Kabanata 28

119 105 7
                                    

Mara's POV

*beep*

Nagising ako sa vibrate ng cellphone ko. Agad akong napatayo at dah sa kapu-puyat ,umiikot yung paningin ko.

"Okay, Walang gagalaw para hindi tumumba " sabi ko sa sarili.

Nang sandaling maka-recover ako sa biglaang pagtayo. Lumapit ako sa may side desk para i-check yung phone ko. Nag-pop up yung name ni Patrick kaya dali dali kong binuksan kaso naka-ilang pindot na ko para sa code , hindi ko parin ma-buksan.

Napasalampak ako sa sahig ng makailang ulit kong i-type yung password ng phone. Sa sobrang inis ko, power off and on na ang ginawa ko dahil baka nag-hang lang.

"Anak?" tawag sakin ni Mommy mula sa pintuan.

Halos maiyak na ko. "Yes ma?" garalgal na sabi ko.

"Umiiyak ka?" gulat na tanong ni mommy kaya nabuksan niya agad yung pinto. Ni-lock ko yun kagabi ha.

Humarap ako kay Mommy at parang bata na umiiyak sa harap niya. "Hindi ko mabuksan yung phone ko." sabi ko.

Saglit siyang napatulala na para bang may iniisip. "Parang alam ko na kung sino may gawa niyan." sabi niya. "Si Cassandra."

Nag-usok ilong ko. "Pano mo po nasabi Mommy?" tanong ko.

"Hiniram niya sakin yung duplicate key ng kwarto mo, ang sabi niya hihiramin niya raw yung damit mo." naga-alangan pang sabi niya.

Napatakbo agad ako sa closet ko, ang gulo grabe. Parang magnanakaw yung gumawa. Napatitig nalang ako sa closet ko ng may ma-realize. "Hala? nasaan na yung damit?" tanong ko habang halungkat ng closet.

"Parang loose shirt ba anak?" tanong ni mommy.

"Opo mommy, na kulay black huhu Favorite shirt ko yun." sabi ko. "Pero yung phone ko."

"I think anak, puntahan mo nalang si Cassandra sa school nila para ma-open mo na yan." tukoy ni Mommy sa phone ko.

Wala akong choice kundi gawin nalang yun. Paniguradong late na naman ako neto. Sasabunutan ko talaga yun kapag nakarating ako tsk!

Nang makarating ako sa school ni Cassandra agad kong hinanap yung room niya. At ang loko, nakukuha pang makipagtawanan at daldalan.

"Woy!" tawag ko. Nagulat ako ng mag-tinginan lahat ng classmate niya.

Tamad siyang lumabas ng room. "Ang ingay mo ate! Bakit ba?" nabatukan ko siya ng di oras.

"Aba! Ang lakas mo naman!" reklamo ko pabalik. "Ayusin mo to!" sabi ko sabay abot ng phone ko sa kanya.

Tumatawa lang siya habang pinapakita sakin yung password. "Okay, pahinging pera." agad niyang sabi.

Para lang makaalis ako dun binigyan ko na siya. Alam ko rin ang pakiramdam ng magipitan. "Last mo na yan! At huwag mo ng palitan password ko , pakielamera." sabi ko at hinintay siyang makapasok sa room niya.

"Opps sorry." sabay pang sabi namin.

Nagulat ako ng ma-realize kung sino yung nakabunggo ko. "Oh? Kev?" sabi ko.

"Yow ate mara." bati niya. "Ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Ah wala, loko-loko kasi kapatid ko pinalitan password ng phone ko. Kaya eto, napasugod ako." pag-explain ko. "Ikaw ba? Ginagawa mo dito?"

Tinapikan niya sa balikat yung batang lalake na kasama niya. "Hinatid ko lang kapatid ko. Mag-classmate sila ng kapatid mo." ngiting sabi niya.

Sandali akong natahimik ng ma-realize na nag-message nga pala si Patrick sa akin. Kaya dali dali kong in-open phone ko habang hinahayaan lang magsalita si Kev.

