Mara's POV
Nagising ako sa magandang message ng boyfriend ko yiee! yung nagbabasa wala. Char!
Message from Moo:
Goodmorning Boo!
Happy monthsary. Don't
forget to eat your breakfast ha?Its been a month mula ng sagutin ko siya. 'Moo' yung tawag ko sa kanya because out of nowhere biglang nagsink in si mojojojo sa utak ko and na-imagine ko siya pero pogi si Patrick ha!Super pogi hindi siya mukhang unggoy, para siyang prinsipe...ko hihihi. While ang tawag niya naman sakin is 'Boo' , kadugyutan lang naman yung meaning niyan sa kanya. It simply means, 'boolangot'. Sweet right? ganyan endearment namin jusko! hindi napag-isipan.
Ni-replyan ko lang saglit si Patrick at nag-asikaso na para pumasok ng school.
"Hmm ang saya saya mo naman ata anak?" parinig ni mommy.
"Maganda lang po yung gising mom." palusot ko.
Hindi ko masabi kay Mommy na may boyfriend na ko. Pinapangunahan ako ng takot sa kung ano ang maaaring sabihin nila. Pinalaki nila akong masunurin at laging tumutupad sa mga pangako. Pero hindi ko nagawa yun sa pagkakataon ngayon dahil mas tumindi yung pagmamahal ko to the point na nagawa kong maglihim. Alam kong darating yung oras na mapapakilala ko rin si Patrick, yung oras na walang takot.
Ewan ko ba kung bakit hindi man lang ako tinatanong ni Patrick tungkol sa secret relationship namin. Kaya hanggang ngayon, hindi niya ko magawang sunduin palagi sa bahay dahil baka mahalata nila mommy. Ang sama kong anak, dahil nakuha kong magsinungaling at maglihim sa kanila.
"Hey are you okay?" tanong ni Patrick.
I get back to my senses sa tanong ni Patrick. "Oo okay lang ako." ngiti ko para hindi na siya mag-alala.
"I'm worried. Are you sure that you're okay?" muling tanong niya.
"Oo naman." sabi ko. "Happy monthsary!" masiglang bati ko para mawala yung paga-alala niya.
Ngumiti siya sakin. "Drink this." abot niya sakin ng soya chocolate drink. Favorite niya to, kaya naging favorite ko na rin. Tsk! Hindi man lang ako binati.
Hinatid ako ni Patrick sa mismong room ko, dahil hindi pa tapos ying klase namin. Sabay kaming pumapasok ng school, hinihintay niya lang muna ako sa gate. Pagdating ng breaktime, susunduin niya ko sa room para sabay kami kumain. Sweet and caring siya kaya kahit sino, hindi magsisisi na piliin siya. Bonus pa yung kagwapuhan niya.His perfect.
Hindi ko namalayan yung oras, ang bilis. I chatted patrick.
Message for Moo:
Moo? May pupuntahan lang ako
saglit, antayin mo nalang ako sa gate.Balak kong puntahan yung archery team ko. I decided na mag-back out na as a player. I broke the only rule sa archery, I deserve to be eliminated from their family.
Kinakabahan akong kausapin si coach at nahihiya na rin. Kaka advice niya lang samin ng ilang months and here I am quitting dahil pumasok ako sa relationship. It kills me a little dahil pangarap ko rin to, pangarap kong makipag compete, pangarap kong makuha lahat ng opportunities na meron. But I take the risk, masaya parin ako.
"Coach?" tawag ko. "I'm sorry po. Sumuway po ako sa only rule niyo. I don't deserve to be here." malungkot na sabi ko. Para akong sinasaksak ng sariling salita ko.
BINABASA MO ANG
Run to You
Romance•COMPLETED• Mara Jane Vallejos is a simple girl. Practical, humorous, and overly open to her feelings. She fell in love with a person most people dreamed of, that's why being loved back is inconceivable for her. She was just looking from afar, to th...