Mara's POV1 year later
"Omg! I can't believe na 1 year and a half nalang ga-graduate na tayo ng high school." sabi ni Loren.
Napaismid si Risha na umiinom ng softdrinks. "At hanggang ngayon hindi parin ako sure sa kukunin ko pagdating ng senior high."
Napatango ako sa sinabi niya dahil kahit ako mismo hindi ko alam kung ano ba ang gusto ko. NAKAKA-ISTRESS!
"Guys, training na daw." sabi ng co-archer namin.
Simula nung ma-broken hearted ako natagpuan ko ang sarili ko bilang archer. Matagal ko ng nakahi-hiligan tong sports na to ,kaso ngayon lang ako nagka-lakas ng loob para subukan.
"Try mo ngang batakin kung kaya mo yang 34 pounds." sabi ni Kuya cedric na senior namin kaya coach na rin ang tinatawag ng karamihan sa kanya. "Mukhang 32 pounds lang ang kaya mo. I-assemble ko lang toh."
Sinuot ko na yung finger tab pati arm guard dahil nadala na ko noong hindi ako nagsuot nito. Halos pagalitan ako ni Mommy dahil umuwi ako ng may pasa sa kamay.
"Guys, I have some announcement." sabi ni coach jeff. "This incoming month, I will be choosing some of you to compete for the division level. So stay focus at the target and goodluck on your training."
Naka-ilang balik ako para bumalik sa base at mag-retrieve ng arrows. Hindi naman gaano na kaba-baan ang naging score ko. Sakto lang para sa ilang set. Pagdating ng tanghali, nag-si puntahan na kami sa room para kumain. Nagda-dala na kasi kami ng sariling foods dahil nagsa-sawa na kami sa paninda sa cafeteria.
"Penge akong ulam." bulong sakin ni Risha.
Nilabas ko na yung tupperware ko na naglalaman ng pagkain. Nagtaka ako kasi nakatingin lang sila sa akin. "Bakit? anong problema?" tanong ko.
"Wala akong baunan." tulalang sabi ni alex.
Napatingin sa kanya si Risha. "Ako din."
Agad akong tinignan ng dalawa. "Oh noh! Don't tell me, uutusan niyo ko para bumili ng paper plate pati spoon?" tanong ko sa kanila.
Nakangiti akong pinagmasdan ni Risha. "Yes, ang galing mo Mara! Pano mo nalaman yung nasa isip ko?" inosenteng tanong niya.
Umiling ako. "Ha! Ayoko, tinatamad akong umakyat sa napaka-habang hagdan na yun. Ayoko rin daanan yung room nila Patrick."
"Lah? OA mo, cafeteria pupuntahan mo teh , hindi room ni Patrick." sabi ni Alex.
Dahil sa katamaran naming lahat, kumain sila sa mismong plastic bag. At ang naka-isip nun ay walang iba kundi ang magna cum laude sa kalokohan si Risha.
"Try mo, Mara! Mas masarap pa kumain sa plastic bag kesa sa paper plate." sabi ni Risha na ngumu-nguya pa kaya tumatalsik yung kanin papunta sakin.
Lumayo ako para hindi masalo yung ka-dugyutan niya. "Ano ba yan! Ka-ganda mong babae, ang baboy mo!" reklamo ko.
Nang maghapon na, wala na kaming klase. Hindi lang namin sure. Wala kasing pumupuntang prof sa room namin kaya naisipan nalang namin ikutin yung campus.
"Pst!" tawag ng kung sino. "Mara!"
Napalingon ako sa gawi ng nagsalita. "Uy! Tol!" sabi ko ,awkward pa konte.
" How are you tol? Doing great?" tumango lang ako. "Oh by the way! If you have time please watch my game." may laban siya? "I'm counting on you." sabi niya habang tumatakbo na palayo.
Kinalabit ako ni Risha. "Naks, mukhang babalik na naman sa pagiging supportive sa every game ni Patrick ha?" tanong niya.
Friend ko si Patrick, Well hindi ko masabi kung ex-ultimate crush. And it's been a year mula nung magkaroon ng Malabong Ugnayan samin ni Gino. Alam ko sa sarili ko na, tanggap ko na ang nangyari pero hindi ko masabi sa ngayon kung dapat ko na bang ibigay sa iba yung pagmamahal ko kay Gino.
Nag decide ako na panoorin yung game ni Patrick. Sporty type siya , mostly na nilalaro niya is Badminton. I think since elementary badminton player na talaga siya.
"Ang angas." sabi ko ng makita siyang humakbang sa likuran ng ka-duo niya kaya napalo niya yung shuttlecock.
Hindi namin alintana yung mga tingin ng iba, dahil kami lang yung mismong agaw pansin. Pano ba naman kasi si Alex, hinatak ako dito sa may tent para mas makita ko ng buo si Patrick , yung tent pa man din na toh nasa mismong tapat ng stage kaya nagiging center of attraction din kami.
"Putcha! Ang galing ni Bebe mo." sabi sakin ni Risha.
Taena! Eto ang ayoko sa kanila eh, yung tipong nagkaka-gusto ulit ako sa tao dahil sa mga panga-asar nila. Alam kong maraming nagkaka-gusto kay Patrick dahil campus heart trobe siya kaya ever since hindi na ko umasa na mapapansin niya ko kahit na ultimate crush ko siya. Swerte na nga ako dahil naging mag - tol kami.
Hindi ko maiwasang humanga kay Patrick kahit noon pa man, may kung ano sa kaniya na nakakainlove talaga. Kahit yung ngiti niya na madalas kung makita, feeling ko sobrang worth it tanawin nun. Ay jusko! Last year lang oh hindi pa masyadong naghihilom yung kay Gino.
"Whaa!! panalo sila Patrick." sabi ng mga babae.
Hinarap ko sila Risha at Alex. "Tara, uwi na tayo." sinulyapan ko ng huli si Patrick at nagtama ang tingin namin kaya dali-dali akong naglakad.
Papunta na ko sa room para kunin yung gamit ko ng biglang may humatak sa kamay ko dahil ng pagtigil ko sa paglalakad. " Thank you, Mara. Message me later." yun lang ang sinabi niya at kumaripas din agad ng alis.
"Hanep, ako pa talaga ang magfe-first move." sabi ko sa sarili.
Pagka-uwi ko sa bahay nag-tipa agad ako ng puwedeng sabihin kay Patrick. Kinakabahan ako! Hindi naman eto yung unang chat ko sa kanya kaso kasi ang tagal na nung huli. Tungkol pa ata yun sa portfolio niya na binigay ko sa room nila kaso wala siya kaya nag message ako sa account niya. Para-paraan ko yun.
Message to Patrick:
Hi tol? Congrats nga pala sa game mo kanina.Na-realize ko na ang tamlay ng congratulations ko kaya nag-send ako ng emoji , kaso iba yung nasend KISS EMOJI!!!
"Shetax!" mura ko. Buburahin ko na sana ng bigla niyang ma-seen.
Message from Patrick:
Wow nice HAHA!
Thank you for being there,
Tol."Syempre lagi kaya akong nandun bawat game mo. Tsk!" sabi ko kunwari'y kausap ng harapan si Patrick.
Message to Patrick:
No prob! Galing mo nga kanina eh.Message from Patrick:
Thank you. I really appreciate it."Okayyyy Good! Mukhang last message niya na to. Makaka-tulog na rin ako sa wakas." sabi ko, itatabi ko na sana yung phone ko ng biglang mag-vibrate.
Message from Patrick:
You want kiss right?
Here,😘 I kissed you back.
Goodnight Tol, Sweetdreams.Nalag-lag yung phone ko sa mukha. "Shepaks naman! Pano ako makakatulog nito?" sabi ko habang nakatingin parin sa last message ni Patrick. Buksan ko na ba ulit puso ko para muling umibig sa unang lalakeng nagustuhan ko?
BINABASA MO ANG
Run to You
Romantik•COMPLETED• Mara Jane Vallejos is a simple girl. Practical, humorous, and overly open to her feelings. She fell in love with a person most people dreamed of, that's why being loved back is inconceivable for her. She was just looking from afar, to th...