Mara's POV
The year ends, naging consistent si Patrick sa panliligaw niya although through messages but still, naappreciate ko yun. Halos araw-araw kami magkausap. Hindi kami makapag-meet dahil christmas break kaya umaasa nalang ako sa chats. At ang ate niyo, kilig kilig parin. Hindi makapaniwala na darating yung time na magugustuhan ako ni Patrick.
"Goodluck sa class niyo this year." sabi ni Mommy samin ni Cassandra bago umalis ng bahay.
Naglakad nalang ako since hindi naman masyadong kalayuan. Pumunta muna ako sa convenience store, para bumili ng snacks at chocolates syempre!
"Oyyyyyyy!!" sigaw nila Risha.
Lumingon ako sa pinag-galingan ng sigaw. Tumakbo ako papunta sa kanila. "Hala namiss ko kayo!" sabi ko habang nag-group hug pa kami.
Tinignan ako ni arminne mula ulo hanggang paa. "Grabe! Walang pinagbago!"
"Yeah right, Maganda parin." Flip hair ateng niyo.
"Payat parin." dugtong ni Alex.
Sa aming magka-kaibigan hindi na uso ang regalo tuwing christmas or bagong taon. Depende nalang samin, kung gaano kami ka-plastic o ka-kapal sa isa't-isa.
"Ano pa bang aasahan?" sabi ni Revelyn.
"Jusko naman! Seven tayong frenny tapos kahit mug lang na regalo ,wala?" gatong pa ni Jeneva.
"Ikaw Mara? Bankrupt na ? Wala na kaming mawe-withdraw?" tanong ni Loren.
"Oo nga naman, kahit chocolates man lang or chocolate drinks okay na sakin." parinig ni Arminne.
Isa sa dahilan kung bakit mas gu-gustuhin ko nalang yung school break. "Oh eto chocolate." abot ko sa kanila ng binili.
"Lah lugi! Walang ferrero?" nakakabwisit na tanong ni Risha.
Naglahad ako ng kamay sa kanya. "Akin na, ibenta natin organs mo para may pambili tayo." wika ko.
Pagkarating ko sa room agad akong nagulat ng makitang may tao sa hallway at nasa mismong tapat pa ng room namin.
"GINOOO!!!!" sigaw ko. Wala akong pakealam kung marinig man ng mga ibang students yung lakas ng boses ko.
Niyakap ko agad siya ng makalapit ako. "It's nice to see you again, Mara." sabi niya habang mahigpit ang yakap sakin.
Kumalas ako sa pagkakayakap namin. "Hala! Kanina ka pa nandito?" tanong ko sa kanya. "Kumusta ka naman? Bakit parang hindi ka naka-uniform? Aalis ka ba?" sunod-sunod na tanong ko.
Saglit siyang tumawa at agad ring tumango. "Yup, Kanina pa ko dito. Ang tagal mo nga dumating e, buti hindi pa ako nainip." Hindi pa nainip noh? "Okay lang naman ako. Wala namang bago, I'm still Gino the pogi."
Inirapan ko lang yung kayabangan niya. "So bakit hindi ka nga naka-uniform?" tanong ko ulit.
Huminga siya ng malalim at bakas sa mukha niya ang pagka-lungkot. "I just came here to say goodbye." mapait siyang ngumiti. "We're staying na sa ibang bansa. For good. Umuwi lang ako ng pinas para makita ka at magpaalam na rin." nangingilid yung mga luha sa mata niya.
BINABASA MO ANG
Run to You
Romance•COMPLETED• Mara Jane Vallejos is a simple girl. Practical, humorous, and overly open to her feelings. She fell in love with a person most people dreamed of, that's why being loved back is inconceivable for her. She was just looking from afar, to th...