Chapter 09
IG Notification
"Kumain ka pa ng marami."
Sinamaan ko ng tingin si Kyo nang ilagay niya sa plato ko ang kalahati ng pagkain niya.
"Kyo! Kung hindi mo kayang ubusin ang pagkain mo huwag kang kumuha ng marami!" Sita ko sa kaniya. Ngumisi siya saka mariing pinisil ang ilong ko.
Bwiset! Ang sakit ah!
"Aray! Bakit ba ang brutal mo?!" Reklamo niya ng pukpukin ko ng kutsara ang kaniyang ulo. Para pa ring bata ang isang 'to!
Pinagtangis ko ang aking mga ngipin saka siya muling inambaan ng kutsara nang umamba siyang gaganti. Ngumisi lamang siya saka itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
Nasa canteen kami at nagla-lunch. Wala yung dalawa dahil may klase pa si Athena habang si Clarence naman ay may sakit daw kaya hindi nakapasok.
"Ryu, bakit si Alex nga pala ang mag iinterview sa team para sa magazine niyo at hindi ikaw?" Tanong niya sa kalagitnaan ng aming pagkain.
Nilunok ko ang pagkaing aking nginunguya bago sumagot.
"Ah, may ibang inassign sa akin si Claire." Sagot ko.
"Ha? Saang team?" Tanong niya ulit habang ngumunguya.
"Hindi sa ibang team, kay Jasper." Balewala ko namang sagot.
Nakita kong bahagya siyang natigilan sa pagsubo at kumunot ang noo.
"Bakit?"
I shrugged my shoulder and explained to him what Claire told us.
"Ah, siya nga pala si 'Jasper 'Sexy' Felix' the newest-varsity-boy-next door ng University." Naiiling-iling na sabi ni Kyo. "Well, anyway wala kaming practice mamaya sabay tayong mag dinner." Pag-aaya niya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/241059833-288-k568754.jpg)
BINABASA MO ANG
The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)
RomanceVARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love) theme, which includes romantic relationships between male characters. If this genre is not to your preference or you find it uncomfo...