Mara's POV
The next day nagulat ako sa biglang pag ring ng cellphone ko na dahilan na rin ng paggising ko.
Message from Patrick:
Goodmorning tol, Hope you've done
eating your breakfast. See you later. CiaoNapabangon ako dun bigla. Omygoodness! Ngayon pala niya ako ite-treat. Na-realize ko na masyado pang maaga para mag-asikaso kaya kinausap ko muna si Gino through call.
"Hmm.. Who's this?" bungad ni Gino halatang natutulog pa.
Napangiti ako dahil nagbalik ulit kami sa dati ng bestfriend ko. "Si mara to! bumangon ka na jan, malalate ka!" malakas kong sabi.
"Arghh you're so sweet, baby. I wish na lagi akong maka-receive ng goodmorning call from you." malambing na sabi niya.
"BESTFRIEND sunduin mo ko!" pinagdiinan ko pa yung unang salita.
Narinig ko ang pagbangon niya. "Okay that hit me. I'm now awake. "
"Masusundo mo ba ko?" tanong ko sa kanya.
Naririnig ko na magto-toothbrush na siya. "Yeah! just give me 30 minutes. Mag bus tayo ha! Daanan kita jan." huling sabi niya sabay patay ng call.
Nagasikaso na agad ako dahil baka maabutan pa nila mommy si Gino at kung ano na naman ang sabihin nila. Inantay ko nalang siya sa mismong highway at umupo sa mga bench dun.
May umakbay sakin kaya agad ko ring inalis. "Loko ka! Ginugulat mo ko!" sigaw na sabi ko kay Gino.
Binalik niya lang yung pagka-akbay niya. "I missed you... bestfriend." ngiting sabi niya at pinisil ang pisngi ko.
"Namiss din kita Gino pati tong hatid sundo mo. Wala na kasing nanlilibre ng pamasahe ko. " birong sabi ko.
Naningkit ang mata niya. "You're using me!" tampo pang sabi niya .
Hi-nug ko siya at ganun din ang ginawa niya sakin. "Whaaa!!! namiss talaga kita ng sobraaa!!" giliw na sabi ko.
Binitawan niya na ang pagkakayakap sakin. "Oh stop. I'm feeling something." sabi niya. Tinitigan ko siya ng masama sabay tingin sa damit ko. "Oy! Don't assume. You don't have that!" tawa-tawang pangi-insulto niya.
Sinuntok ko nalang ng very light yung braso niya bilang ganti. "Tara na at baka malate pa tayo." sabi ko.
Nag-antay lang kami ng bus at syempre gentleman tong bestfriend ko, siya na rin ang nagbayad ng pamasahe ko, kita mo pati lunch libre na rin niya.
"Libre mo ko pati lunch?" pa-cute na sabi ko.
Nilabas niya yung bulsa ng slacks niya. "Nawala lang ako ng isang taon, ganto ka na kaburaot." pagpa-paliwanag niya.
Ang saya kong pumasok ng campus dahil sa wakas okay na kami ni Gino, although may part parin na alam kong hindi pa fully recovered but at least maayos na kami.
"Shepaks Gino! Perfect ko yung quiz!" pagmamalaki kong sabi habang nasa cafeteria kami kumakain
"Naka-perfect din ako. But I didn't say that loud." insulto pa nga.
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. "Magkikita kami ni Patrick mamaya. Kaya baka hindi ako makasabay sayo pag-uwi." paalala ko sa kanya.
Nabahiran ko ng lungkot ang mga ngiting nasisilayan ko sa kanya. "Is it a date?Sama ako HAHA." pekeng tawa niya.
"Hmm.. Date nalang tayo bukas?Tayo naman basta libre mo Haha." tawa ko na rin kahit ang awkward.
"Sure, baby." biro niya pa . Kailangan ko nalang masanay sa tawag ni Gino.
