Kabanata 9

192 173 5
                                    

Mara's POV

Umagang-umaga napakagwapong nilalang ang bumungad sa gate namin. Pinagbuksan ko siya ng pinto at pinapasok . Wala pa kong mumog sis! Wala na kong pakealam sa itsura ko ,mapagbuksan ko lang siya ng pinto. Sanay na siya sa ka-abnormalan ko,at sanay na rin ako sa mga banat niyang nagu-udyok sakin para balian siya ng buto. Bones!

"Napapadalas na pagsundo mo kay Mara,iho." bungad ni daddy sa kanya na sumisimsim pa sa kape.

Nakita ko ang biglaang paglunok ni Gino dahilan ng pagtago ng tawa ko. Lumapit siya kay Daddy sabay nag- mano. "G-goodmorning po ,sir." bati ni Gino.

"Hmm." tumango si daddy sabay baling ng tingin kay Gino. "Tito nalang, iho." sabi ni papa na nagpangiti kay Gino.

"Hon!" tawag ni mommy kay daddy. "Oh? Gino, nandito ka pala. Tara, sabayan mo na mag-almusal si Mara." hindi pa nakakasagot si Gino ay pinaghandaan na siya ni Mommy.

"Mara, I'm not hungry infact nakatatlong plato ako kanina." bulong niya sakin .

Tinignan ko siya ng nakakaloko sabay ngumisi. "Buti nalunok mo yung plato? Tibay mo par! Tatlo yun." hagalpak ko ng tawa dahil sinamaan niya ko ng tingin.

Lumapit na si Mommy sa dining room at hinain ang mga pagkain sa lamesa. "Kain na kayo ,anak. Baka malate kayo sa klase."

Tinignan ko muli si Gino at natawa sa reaksyon niya na naduduwal dahil maraming pagkain ang nakahain sa hapagkainan.

Nginitian niya si Mommy. "Thank you po tita." Plastic! Lumapit siya sakin upang may ibulong. "Sinong may Birthday?Fiesta ba ngayon?"

Natawa ako sa seryosong mukha na pinapakita niya sakin ngayon. "Mommy!" tawag ko. "May sinasabi si Gin-" pagsusumbong ko sana ng takpan ni Gino yung bibig ko.

"The food is great,tita! hihihi." agad na ssagot Gino.

"HAHAHA!" hindi ko mapigilan matawa. "Wala pa ngang bawas pagkain mo, makasarap ka jan. HAHAHA!"

"Kasi amoy palang mukhang masarap na. The best talaga si Tita." panglusot niya at ngumuso agad sakin.

Saglit lang at natapos na namin ang pagkain nagvolunteer siyang tutulungan niya ko maghugas.

"Hanggang sa paghuhugas ng pinggan ang harot mo noh?" inis na sabi ko sakanya. Kanina pa kasi siya sundot ng sundot sa tagiliran ko ,nakikiliti tuloy ako.

"Tickles!Tickles!" natatawang tusok niya parang stick sa fishball amputik.

Nahawakan niya yung kamay ko ng muntikan malaglag yung baso. "Yieeee! Ang gaspang." pang-aasar niya.

May naalala ako bigla . "I-i'm sorry." si patrick.

Winisikan ako ni Gino ng tubig sa mukha. "Uy!What happened? Are you okay?" concern na tanong niya.

Napatanggal agad ako ng kamay ko sa kamay niya. "A-ahmm... M-maliligo lang ako." paalam ko sabay talikod sa kanya.

Hindi ko alam kung saang lumalop ng pagi-isip ko at biglang natandaan si Patrick. "Mara, bangag ka lang! Kakapuyat lang yan, magshower ka na."

Run to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon