Mara's POV
---after 3 months---
Malapit na naman sumapit ang pasko na hindi kasama si Patrick. Eto yung paskong kahit tawag man lang ay maaring hindi mangyayari.
"Sis lungkot ka?" panga-asar ni Alex.
Inirapan ko siya. "Tsk! Syempre namimiss ko na." tukoy ko kay Patrick.
Lumipad kasi sila papuntang Cebu para dun salubungin ang pasko. Limang araw pa lang bago magpasko ay nandun na sila. At marahil ang balik nila ay sa bagong taon pa.
Nasa fast food chain lang kami ni alex habang nag-aantay sa iba pa naming kaibigan.
"Kain muna tayo sis. Hindi pa ko nag-tanghalian sa bahay." sabi niya.
Umorder lang siya ng pagkain namin at ang galante...siya ang naglibre sakin. Kaya sa may mga frenny jan na buraot or kwento lang ang inaambag, mag-antay kayo sa gantong himala.
Nilapag niya sa table yung order namin. "Kuha lang akong water." sabi niya.
"Namiss ko na si Patrick. Dito yung place na madalas kaming kumakain." alaala ko. Kinuha ko yung phone sa bag, nagba-baka-sakaling may message si Patrick. "Mag-message ka na please." bulong ko sa hangin.
Nakangiting bumalik si Alex. "Let's eattt!" hiyaw niya.
Kalahating oras lang ng maubos na namin yung pagkain. "Ibalik mo yung tubig." sabi ko sa kanya.
Nagtataka siyang tumingin sakin. "Huh?"
Tinuro ko yung tubig na kasalukuyang iniinom niya. "Iluwa mo yan, kailangan mo pa yang ibalik." sabi ko.
"Pinagsasabi mo?" inis ng tanong niya.
Napayuko na lang ako. "Sabi mo , kukuha ka ng tubig."
Umayos na siya ng upo halatang naiinis na dahil hindi niya makuha ang sinasabi ko. "Oo nga. Kumuha nga ko ng tubig para inumin syempre."
Napanguso ako. "Magnanakaw ka." sabi ko.
Mababakas sa mukha niya yung pagpipigil sa galit. "Hindi kita maintindihan?" mahinahong sabi niya.
"Kung kukuha ka dapat pinapaalam mo. Kaso nakita kita, diretso ka lang sa pagkuha ng tubig dun sa may gallon. May pakamot ka pa sa pw*t kadiri ka.Magnanakaw!" paliwanag ko.
"Gusto mong mabalatan?" tanong niya na puputok na sa galit. "Yan ba epekto ng pag-alis ni Patrick ha?Shunga ka na!"
Napayuko nalang ako na parang pinagsabihan. "Sorry." sambit ko.
"Nag-message na ba sayo?" seryosong tanong niya.
Napanguso ako kasabay ng pangingilid ng luha. "Hindi pa. Sabi niya ime-message niya ko lagi." sumbong ko. "pero... wala ni isa."
Tinapik ni Alex yung balikat ko. "Okay lang yan, malay mo busy lang siya. Huwag kang praning. Umayos ka."
Nagulat ako ng biglang may nagtakip ng mata ko. "Sino toh?" mahinahong tanong ko.
"Ako toh, Babe." sabi na boses lalake.
BINABASA MO ANG
Run to You
Romance•COMPLETED• Mara Jane Vallejos is a simple girl. Practical, humorous, and overly open to her feelings. She fell in love with a person most people dreamed of, that's why being loved back is inconceivable for her. She was just looking from afar, to th...