Tinapos ko nalang yung pagkain ko at sobrang tahimik ng paligid kaya mas lalong naging uncomfortable samin ni Gino. "Ehem." tikhim niya. "Susunduin pa ba kita after the date?" pagkadiin niya pa sa huling salita.
"Hindi na siguro Gino. Thank you talaga ha? " sinserong sabi ko.
Napangiti siya sakin at hinawi ang takas kong buhok papunta sa tainga. "No need to mention. I should be the one thanking, thank you for everything, my lady." kahit sinong bestfriend mahuhulog sa kabaitan ni gino ngunit nangyari nga sakin yun, ginusto ko siya noon sadyang magkaibigan lang talaga ang puwedeng maging relasyon namin.
After the afternoon class, pumunta parin si Gino sakin para bilinan ako...
"Text me or call me kung susunduin kita ha? Huwag ma-attached agad ha? Take care of yourself." para siyang si Daddy.
Nag-antay ako sa room dahil dun ang usapan namin ni Patrick...20 minutes din akong nag-antay halos lahat ng blockmates ko nagsi-uwian na. "Hey, sorry I'm late." sabi ni Patrick.
"Okay lang katatapos lang din naman ng klase ko." pagsi-sinungaling ko.
"Shall we go?" tanong niya at napatango nalang ako.
Dala niya yung motor niya kaya mabilis lang kami nakarating sa isang fast-food. "Sorry I can't bring you to the restaurant 'cause this is the closest place near my groupmates house." pagpa-paliwanag niya.
"Hala? may gagawin ka ba today? Hala sorry sige na punta ka na sa groupmates mo, next time mo nalang ako i-treat. Sorry." nahihiyang sabi ko habang inaayos na ang bag para umalis.
"No, it's okay. We're not taking long. We'll just eat." ngiting sabi niya.Kinilig naman ako dun, tinupad niya talaga yung sinabi niya kahit na may gagawin siya. "Are you okay? Do you feel something bad?"
Nagtaka ako sa sinabi niya. "Ha?okay lang naman ako. Bakit mo natanong?"
"Your face is red. You feel sick?" paga-alalang tanong niya.
Natakpan ko yung mukha ko sa kahihiyan. "A-ah ano, mainit kasi mahina yung aircon." pagpapalusot ko.
Ang saya niya kasama. Halos hindi siya nauubusan ng tanong, pick-up lines at kahit jokes. Kaya pinagti-tinginan na kami ng ibang customers dahil tawa kami ng tawa. Ang comfortable niya kausap. Mabilis lang kami natapos sa pagkain, kaya napag-pasyahan na naming umuwi. Pagkalabas namin ng fast food, ia-andar na sana niya yung motor ng makita namin si Tanya na paika-ika.
Nilapitan agad ito ni Patrick halos madapa siya dahil sa mabilisang paglapit. "Hey Tanya? Are you okay?" sobrang paga-alala niyang tanong.
"My knees hurt. Nagkamali ng talon sa training ng volleyball." sabi ni Tanya. yeah, player siya ng volleyball team and siya yung captain.
Bumaba ako ng motor at lumapit kay patrick. "Ahmm.. Patrick? ihatid mo na siya. Magco-commute nalang ako." sabi ko.
"Are you sure, Mara?" sabi niya kaya tumango ako. "Thank you. Let's go Tanya. " sabi niya sa kasama. "You're okay a while ago before I leave. Tsk!" rinig kong sabi ni patrick kay tanya.
Siya pala ang kasama nito, at dahilan ng pagka-late niyang punta. Nagba-badya ang mga luha ko ganun na rin yung sakit na nararamdaman ko. Kinuha ko yung phone ko. "H-hello?G-gino? Pasundo ako please." tuluyan ng pumatak ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Run to You
Romance•COMPLETED• Mara Jane Vallejos is a simple girl. Practical, humorous, and overly open to her feelings. She fell in love with a person most people dreamed of, that's why being loved back is inconceivable for her. She was just looking from afar, to th...