Kabanata 21

152 125 7
                                    

Mara's POV

Hindi na matigil sa pagdaloy ng luha sa aking mata. Maging yung sakit na nararamdaman ko,hindi matigil-tigil. I hope na mali yung nasa isip ko, hindi aalis si Gino. Hindi siya lalayo.

Pinakalma ko muna yung luhang patuloy sa pag-agos. Nakakahiya, dahil sa harap ni Patrick umiiyak ako para akong bata na pinangakuan ng pasalubong pero walang nabigay. Nung nakahinga na ko ng maluwang, ay dun palang ako umalis sa cafeteria para sana makipag-usap kay Gino. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng makitang bakante ang upuan niya.

"Kate, nasan si Gino?" tanong ko sa seatmate.

Nawala ang atensyon niya sa prof na nagdi-discuss ng tawagin ko siya. "Ay wala na,Mara. Nagpalipat siya ng block. Wala ngang sinabing rason eh." paliwanag niya.

Natulala nalang ako kay Kate. Tila nagbabadya na naman ang mga luha ko. Bakit ganun Gino? Ikaw yung nakagawa ng mali pero bakit ikaw rin yung lumayo? "a-ahh...Sige kate T-thanks." malamyang tugon ko .

Buong klase gusto ko umiyak. Napaka-emotional ko kainis. Hindi na ako nakapag-focus sa class dahil masyado ng okyupado ni Gino yung isip ko. Nung uwian namin, hinanap ko siya sa campus. As in, nilibot ko yung buong campus kahit sulok nito sadyang ayaw na talaga magpakita ni Gino. Lumalayo na siya, pinili niyang lumayo Mara.

Mukha akong timang na nakatayo lang sa gitna ng campus, hindi umaayon yung paa ko sa iniisip ko. Gusto ko ng umalis dito, gusto ko ng umiyak mag-isa dahil sanay na kong walang napagsasabihan ng mga hinanakit.

Bigla nalang umulan, ngunit totoo ngang masarap sa pakiramdam ang ulan lalo na kung puso'y sugatan.Kasi sinasabayan ng ulan ang bawat patak ng luha ng isang tao. Mas lalo akong naiyak  ng marealize na kahit ulan nakikiayon sa nararamdaman ko. Ulan nalang siguro yung nakakakita at nakakapagpaalis ng luha ko.

Trip kong magpabasa sa ulan, at hindi lang yun nag indian seat pa ko, hindi ko alintana ang ulan na puwedeng maging dahilan ng pagkasakit ko. Wala eh, wala na akong maramdaman. Para akong naupos na kandila.

"Mind if I join?" tanong ni Patrick. Hindi ko napansin yung pag sulpot niya.

Agad kong sinuyod ang buong katawan niya at nagsisimula na ngang pumatak ang ulan sa katawan niya. "HALA KA!" sigaw ko, nabigla si Patrick maski ako nabigla rin sa lakas ng boses ko. "Bakit ka nagpapa-ulan? May dala ka namang payong." tanong ko habang tinuturo yung payong na hawak niya.

" 'Cause I want too." nice ganda ng sagot. "How bout you? Why are you here? Don't tell me you didn't take a bath earlier?" aba! loko toh ha!

"Tara upo ka, tutal naulanan ka na rin. Sabay tayong magkasakit." walang kwentang sabi ko.Umupo naman siya. Bago kong aso, iuwi ko to sa bahay.

Tinignan niya ko kaya taka rin akong tumingin sa kanya. "You're crying." sabi niya.

Nagulat ako sa tanong niya. "Lah, hindi kaya. Ako umiiyak? Tsk! Duh, maulan kaya." palusot ko.

"That's not a question." ngiting-ngiti niyang sabi.

Nilipat na niya ang paningin sa mga students sa dumadaan sa campus, kaya napatingin na rin ako. Bawat dumadaan may kanya-kanyang payong habang tinitignan kaming dalawa na nakasalampak sa ground ng campus habang nagpapa-ulan.

