilugan pati yung mahabang pilik mata.

Siguro ang nakuha niya lang sakin yung labi na kulay pink tas yung matabang pisnge.

Ayy naku! Ang sarap panggigilan.

I am really happy with my life now.

Nothing to ask for.

Contented and happy with my 2 boys. Daddy and Baby💜

I look like a queen to them.

Actually, namana niya din yung pagiging makulet ng ama niya.

Hayy naku. Lahat nalang.

Madami mang pagsubok at problema ang dumadating saakin at kay Dhane, hindi kami sumuko. At eto kami ngayon. Masaya na. Kuntento sa buhay na meron kami

Thank you Lord for this wonderful gift.

Siguro ang mahihiling ko nalang.

Part 2 para sa baby ko. Hahahaha do you agree? Haha.

Muli, ako si Samantha Mercado-Reyes

At dito nagtatapos ang aking istorya.

Signing off..

Nang dahil sa SELOS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon