Dedicated to: Cane_LaVender
Ngayon na yung alis namin para makipag-compete sa ibang lugar. Hindi ko na madalas makikita si Patrick, maliban nalang kung sobrang aga niya pumasok. Mas maaga pa sa pagbukas ng gate .
Message to Patrick:
Goodmorning, patrick.Hindi ko na hinintay pa yung reply niya dahil kailangan ko ng magasikaso. Malayo layo ang byahe, kaya hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na ako sa bahay at agad na pumunta sa school.
"Lamig." sabi ni alex. Archery player din siya.
Hinalungkat ko yung bag ko para i-check kung may dala ba akong sweater, hindi para ipahiram kay alex. Kundi para suotin ko HAHAHA
"Bait mo noh? Buong akala ko ipapahiram mo!" taray na sabi niya.
Hinintay lang namin yung ibang archers para sabay sabay na kaming pick-up in nung van na supposedly, professors ang gumagamit. Nakita ko si kevs na papasok ng gate.
"Goodmorning ate mara!" masiglang bati niya sakin.
Ngumiti lang ako sa kanya. "Ganun rin sayo." sabi ko.
Nung halos makumpleto na yung mga archers, chineck ko yung phone ko. Nagbabaka-sakali na, online si Patrick. Umaasang papasok siya ng maaga para makita ako at kailangan ko rin ng motivation and inspiration kahit reserve lang ako. Ngunit nung tinignan ko, hindi siya online. Kaya power off ko na yung phone ko .
At the first day, nagikot-ikot lang kami sa mismong location ng event. Si Kevs ang kasama ko lagi sa reserve area, since pareho kaming reserve syempre.
Almost one week ang competition. Araw-araw kaming maagang pumupunta sa school para kunin yung mga gamit at sa gabi naman, school parin ang uwi namin para ibalik yung mga bows, arrows, quiver at iba pang personal gear.
This is the last day ng competition, sobrang close na namin ni Kevs, para ko na siyang kapatid. Mabait siya, responsible and easy goer siya. Kahit dalhin mo sa make up stall, makiki join siya.
"Ate Mara?" tawag niya.
"Oh bakit?" tanong ko na pungay pungay pa ang mata dahil hindi sapat yung tinulog.
Napakamot siya sa batok niya. "May dala ka?"
"Pagkain?" agad na tanong ko. Sanay na ko sa bungad niyang ganyan. Dahil yun lang ang nagagawa naming mga reserve, ang kumain habang nanonood ng competition. Kinuha ko yung bag ko at pinakita ang laman. "Oh eto!" sabi ko.
"Yun oh! Ako rin may dala ako. Lam mo na ha? Tayo lang kakain niyan." kindat niya pa. Kapatid ko talaga siguro toh in past life. Nakikita ko yung sarili ko sa kanya eh.
Hindi kami mapi-pick up ng van. Kaya sa fortuner nalang kami sasakay kaso syempre, masikip dahil ang dami namin.
"Sinong magaan jan?" tanong ni coach jeff.
Awtomatikong nagsi-tinginan sila sa akin. "Alam ko na toh. Hindi pa ba ko sanay?" patawang sabi ko. Sarap pagbabaliin ng mga ulo. Sa huli kumandong nalang ako kay alex.
BINABASA MO ANG
Run to You
Romance•COMPLETED• Mara Jane Vallejos is a simple girl. Practical, humorous, and overly open to her feelings. She fell in love with a person most people dreamed of, that's why being loved back is inconceivable for her. She was just looking from afar, to th...