Kabanata 13

171 153 6
                                    

Mara's POV

"Gino, tara na. Food is ready ,si Mary Jane nagluto niyan." kantyaw ni mommy.

Tumingin sakin si Gino at nag-iwas rin agad ng tingin. "Hmm. Thank you po for inviting me. Happy Birthday po Tita." ngiti niya sabay abot kay Mommy ng bouquet of flowers.

"Wow. Thank you." pasalamat ni Mommy.

"Oh gino!" tawag ni Daddy na kalalabas lang galing kwarto. Lumapit si Daddy kay Mommy. "Happy Birthday Love." sabay abot ng paper bag.

Hinalikan ni Mommy si Daddy sa pisngi. "Thank you love."

"Tara kain na tayo." sabi ni Daddy. "Feel at home, Gino." ngiti ni Daddy kay Gino.

Ngumiti si Gino pabalik. "Thank you po Tito."

Nangatog ang tuhod ko habang pinagmamasdan si Gino na papalapit sakin, inurong niya ang katabi kong silya para makaupo siya.

"A-ahmm..Mom? How's your day with your friends?" tanong ko para mabasag ang katahimikan.

Nabigla si Mommy sa mabilis kong pagsasalita. "Okay lang naman, anak! I missed teenage life." ngiting sabi niya.

"Oh Gino! Try this one." aya ni Daddy. "Masarap yan, lalo na si Mary Jane ang nagluto. Specialty niya yan." bulong bulong pa niya.

Napatingin ako kay Gino at naabutan siyang nakatingin din sa akin ngunit nag-iwas tingin agad. "Okay po tito, thank you po."

Sumabat bigla sa usapan si Cassandra. "You two have problem?" tanong niya na napagpasamid sa akin.

Inabot ko yung tubig para makainom. "H-ha? Ano b-bang sinasabi mo jan?" inosenteng tanong ko.

"Nag-away ba kayo?" tanong niya ulit.

Napakamot ako sa batok ko at kukurutin ko na sana si Cassandra . "Kumain ka n-"

"No. We're not." singgit ni Gino. "Wala kaming pinag-awayan." paliwanag niya pa sabay tumingin sakin at sumesenyas na sumangayon ako.

Napatingin ako kila Mommy. "Yup. Okay lang po kami." ngiting sabi ko kahit na may bahid ng lungkot.

Natapos ang dinner namin at sinabihan si Gino nila Mommy na huwag muna raw uuwi dahil may sasabihin pa si Mommy rito. Kaya nautusan akong buksan ang t.v para manood at malibag si Gino.

"Romance ate!" utos ni Cassandra na katabi ko lang at kumuha pa ng popcorn.

"Hindi ikaw ang bisita! Tanungin muna natin kung anong gusto ny-" putol na sabi ko.

"Any movies will do." maikling sabi ni Gino na hindi man lang ako binalinggan ng tingin.

Ang ending romance nga ang napili ni Cassandra and yes! tamang-tama yung story sa kung anong label namin ni Gino. #Walanglabel.

"I like that scene." kumento ni Gino.

Napatingin ako sa kanya kahit hindi man lang ako mabalingan ng tingin pabalik. "Me too." sabi ko habang nakatingin parin sa kanya.

Natapos namin ang isang movie ng biglang tawagin ni Mommy si Gino at mukhang may pinagu-usapan sila na pang kanila lang.

Kaya umakyat nalang ako sa room ko at nagpalit ng damit pang bahay. Nahagip ng paningin ko ang notebook at ballpen na may name ko pa. Naisipan kong sulatan nalang si Gino.

"Kung hindi mo ko magagawang kausapin, ako nalang kakausap sayo sa paraan ng pagsusulat." sabi ko na parang sinasabihan si Gino.

Dear Lalakeng Topakin,

Hi!Hello?Gino? Puwede ba tayong magusap?Gusto ko lang sana malaman
kung bakit ang init ng dugo mo sakin?Sarap mong i-ice bucket challenge. Nitong mga nakaraang araw, bigla ka nalang umiiwas. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali sayo, pero kung ano man yun...sana mapatawad mo ko. Namimiss ko na yung bestfriend ko. Namimiss ko na yung kulitan natin. Namimiss ko na si Gino na nagugustuhan ko. Please balik na tayo sa dati. I miss you♥


Nagmamahal kahit hindi mo na mahal,

Mary Jane Vallejos Maganda

Itinupi ko agad ang sulat ko kay Gino at inilagay sa sobre na mabango. Pagtapos kong ayusan ang sarili ko ,bumaba na ko para tignan kung tapos na mag-usap sila Mommy.

"Ayan na pala si Mara." sabi ni Mommy kay Gino. "Ihatid mo na si Gino sa labas, Mara." utos ni mommy.

" Okay Mommy." sabi ko at nag-alinlangan tumingin kay Gino. "T-tara na."

Hindi niya ko pinansin, humarap lang siya kila mommy at daddy. "Thank you po ulit sa pag-invite at sa dinner." ngiting sabi niya sabay lapit kay mommy. "Happy Birthday po ulit, tita."

"You're welcome, Gino." sabi ni Mommy sabay kindat. "Yung usapan natin ha?" nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni mommy.

Napatingin ako kay Gino na napalunok sa sinabi ni Mommy. "Yes po tita." maikling sagot niya.

Hinintay ko siyang makalabas ng pinto pati ng gate. "A-ahm. T-thank you sa pagpunta. H-hindi ko alam na inimbitahan ka ni Mommy." nginig na sabi ko.

Tumingin siya sakin ng matagal na parang ito na ang huling gabi na masisilayan niya ko. "N-no problem." iwas niya bigla ng tingin. "Alis na ko."

Muntikan ko ng makalimutan yung sulat na ipapaabot ko sa kanya. Buti nalang at ilang hakbang palang ang nagagawa niya.Dinukot ko sa bulsa yung sobre at binigay sa kanya.

"What is this for?" kunot-noong tanong niya.

Napayuko ako dahil sa mga mata niya na nagdudulot sakin ng kaba. "H-hindi kasi kita m-makausap ng maayos kaya sa s-sulat ko nalang s-sasabihin yung mga gusto kong itanong s-sayo."

Tinanggap niya ang sulat at ilang beses muna siyang napahinto bago ilagay ang sobre sa bulsa ng pantalon niya. "I'll read it later." simpleng sabi niya.

"I'm sorry." tanging nasabi ko kasabay ng luhang umagos sa mata ko .

Napapikit siya at tila iniiwasan ang mga mata kong umaagos ang luha. "We're okay. Don't feel sorry. "

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang sariling mga kamay. "Bakit tayo naging ganto?" tanong ko habang patuloy parin sa pag-iyak.

Bumuntong hininga siya at pinipigilan parin ang sariling tignan ako. "I'm tired, Mara. Please let's talk about it next time."

"I miss you." mahinang sabi ko, sapat lang para marinig niya.

Humakbang siya palayo sakin. "I don't feel the same way. I want all of our memories...g-gone and forgotten." sabi niya dahilan ng paghugol-gol ko.

Run to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon