Kabanata 23

133 120 2
                                    

Mara's POV

Jusko! Nagising ako dahil sa ingay ng kapitbahay naming nagvi-videoke.

"Goodmorning Mom." sabi ko kay Mommy habang kinukusot pa yung mga mata.

Nagawi ang tingin ni mommy sakin. "Goodmorning din anak."

"Mommy? asan po sila daddy at cassy?" tanong ko.

Niligpit na mama ang mga kubyertos tsaka hinarap ako. "Si daddy mo maagang umalis, si Cassy pumasok na rin may activities ba raw kasi siyang gagawin."

Okay hindi ko na naman makakasabay ang asungot kong kapatid. May time ako para makapag-ikot-ikot muna bago pumasok sa school. Nagmadali akong mag-asikaso para makakain muna ng streetfoods, palihim ko lang tong ginagawa dahil pinapagalitan ako nila daddy.

"Masarap talaga ang bawal." sabi ko habang tumutusok pa sa fishball at inaantay lutuin yung kwek-kwek.

"Yah, Masarap talaga, sumbong kita." sabi ng katabi ko.

Nakabuka pa man din yung bibig ko para isubo yung fishball , ngunit dahil sa nagsalita napalingon ako agad. "G-gino?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Nakangiti siyang tumingin sakin. "Your's truly." sabi niya sabay kindat. "Long time no see?" alanganin pang sabi niya.

Natulala lang ako at hindi malaman kung ano ang dapat sabihin. "N-ngayon lang ulit kita n-nakita." nakakahiya kailangan utal utal.

Tinignan niya yung relo niya sa kamay. "Opps! Sorry mala-late na ko. See you later. Meet me at the bench." sabi niya sabay karipas ng takbo.

Hala shet! 1 year lang ang nakalipas bakit parang nag-iba na yung itsura niya. Mas lalo siyang naging magandang lalake at yung mga braso niya... ang matured na niya.

"Puso! Tumigil na! Nakamove-on ka na 1 year na mahigit kaya wala ka ng nararamdaman." pang-aral ko sa sarili. Tumusok ulit ako sa nilulutong fishball ni Kuya. "Shet! Bakit ganun?"

"Oo nga miss. Shet talaga! sobra na yung tinutusok mo eh 10 pesos lang naman binayad mo." turo niya pa sa nakatusok na fishball.

Napatingin ako sa fishball na nakalahati ko na. "Bakit mo kasi binibilang kuya?" kain ko agad ng buo sabay abot ng karagdagang bayad. Nai-istress ako lalo jusme!

Hindi ako mapakali dahil sa muli naming pagkikita ni Gino. Alam kong wala na kong nararamdaman sa kanya, sadyang nakaka-kaba lang at ang awkward dahil ngayon lang talaga ulit kami nagkita.

"Alex, may balita ka ba kay Gino?simula nung nagpalipat siya ng block?" tanong ko kay alex.

Nakita ko yung gulat sa mukha niya na agad din akong nagtaka. "Ang balita ko hindi siya nag-iba ng block kundi lumipat siya ng ibang school." sabi niya sabay iwas ng tingin.

Hindi na ako nagtanong pa dahil bigla ng pumasok sa room yung prof namin. Habang nag-klase kami lutang ang isip ko, hindi ko narinig na tinatawag pala ako.

"Mara, tawag ka ni prof." kalabit sakin ni Risha.

Napatayo ako ng tumawid. "You're not paying attention, Ms. Vallejos." pa simangot na sabi ni sir. " I will repeat my question." napatango nalang ako. "When was the last time you do something unknowingly ?"

Ang tagal mag-sink in sa utak ko ng tanong ni sir, naalala ko philosophy nga pala yung subject niya. "Ahmm? kanina lang po sir, nung sumobra yung tusok ko sa fishball. At akala ko hindi counted ni Kuya."

Nagsi-tawanan sila kaya nagtaka agad ako. "Mara, unknowingly hindi yung sinadya." sabi nila dahilan ng pagtawa ng lahat.

Hayst bahala na kung anong sinabi ko. Hindi parin ako makapag-focus. Nakaka-excite na magca-catch up kami ni Gino dahil taon na ang binilang nung huling usap namin.

Gaya ng napag-usapan, pagkatapos ng klase pumunta na ko sa bench para mag-antay. Wala naman kasi siyang binigay na oras kaya bahala na kung malate man ako or siya.

"Hey tol!" tawag ni Patrick. "Are you done with your class? Let's go out. My treat." ang sarap sa pandinig nun .

Magsa-salita na sana ako ng may biglang tumawag sa kaniya. "Patrick!" si tanya.

Lumapit sa pwesto namin si Tanya at nginitian niya ko. Napaka-genuine ng smile niya, sobrang soft ng pagkatao niya and maraming nagsasabi na ang unique ng personality niya. Kaya nagustuhan siya ni Patrick.

"Uwian niyo na?" tanong ni tanya kay patrick. "Jamming naman tayo, dala mo ba gitara mo?" almost perfect na sa paningin ko si tanya dahil sa pagiging easy-goer niya at bukod dun marami ang nahuhumaling sa tinig niya.

Hindi ko malaman kung bakit bumabalik na naman yung sakit. "Ahmm..Patrick? sorry hindi ako makakasama sayo, may pupuntahan pa kasi ako." sabi ko sa kanya. Alam ko naman na kailangan kong sabihin yun dahil alam ko rin na mas pipiliin niyang samahan si tanya.

Napakamot siya sa batok niya. "Okay, But promise me, next time? Tell me when you'll be free." sabi niya at hinarap agad si tanya, sabay silang naglakad palayo.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko habang tinitignan sila hindi kalayuan sakin. Bakit ganto? Tila bumabalik ang nararamdaman ko kay Patrick kung kaya't ganito na naman ako kung masaktan sa kanya.

Napapikit ako sandali, iniisip kung ano yung feeling na to. "Sorry for waiting. Are you okay?" napadilat ako sa biglaang dating ni Gino. "Pagod ka ba? Should I take you home?" sunod sunod na tanong niya.

"Hala! Okay lang ako." pasimple kong tawa. "At tsaka ngayon lang ulit tayo nagkasama at nagkausap, kaya ayokong sayangin yung oras na to."

Hinimas niya yung buhok ko at ginulo. "Sweet mo naman bestfriend."  sabi niya.

"Bestfriend mukha mo! Kaka-confess mo lang last year tapos bestfriend na ngayon. Lumipat ka pa ng school!" tampo kong sabi.

Natawa siya dahil para akong bata. "Chill dude! Siguro noon sobra kitang gusto , but I realized something along the process... Hindi ako yung taong nakalaan para sayo." napataas ako ng kilay sa sinabi niya.

"Kelan ka pa naging manghu-hula?" sarcastic na tanong ko.

Hahawakan na naman niya sana yung buhok ko pero umilag ako, kaya natawa siya. "I just realized...that maybe yung feelings mo is nabaling lang sakin it is because the true one can't see your love for him." sasapukin ko na sana siya pero naintindihan ko rin siya.

"Hindi ka sigurado!" sabi ko.

Natawa siya ng very slight. "Even before, hindi ka naging sigurado kung sino saming dalawa. And I figured out... I came late." tawa niyang sabi pero bakas parin ang lungkot. "I hope that he deserves the love you've been giving to him. If one day na mapansin ka niya, that's the end of the battle. But if he made you cry, I'm always here to catch you. I still do have feelings for you but now, I'm here...acting as your bestfriend and not your admirer."

Naiiyak ako para kay Gino. Ngayon ko lang napagtanto na kahit siya alam niya kung sino ang laging pinipili ng puso ko, at nasasaktan ako dahil nakikita ko yung sarili ko sa kanya. Patuloy na nagmamahal sa taong malabong mahalin pabalik. I'm sorry Gino. Nandito lang ako, bilang bestfriend mo.

Run to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon