Kabanata 19

150 135 6
                                    

Grabe mga bessywaps. Tulungan niyo ko, para akong mauubusan ng hininga kung sa apat na sulok ng room si Gino ang nakikita ko. Ang hirap , maaamoy niya ang pampasabog ko huhuhu.

Para akong isang penguin habang naglalakbay sa mga silid, papunta sa room ko. Kumakalabog ng sobra yung puso ko at tila kinakapos ng hininga. Dalhin niyo ko sa clinic jusme! Wala naman akong magagawa kundi pumasok , dahil pag hindi ko ginawa yun wala na akong matutulugan mamayang gabi.

"Goodmorning class." bati ni Ma'am. "I am Ma'am Abigail Franklinson. I will be your adviser for this year." ngiting sabi ni Ma'am Abi.

"Hi Ma'am Abi"

"Ang ganda niyo naman po."

"Ma'am Abi, ang pretty pretty mo po."

Okay Guys, ayan na sila. Ganyan talaga pag 1st day sa class, makikita at maririnig mo yung mga asong kumakain ng plastic at kahol ng kahol. Hindi talaga mawawala yung ganto guys. Haysssttt. "You're so beautiful Ma'am Abi." at isa ako dun Hakhakhak.

"Thank you class." ang genuine ng smile niya. " You know my name na, so Kindly introduce yourself in front of the class to let us know each other. I will be calling you one by one." isa na ata to sa mga normal na pangyayari.

Hindi ko pinakinggan yung iba, dahil sa isang tao lang nakafocus yung atensyon ko nun. "Ferrer, Gino." tawag ni ma'am.

Ayan na hutcha, syempre aware ako sabihin ba naman pangalan niya ng malaks ay nako, talagang mapapabangon kahit yung mga tulog na lasing hayst. Akin yan!! kaso napunta sa iba huhuhu.

Namamasa kamay ko dahil sa nerbiyos ng dumaan siya sa gilid ko. Parang apoy yung pisngi ko ngunit yung katawan ko naglalabas ng tubig...wag na nating pagandahin, pawis guys!Pawis talaga yun.

Lumapit siya kay Ma'am at may binulong ito. Nakita ko sa mukha ni Ma'am na nagtataka siya sa sinasabi ni Gino , kaya pati ako nangunot noo na rin. "You should atleast introduce yourself..." sabi ni Ma'am na talagang nagpa kunot ng sobra sa noo ko, hindi ko na naintindihan yung iba pang sinabi ni Ma'am dail biglang humina yung boses niya .

"Hi?" bumalik ang atensyon ko sa kanya ngunit laking gulat ko ng magtama ang mata naming dalawa. Sa akin siya nakatingin. "I know some of you know me but atleast let me introduce myself. My name is Gino Ferrer." tae ng kalabaw naman bakit nakatingin ka sakin? "Sana magkakilala pa tayo, I would be very happy kung kausapin mo na ko. I'm sorry for everything and for the last time, Mahal na mahal kita."

"Wow, is that a confession?" nakakalokong sabi ni Ma'am Abi.

"hala, sino yun?"

"ang swerte naman ni ate girl."

"Ako nalang Gino kung gusto mo."

Napalingon ako sa mga grupo ng babae, tinignan ko sila ng masama pero hindi nila ako pinapansin dahil na kay Gino ang paningin nila. Suntukin ko apdo niyo.

Napatingin ako sa dumaan sa gilid ko. Ang mas nagpagulat pa sakin ay nung may nilagay siyang papel sa harap ko, hindi naman napansin ng iba dahil nasa harap ang atensyon nilang lahat. " I'm sorry." sabi ni Gino.

Lumipas ang mga ilang oras at talagang hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Ramdam ko ang kakaibang titig mula sa aking likuran at walang iba kundi si Gino yun. Napa-praning ako sa presensya niya, hindi ko malaman kung anong dapat gawin, kung anong dapat sabihin at kung ano ang dapat i-kilos. Dahil sa bawat simpleng galaw ko, alam kong nakamasid siya.

"Mara right?, nalaglag yung pen mo." sabi ni Khent na classmate ko. Tinuro niya yung pen na talagang nalaglag sa sahig dahil sa pagiging aliga-ga ko.

Kung mamalasin nga naman! "Sheet!" sabi ko dahil bigla nalang tumumba yung bag ko, maging ang mga laman nito sa loob ay natapon.

Pinulot ko isa-isa dahil wala namang ibang gagawa nun kundi ako. Laking pasalamat ko nalang dahil abala sa pakiki-pagtalastasan si Ma'am Abi.

"Here." halos mapa-talon ako sa gulat ng muli kong nilingon ang gawi ni Gino. Sobrang lapit niya sa akin. "Just relax, ng dahil sa inaakto mo lalo akong nalulungkot." huling sabi niya habang binibigay yung letter niya na isa rin sa mga nalaglag.

Napa-tanga ako sa kawalan nun. Hindi ma-proseso ng utak kong kapirangot ang sinabi ni Gino. Kaya eto, lutang sa klase. Wala ng bago! Sana wag magtanong si Mommy kung kumusta yung class ko dahil for sure, ka-katok na ko sa kapitbahay para maki-tulog.

Lumipas ang ilang oras at pansin ko ang paminsan-minsang pag-lapit nito sa mga guro namin. At sa tuwing magu-usap ay aalis na ito kasama ang mga papel na halos hindi niya na mabitawan dahil lagi na niyang dala.

"Okay class, break time muna. Get back here after 15 minutes." sabi ni sir Theo.

Nilingon ko ang upuan ni Gino, ngunit tumayo siya agad at tsaka lumabas. oo nga pala, iba na ang situation namin ngayon hayst! Malungkot akong lumabas ng room, laking gulat ko ng nasa labas si Patrick. Ako ba inaantay nito?

"Pst! Patrick!" tawag ko kay Patrick.

Ngumiti siya sakin. "Hi Mara, are you done with your class?" tanong niya.

"Ahm... break time muna raw. " alinlangan kong sabi.

Napakamot siya sa batok niya. "Yah, I heard it. Anyway, can I join you?"

Nagikot-ikot ang mata ko sa paligid, humahanap ng kasagutan. "Yah sure. No prob wala naman akong kasabay kumain." kasi wala si Gino. Speaking of Gino! "Wait lang ha? may kukunin lang ako sa bag." kinuha ko yung letter na binigay niya, basahin ko mamaya.

Masaya kasama si Patrick. Well,yeah sobrang saya kasi ang jolly niyang tao. Hindi ata marunong magalit ang isang to. Kahit sa pagkainan, ang daldal jusme! Nang matapos ko yung pagkain ko, nahawi ng kamay ko yung letter kaya dali dali kong binuksan ito kahit sa harapan ni Patrick na kasalukuyang kumakain parin dahil inuna ang daldal.

Baby,

      Hi? I don't want to make this letter long. Baby, I'm sorry for everything that I've done to you. Sorry for the tears that I'd bring. I didn't mean it baby. I'm regretting all of the things that I've caused you. I promised to myself, that I will make your heart happy and I'll protect you even if it cause me so much pain. But I'm the one who break it, I'm the one who break your heart, love. I really deserve your anger. Sorry for not keeping my promise. Baby, I'll forever treasure our memories cause spending time with you is undoubtedly the greatest thing that ever happened to me. Sa dami kong kasalanan sayo, I still ended up wanting you. Bullshit right?It's really painful to say Goodbye to someone you don't want to let go but saying Goodbye to you will ease the pain you've been keeping all this time. When I fixed everything, I will come back to you . But for now, please allow me to let you live in my heart. Please baby? I love you and I will be always here loving you.

Tuluyan ng pumatak ang luhang namuo sa aking mata, parang umiiyak ang puso ko. Bakit naman kasi ganun? kung matatapos lang rin naman tayo, bakit pa natin sinimulan?

Run to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon