Kabanata 29

114 95 14
                                    

Mara's POV

Umabot na ng tatlong araw ,gulat parin ako sa pangyayari. Alam ko na naga-alinlangan pa ako dahil hindi ko batid kung talagang gusto niya ko, at wala pang kasiguraduhan iyon. Ayoko munang umasa, ngunit makalipas ang tatlong araw mula ng sabihin niya iyon, pinakita niya sakin na may pagtingin talaga siya.

"Mara, what do you want for lunch?" tanong niya sakin.

Nasa cafeteria kami ngayon, at talagang napaka- consistent niya mula ng nag-confess siya.

Tinignan ko siya at hindi talaga ako makapaniwala na yung dating tanaw ko lang sa malayo...katabi ko na, kasama ko na. "Kahit ano nalang,Patrick. Thank you" sabi ko.

Ilang days ko ng hindi nakikita si Gino dahil pumunta sila ng family niya sa states. Nakakalungkot na wala na akong kakulitan. Nag-iwan lang ng message si Gino sakin , mukhang emergency ang pupuntahan nila kaya hindi na siya nakapag-paalam ng maayos.

Message from Bestfriend >.<:
Oy?Mami-miss kita.
We're on our way sa states.
Sorry if hindi ako nakapagpaalam
ng maayos. Take care of yourself.
I will call you pagdating namin dun.
Iloveyou bestfriend.

Tuwing gabi ko hinihintay yung tawag niya pero wala kahit message man lang. Marahil sobrang halaga nga nun. Pero maghihintay ako.

"Should I take you home?" tanong ni Patrick. "You look pale."

Masama talaga yung pakiramdam ko ngayon dahil puspusan ang training. "Ah hindi, okay lang ako."  tatayo na sana ako ng bigla nalang umikot yung paningin ko.

Inaantay kong tumama yung buong katawan ko sa sahig ngunit hindi ko naramdaman. "Hey Mara!" nag-blackout na yung vision ko.

Nakita ko si Gino. Ang saya saya niya, may kasama siyang babae. Morena at talagang napaka-ganda. Nakita ko rin si Patrick na nakahawak kamay sakin.

"Mara?" nagising ako ng tumawag sakin.

"Hmm." upo ko mula sa pagkakahiga. Tumingin ako sa palagid at na-realize na nasa clinic ako. "Panaginip." bulong ko sa sarili.

Huminga ng malalim si Patrick. "You're not okay." sabi niya. "Wait here, I will asked for your advisor's permission to take you home. Rest for awhile."

Humiga ako ng sandaling kumirot yung ulo ko. "Anong klaseng panaginip yun?" naguguluhang sabi ko sa sarili.

Sandali lang nawala si Patrick kaya agad rin siyang dumating. "Let's go." yun lamang ang sinabi niya.

Inalalayan niya ako hanggang sa makauwi kami. "Okay na ako dito , Patrick. Salamat" sabi ko.

Hindi niya pinansin yung sinabi ko dahil pumasok parin siya sa loob ng bahay. Dumiretso siya sa kitchen , nagulat ako ng may dala na itong plaggana na may lamang tubig.

"Huy!Para san yan?" tanong ko.

"You're hot" sabi niya ng hindi parin tumitingin sa akin.

"Hala!Alam kong hot ako,sexy ko kasi eh!" maharot na sabi ko.

Tumingin na siya sakin pero agad ding umiling. "Where's your mom?" pagi-iba niya ng topic.

Agad naman akong napatingin sa paligid. "Wala siguro, baka may inasikaso si Mommy." paliwanag ko. "Tapos si Daddy naman nasa work habang si Cassandra nasa school." pagpapatuloy ko.

"Okay then. I will take care of you for the meantime." sabi niya. "Where is your room?" tanong niya. Tinuro ko naman kung saan banda. Pagbalik niya ,may dala na siyang damit ko. "Here. Change your clothes." utos niya.

Inantay ko siyang tumalikod pero hindi man lang nakahalata. "Hmm!" tikhim ko .

"Oww okay s-sorry." sabi niya sabay talikod.

Jusme! Nakita niya kaya yung mga underwear ko na puro floral ? HUHUHU Nakita niya yun dahil ang gulo ng kwarto ko , kaya madali niyang makikita yun.

"Are you done?" tanong niya.

Nagmadali akong magbihis. "O-okay na. Harap ka na." sabi ko.

Umupo siya sa tapat ko at agad nag-piga ng towel. Nakatingin lang siya sakin na parang may hinihintay. Hindi ko matagalan yung mga titig niya dahil para akong tinutunaw nito.

"Give me your hand." sabi niya sakin, nanginginig ko pang inilahad sa kanya yung kamay ko.

Pinunasan niya ako mula braso hanggang sa kamay, ramdam ko yung dampi ng kamay niya sa balat ko. Kakaibang kiliti ang dumadaloy sa bawat haplos niya. Mas lalo akong nahuhulog sa mga simpleng bagay na nagagawa niya, na kahit minsan lang kung mangyari.

"Thank you." sambit ko habang nakatingin sa kanya. Tuluyan na kong na-inlove sa pagkatao niya.

Napatigil siya at napatitig sakin. "No problem. Take some rest, I'm here." ngiti niyang sabi.

Pinikit ko nalang ang aking mga mata at hinihiling na sana huminto ang oras . Gusto kong makasama pa siya ng matagal, gusto kong maramdaman na safe ako dahil nandiyan siya. Kung maaari ko lang hilingin na sa muling pagmulat ng aking mata, siya parin ang makikita ko.

Nagising lamang ako ng may marinig na matining na tunog. Muntikan ko pang magising si Patrick, na nakatulog rin sa paga-alaga sakin. Para siyang anghel, napaka-aliwalas ng mukha niya. Hindi ko rin maipagkakaila na magandang lalake talaga siya. Napaka-perpekto ng mukha niya na kahit yung ngipin niya ay parang pang bampira, handa akong magpa-kamatay makagat niya lang ako sa leeg. Hayst bakit ba napaka buti mong tao, Patrick?

Sandali ko pang sinaulo ang bawat detalye ng mukha niya dahil marahil mga ilang oras lang ay uuwi na siya. Hindi ko na muling masisilayan yung napaka-amo niyang mukha. Bigla na naman akong nakarinig ng nabagsak na utensils sa kitchen. Dahan-dahan akong bumangon at kumuha ng tambo na halos malapit lang sa akin. Natatakot ako dahil madilim sa kitchen area. Nagdadalawang-isip pa ako kung gigisingin ko si Patrick ngunit napag-pasyahan ko na huwag na lamang.

Hinanap ko yung switch ng ilaw. Papaluin ko na sana sa ulo ng ma-realize na... "Mommy? Ikaw pala yan. Natakot ako." sabi ko kay Mommy na kumukuha ng inumin.

Nasamid pa siya ng magulat rin sa nangyari. "Jusko Mara! Nagulat ako sayo!" sabi niya at hawak sa dibdib. "Okay ka na ba?" paga-alala ni Mommy.

"Okay na po ako ,Mommy. In-alagaan naman ako ni Pat.." putol sa sabi ko.

"Hello Tita." bati ni Patrick kay Mommy at agad na tumingin sakin. "Hard-headed." bulong niya sakin.

Ngumiti lang si Mommy samin. "Thank you, Patrick? tama ba? Patrick noh?" tumango naman si Patrick. "Thank you for taking good care of my daughter." pasasalamat ni Mommy.

"No worries, Tita. Anything for her." sagot ni Patrick at tumingin sakin sabay kindat.

Juskoo!!Parang gusto ko nalang magkasakit for 1 week! Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil kay Patrick! Nakakainis ,Ene be!

Run to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon