Chapter 39

1.1K 45 3
                                    

Chapter Soundtrack: It Will Rain by: Bruno Mars

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 39

Tahanan





"What the fuck are talking about? Ryu, ano ba tigilan mo to kung nagbibiro ka hindi ako natutuwa!" Mataas na ang kaniyang boses.



Tinabig ko ang kaniyang mga kamay.





"Hindi ako nagibiro. Seryoso ako. Tapusin na natin to, mag hiwalay na tayo!" Sinubukan kong patatagin ang boses ko, kahit na nanginginig iyon.





"Tangina! B-bakit?! M-may nagawa ba akong mali? Tell me?! Anong nagawa ko, itatama ko...please bawiin mo lang ang sinabi mo." He's pleading...desperately.





Umiling ako. "Wala...wala kang nagawang mali. Gusto ko lang tapusin na natin to." Sagot ko. Hindi ko pa rin siya hinarap dahil baka sa oras na makita ko ang mukha niya, bawiin ko lahat ng sinabi ko.





"What the fuck are you talking about?! Masaya lang tayo kahapon ah? Kakasabi mo lang na mahal na mahal mo ako tapos ngayon gusto mo ng tapusin to? Ryu naman! Ano bang nangyayari sayo?!"





Frustrated na sabi niya. Sino nga ba naman kasi ang hindi mafu-frustrate kung sa nakalipas ng mga araw ay ang saya-saya niyong dalawa tapos bigla ganito ang sasabihin ko sa kaniya.





"I'm sorry..." Wala nang ibang salitang lumabas sa aking bibig kundi ang mga salitang iyon.





"You met my father, didn't you? What did he tell you? Did he tell you to do this? Did he tell you to break up with me? Shit! Tell me!"





"No! Hindi niya sinabi sa akin na gawin ito! This is my decision, I'm sorry..." Hindi ko na napigilan ang aking mga luha.





Halo halong emosyon na ang kumain sa aking sistema.





"W-what? W-why? I gave up everything for you Ryu, I risk everything for you...ba...kit?"





Lumunok ako. Nanatiling nakatungo ang aking ulo.





"Because that's what I don't want you to do. I don't want you to gave up everything just for me! Ayokong talikuran mo pamilya mo ng dahil lang sakin Jasper!" Sabi ko sa kaniya.





"Ginawa ko iyon dahil mahal kita! Mahal na mahal kita at wala akong pinagsisihan sa mga iyon!"





"Ngayon wala, pano bukas, sa susunod na araw? Linggo? Buwan o taon? Paano kung marealzied mo na isang pagkakamali ang nagawa mo? Jasper, a...ayokong...dumating yung araw na pagsisihan mong nawala...sayo ang lahat d-dahil m-minahal...mo ako." Bawat salitang binitawan ko ay may luhang kalakip.





Ang bagay na iyon ang pinaka-kinakatakutan kong mangyari sa lahat. Ayokong dumating ang araw na marinig sa kaniyang pinagsisihan niyang minahal niya ako...hindi ko kakayanin ang sakit.





"That will never happen! Ganyan ba kababa ang tingin mo sa pagmamahal ko sa iyo? Ha?" Rinig ko ang pagkabasag ng kaniyang boses.





Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.





"No...I was just saying...na marami pang pwedeng mangyari. Masyado pa tayong mga bata, we're just on our twenties don't you think you're making reckless decision and sacrifices? I don't want you to just throw your future for me...just because you love me...I will never be happy." Sagot ko.



The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon