Mara's POV
Ang aga kong mag-emote ng dahil sa pangyayaring yun. Madalas na kong umiiyak tuwing gabi. Feeling ko talo na ko, saglit lang ako nakaramdam ng saya dahil binawi rin agad.
Months has passed. Hindi na kami madalas magusap ni Patrick,dahil nasira yung phone ko . Dun lang kasi kami nakakapag-usap ni Patrick. Sa chat lang malakas yung loob ko, pero pagkaharap na siya nauutal na ko.Not until one day...
"Anak?" tawag sakin ni mommy.
Nagliligpit ako ng mga books ko dahil katatapos ko lang mag advance review for the upcoming exam for my last year in high school. "Bakit mom?" tanong ko.
"Come here,anak. I have something for you." sabi ni mommy.
Nagpintig agad yung tenga ko sa narinig. Kaya dali-dali akong bumaba para puntahan si Mommy. "Ano po yun?" excited na tanong ko.
"This one's for you." sabi ni mommy sabay abot ng box.
Ngumiti ako sa kanya sandali. Natataranta akong buksan. Nakita ko yung box ng phone kaya agad kong niyakap si mommy. "Thank you Mom."
Binuksan ko agad yung phone para mag-download ng app. At syempre, yung app na makakapagusap kami ni Patrick yung agad kong dinownload. Hindi ko na niligpit pa yung mga accessories nung phone. Agad kong chineck yung messages ni Patrick . Gosh!!! months lang ako nawala pero hinahanap na niya ko? Ang daming messages.
Message from Patrick:
Hi Mara? Why aren't you
replying on my messages?Message from Patrick:
I miss you. I feel comfortable
talking to you.Message from Patrick:
I really like you, Mara. Sorry
if I hurt your feelings. I didn't
mean it.Message from Patrick:
Can I talk to you in person?
Please let me know if you are
okay with it.I will wait for you.Wow, big WOW! Shockks! Para akong nagkaroon ng pag-asa ng sabihin niya yun. Omyggadd anong sasabihin ko. Agad agad akong nagtipa.
Message to Patrick:
Sorry for the late reply.
Nasira kasi yung phone ko.
Anyway, sure. Usap tayo.
See you tomorrow.Oh pak!Napa-english ateng niyo! Nacurious ako bigla sa magiging itsura ko bukas. Please, wala sanang masyadong gawin para hindi haggard.
Next na chineck ko is yung facebook account ko . Ang daming notification. Ganto ba pag matagal hindi gumamit ng social media accounts? Ang ganda pala. Madaming naghahanap sakin.
"Jusko!" gulat na sabi ko ng makita yung comment ni Patrick sa last profile picture na in-upload ko. 'Kind, Very funny to be with, and beautiful indeed.'
Tila ako'y nasa cloud nine sa sobrang saya ng nararamdaman ko. Maging sa pagtulog ko dala dala ko kung kaya't mukha akong timang na pangi-ngiti bago ipikit ang mga mata.
Mas maaga pa sa tilaok ng manok, yung gising ko. Wala e, super excited lang naman. Natulog akong nakangiti, nagising akong nakangiti.
"Himala, good mood ka ata ngayon, ate." sabi ni Cassandra.
"Well ganun talaga, feeling ko inlove na talaga ako. This is it Pansit! Wala ng pangamba! Wala ng pag-urong! Go lang ng Go!" energetic kong sabi sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Run to You
Romance•COMPLETED• Mara Jane Vallejos is a simple girl. Practical, humorous, and overly open to her feelings. She fell in love with a person most people dreamed of, that's why being loved back is inconceivable for her. She was just looking from afar, to th...