"You know what, you don't have to be alone everytime you feel broken." sabi niya nakatingin parin sa paligid. "I'm here, I can comfort you."

Hindi ko malaman kung ano ang dapat sabihin dahil nagugulat parin ako sa mga sinasabi niya. May alam ba to? "Salamat." tangi kong nasabi.

"Let's be friends. Call me when you needed someone to talk to, Don't worry I will do the same when I'm at the situation like this." pakikipag-deal niya.

"Okay lang sayo?" alanganing tanong ko.

Tumingin siya sakin sabay ngumiti. "Oo naman. Can I call you,tol?" tanong niya.

Napaisip agad ako. Hindi ko alam na may ganto palang side si Patrick nakakatuwa lang jejemon HAHA parang ako. "Sige ba, Tol!" tawa-tawa kong sabi dahilan din ng pagtawa niya.

Napag-desisyunan na naming umuwi nung parehas na kaming nanga-ngatog sa lamig. Bilad na bilad kami sa ulan, kaya basang-basa yung damit namin. "Here, wear this." abot niya ng sweater na hindi man lang ako tinignan.

Nagtaka ako kung para saan pa yun eh basa na rin naman. "Para saan toh?" tanong ko.

"Argh! I can't believe. I'm about to say this." sabi niya at tinignan na ko ,naglandas ang paningin niya pababa sa aking... "I can see the color of your b-bra."

Agad kong tinignan kung saan siya nakatingin at ganun na lamang kahihiyang naramdaman ko ng makita ang kulay red kong ....basta! "Jusmiyo!" tinakip ko kaagad yung sweater. "S-salamat." sabi ko.

"I-im going home. You- take care." pagpapaalam niya kaya dali dali akong nagtatakbo paalis sa kanya.

"Don't know how to say Goodbye, Ms. Red?" pang-asar na sigaw niya. Hindi ko na pinansin yun, dahil yung puso ko nagwa-wala na naman. Pahiya ako dun eh.

Nakarating ako sa bahay na basang basa parin, dahil umuulan parin. Agad agad akong nag hot shower para mawala yung lamig na pakiramdam. Ilang oras lang ay nag-ayos na ko para matulog. Pagka-uwi ko kasi madilim na at paniguradong tulog na sila Mommy.

Nahiga ako sa malambot kong kama, hindi ko makalimutan yun kahihiyan na laging nangyayari pag kasama o nakikita ko si Patrick. Una yung red stain sa palda ko tapos ngayon yung red...basta! Lahat nalang red! Next time favorite color ko naman , Yellow ganun!

Natunganga ako ng ilang minuto pa, ng bigla ko namang makita yung sulat ni Gino na nakalagay sa study desk ko. Hindi ko nagawang itapon or sirain yun. Kahit na basang basa na rin , ike-keep ko parin. Tuluyan na nga akong nakulong sa mga naglalaro sa isipan ko. Marahil kaibigan lang talaga ang puwede sa amin ni Gino. Hindi ko man madaling matanggap sa ngayon, pero alam ko darating yung araw na magiging okay ang lahat. Magiging okay ako. May mga tao akong masasabihan ng nararamdaman ko. Nandyan ang kaibigan ko maging si...Patrick.

Bakit ganun? Pag may nawawala may ibang dumarating? Nung si Gino ang lagi kong kasama, ni minsan hindi ko na nakausap pa si Patrick pero nung si Gino naman ang lumayo , si Patrick naman ang biglang nandiyan. Gusto kong isipin na parang napaglalaruan na ko kasi ang gulo gulo na. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang tanging nakikita ko ngayon, ay magfo-focus muna ako sa studies ko at siguro, sasabak ako sa pagiging archer.

"Argh!!!Ang sakit na sa ulo." sabi ko habang umiiyak na naman. "Bakit lahat ng minamahal ko nawawala? lumalayo? Pakshet naman! Tama na." mahinang sabi ko habang patuloy lang sa pagluha hanggang sa dalawin na ako ng antok.

Run to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon