Safe
Jusko! Ang aga aga mambulabog sa room namin si Patrick. At halos siya pa ang dahilan ng maaga kong pag-gising. Yah! M-A-A-G-A!!!
"Grabe naman patrick!" inis na sabi ko.
Tumatawa siyang humarap sakin. "Why? Is there something wrong?" sabi niya tila nagpipigil pa ng tawa.
Tinignan ko siya ng pagkatagal-tagal. Pigilan niyo ko sasakalin ko to! "Ay walang problema! Ang saya ko pa nga eh. Thank you sa paggising sakin ha? Anong oras na nga ulit ngayon?" sarcastic na tanong ko.
Tinignan niya yung wrist watch niya. "Hmm? 4 a.m?" inosenteng sagot niya.
Napasabunot ako sa sarili, nagtitimpi. "Grabe talaga! Sila mommy nga tulog pa tapos ako, ARGHH!" nakakagigil talaga. "Ligo lang ako ha?Hanap ka muna ng makakain mo jan. "
"Aye!Aye Ms. Flat!" ayan na naman siya parang bata talaga buset!
Hinanda ko na lahat ng mga kailangan kong dalhin, nakapag almusal na rin ako kahit papano at nakaligo na rin kahit saglit lang...mga 45 minutes. Pagkalabas ko ng room ko, dala dala ko na yung MGA bags ko.
Nakatingin lang sakin si Patrick, haystt ang ganda ko kasi! "Oh? ano ang aga mo pumunta dito tapos matutulala ka lang sa kagandahan ko? Tara na!"
Tumayo naman siya ngunit hindi naman naglakad kaya napalingon ulit ako sa kanya. "Mara? We're going to do an underwater activity. So what is the purpose of those f*ckin bags?"
Natawa rin ako sa sarili kong katangahan. "Ay!Oo nga pala. Wait lang ha, balik ko lang yung mga damit sa closet ko." maglalakad na sana ako ng bigla niya kong pinigilan at walang permisong bigla-bigla nalang niyang hinagis ung bags sa sofa set.
"Oh please! I've been waiting for an hour. Let's Go!" wala na nahila na ko.
Juiceko!Eto na yung ayoko huhu! Naka-life vest na kami hutcha! SWITCHHHH!!
Humarap ako kay Patrick. "Napi-piw-piw ako ." palusot ko.
Busy pa siya sa paga-ayos ng vest niya. "Ha? What are you talking about?Piw-piw?" naguguluhan na tanong niya.
Magsasalita na sana ako ng makita si Kuyang instructor na tumatawa. "Sir, ang sabi ni Ma'am excited na daw siya." hala? kumindat pa nga.
Lumapit ako kay kuya. "Kuya kelan pa nakaka-excite maihi?" sarkastikong tanong ko.
Umakto siya na parang nagi-isip. "Araw-araw Ma'am. At tsaka hindi lang kaya nakaka-excite, nakaka-kilig pa." tawang sabi niya.
"Kuya magpaalam ka na sa trabaho mo." pagbibiro ko.
Natatawa parin si kuya sakin. "What's so funny? singit ni Patrick. "Let's go, Mara."
Hindi na ko nakapiw-piw kainis. Sa ilalim ng dagat nalang haystt. Tuluyan ko na ngang nadama ang lamig ng tubig dahilan para mas kabahan at matakot ako.
"Hold my hand." walang permisong biglang hawakan ni patrick ang kamay ko. "Don't be scared, Mara. I'm with you" sabi niya sabay ngiti.
Ewan ko ba, pero feeling ko safe ako kay Patrick. Pangalawang araw palang na magkasama kami, pero ang comfortable na ng pakiramdam ko sa kanya. Masama ang pakiramdam ko dito.
"Yuhuu?" kaway ni patrick sa mismong mukha ko.
Napatingin ako sa gulat. Tulaley pala ang ateng niyo. "Thank you." huli kong nasabi bago kami sumisid pailalim sa tubig.
Nakakatakot talaga, sa taas maliwanag pero pag nasa ilalim ka na ang dilim. Parang may pating na kakain sakin ng buo huhuhu Mommy. Tinupad naman ni Patrick ang sinabi niya, dahil habang papasok kami sa kuweba ay hawak hawak niya lang ang kamay ko, kaya kami napagkakamalan ni Kuyang instructor na may relasyon.
Napasok na namin ang loob ng kuweba at grabe sa ganda. Yung kabang naramdaman ko kanina ay napalitan ng excitement taray english. "Andito na po tayo." sabi ni kuya.
Nagpaikot-ikot ang tingin ko . Parang yung jowa mong hindi mapirmi ang paningin sayo. Namangha ako sa underwater cave na ito. At may isa akong natutunan, harapin mo ang takot upang wala kang masayang na pagkakataon. Gaya na lamang ng nasasaksihan ko ngayon.
"Wow, ang ganda." tanging nasambit ko.
Napalingon ako kay Patrick na gumagala rin ang mata sa paligid. "Yah, it is indeed beautiful."
Para kaming mga bata na nagsasabuyan ng tubig. Natawa pa ko kasi sila kuya sumali na rin. Sa mga sandaling yun nawala lahat ng problema ko. Nawala yung sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko , kahit sandali nawala si Gino sa isip ko. Yan naalala ko tuloy!
"Are you okay ,Mara?" tanong ni Patrick. " I noticed that you seem to be thinking of something since earlier? paga-alala niyang tanong.
Umiling ako. "Okay lang ako,ano ka ba!" pabirong sabi ko. "Pagod lang kakalangoy, para kasing mga bata Hahaha!" naalala ko tuloy yung kanina .
"You're the one to talk?" tawa niya.
Natahimik kami sandali at sabay na nagkatinginan. "Thank y-" sabay naming sabi dahilan ng muling pagtawa namin.
"Pero seryoso, Thank you Patrick." sinserong sabi ko. "Ang dami kong iniisip ngayon pero ng dahil sa araw na to nawala lahat ng yon, kahit sandali lang." ngiting sabi ko.
"Thank you too, Mara." sabi niya. "I'm glad knowing that I helped you."
Napangiti ako sa kawalan. "Pano ba yan? Tapos na ang kasiyahan ,back to school na ulit next week."
Napabuntong hininga siya. "Yah, See you around in school or maybe I can take you home after your class and eat with you during breaktime." haba ng buhok ko masyadong straight-forward.
"Kung gusto mo, maging classmate na rin kita haha."sabi ko ng pabiro.
"I want to be your friend, Mara" sabi niya out of nowhere.
Napangiti ako dun. "Ako rin. Ang bait bait mo." pag compliment ko sa kanya.
"And handsome." hangin mo pre para kang si... " Hayst. Now I'm wishing that we can be more than that." bulong niya pero rinig ko parin.
Napalingon agad ako halos ma stiff neck ako mga sis. "More than what?" kunot-noong tanong ko.
"Let's go back to our rooms, Mara." ang hilig talagang ngumiti ng taong toh.
Help me guyss. Sign na ba ito to move-on? or gaya lang to ng nakaraang pag-ibig ko?.
BINABASA MO ANG
Run to You
Romance•COMPLETED• Mara Jane Vallejos is a simple girl. Practical, humorous, and overly open to her feelings. She fell in love with a person most people dreamed of, that's why being loved back is inconceivable for her. She was just looking from afar, to th...