Message from Patrick:
Goodmorning Mara!
See you after the class.
Meet me outside the campus.

"Ang bilis noh?" tanong ni Kev.

Nagulantang ako sa tanong niya dahil wala naman akong naintindihan sa mga sinabi niya. "Ha? Anong sinabi mo? Sorry hindi ko kasi naintindihan. May binasa lang ako." sabi ko.

Natawa siya. "Ang sabi ko po, May meeting mamaya ang mga archers. May sasabihin si coach" paliwanag niya.

Napakamot nalang ako. "Ah okay hehe." awkward na tawa ko. "Pupunta ka na bang campus?" tanong ko para may ma-topic.

"Opo, ate mara." ngiting sabi niya. "Ikaw ba pupunta ka na? Sabay na pala tayo ,Ate." napatango nalang ako.

Isa pang ate nito bibigwasan ko na. Mukha namang mabait tong batang to. Caring din siguro dahil hinahatid niya pa kapatid niya, samantalang ako binabatukan ko lang si Cassandra. Matanda lang naman siya sakin ng isang taon, same lang naman birthday namin pero hayst! Hindi ko tanggap yung ate. Ang tanda ko tignan.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa ng makarating kami sa campus dahil magkaiba kami ng year. At ano pa bang aasahan ko? Syempre, second subject na ako nakapasok. 15 minutes na nga lang ,breaktime na namin jusko.


"Oy Gino!" tawag ko.

Lumingon siya sa gawi ko. "Why?" sabi niya sabay balik sa ginagawa niya.


"Hindi muna ako makakasama sa brainstorming about sa project ha? May pupuntahan kasi ako." paliwanag ko.

"Shhh! Alam ko na yan. Pupuntahan" diin niya sa huling salita.

Piningot ko yung tenga niya. "Ay basta! Alam mo naman na pala eh. I-message mo nalang gagawin ko ha?" sabi ko at inantay lang ang tango niya bilang hudyat ng pag-alis ko.

Pumunta agad ako sa archery team dahil may announcement daw si coach jeff. Hinihingal ako sa ginawa kong lakad-takbo. Ang sakit ng dibdib ko kahit wala namang umaalog.

"Thank you for attending this meeting. I have an important announcement guys." panimula ni coach. "Next week will be the competition. Be prepared guys, and finish all of your works para wala kayong hahabulin."

Ang bilis naman parang kelan lang nag-training pa kami tapos boom! "Yan yung sinasabi ko sayo ,Ate mara." bulong ni kev sakin.

Napakamot na naman ako ng biglang maalala yung kanina. One of my lutang moments. "Hehe sorry" sabi ko nalang.

Nang dismissal na , muli akong tumakbo para pumunta sa meet-up namin ni Patrick. Nakaka-excite kahit na hindi ko alam kung anong sasabihin niya. Stop it, Mara! Huwag assumera. Ganda nun ah rhymes!Mara assumera.

"Hi?" bungad ko kay Patrick. Nine-nerbyos ako.

Nagulat pa siyang tumingin sakin. "Oh hi? You're here." taranta pang sabi niya. "Come,Sit here." mukha na ba akong aso?

Ang tagal naming natahimik, tamang inom lang kami ng softdrinks . Wala talagang nagsasalita kaya ang awkward , dagdagan pa na pinili niyang meet up sa tahimik na lugar.

"Hmm" tikhim ko. "Ano nga pala yung sasabihin mo?" diretsong tanong ko. Uwing uwi na rin ako dahil baka maubusan ako ng ulam tsk!

"How should I say this?" bulong niya pero rinig ko parin naman. "Mara?" sinsero niyang sabi kaya natuon talaga ang paningin ko sa kanya. "I think...I like you." sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko. Bahid man ng gulat ang aking mukha pero deep inside gusto kong magwala.

Hala! This might be the chance

Run to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon