Chapter 26

1.3K 59 0
                                    

Chapter 26

I will never let you go



Habang papalapit ang pagtatapos ng unang semester lahat kami ay naging busy sa kaniya-kaniya naming mga requirements. Doble ang oras na inilalaan namin ngayon sa pag-aaral dahil malapit na ang midterm examinations at term break for the all-souls day next week.





"Urgh! Ang sakit sa ulo ng lesson!"





Reklamo ni Athena habang nag rereview kami sa isang bakanteng bench sa harap ng building namin para sa long quiz ng isa naming major mamayang hapon.



Natawa ako at iniabot sa kaniya ang ginawa kong reviewer kagabi. "Eto, pinasimple ko nalang mga terms." Sabi ko. Para namang nagning-ning ang kaniyang mga mata nang makita ang ginawa kong reviewer.





"Wahhh!! Ryu!! Ang bait bait mo talaga!" Sabi niya.



Tumango lamang ako at sinabing mag review na siya. Nakapag review narin naman ako kagabi kaya ayos lang kung ibigay ko sa kaniya ang reviewer ko.



Nagbasa-basa nalang ako ng lectures ko. Mahalaga kasi ang long quiz sa sa mga major subject namin because it's the twenty-five percent of our grades dahil dito nakapaloob ang mga objective type ng exam habang sa exam naman ay mostly mga case analysis at application.





Kaya naman kanina pa hindi mapakali si Athena sa pag rereview.



Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone kong nasa bulsa ko. Kinuha ko iyon upang buksan ang text message notification na nakita kong naka-display sa lockscreen. It was from Jasper.





[From: My Engineer.

'Hey, good luck to your quiz, I love you."]





Wala sa sarili akong napangiti matapos basahin ang text message ni Jasper. Seriously, Jasper is the sweetest guy I have ever known! Kagabi ay sinamahan niya akong mag review para sa quiz ko ngayong araw. Kaninang umaga naman ay nag prepare siya ng breakfast at pinabaunan niya ako ng lunch box para raw maperfect ko ang quiz.



[To: My Engineer

'Thank you. I love you too.']





I bit my lower lip as I hit the send button. Itinago ko rin kaagad sa bag ang cellphone ko at hindi na siya hinintay mag reply dahil ilang minute nalang ay magta-time na para sa susunod naming klase.





Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang lahat ng klase namin nang araw na iyon. Naging madali naman ang quiz at nasagot ko naman lahat ng questions na naroon. Dumaan muna ako sa org dahil nagpatawag ng meeting si Claire.





Speaking of Claire, I have found out that she is a cousin of Jasper. Medyo nagulat pa ako ng ipakilala siya sa akin ni Jasper na pinsan niya ito. Duon nawala ang pagiisip kong isa si Claire sa mga estudyanteng may gusto kay Jasper. Tanggap naman niya ang relasyon namin ni Jasper at suportado niya ito. Masaya raw siya para sa aming dalawa.





"How's you and Jasper?"



Tanong sa akin ni Claire nang matapos ang meeting. Tipid akong ngumiti. "Okay naman. Masaya." Nahihiya kong tugon.





Ngumuso siya saka bumuntong hininga.



"Hays, sana all." Sabi niya na ikinatawa ko.



"I envy you Ryu. I hope I could find someone like Jasper too." Sabi naman ni Sandra.



All of my org mates are happy for me and Jasper, even Sandra at Nicole who have a crush on Jasper. Nang malaman nila ang tungkol sa amin ay sinabi nila na suportado nila kami at masaya sila para sa amin.





The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon