Chapter 01
Look where you going
I pursed my lips in annoyance when I saw Kyo. Nakaupo siya sa maliit na sofa sa maliit na sala ng aking apartment. Bumaling siya sa akin at saka ngumisi nang makita ang pagka-irita sa aking mukha.
"Sinabi ko susunod ako, bakit pumunta ka pa dito?" Yamot kong tanong sa kaniya. Kinuha ko aking brown Sperry top sider sa shoe rack upang iyon ang suotin.
"HA! Kilala kita Ryu alam ko mga ganyan mong galawan. Hindi mo na ako maloloko 'dyan." Sagot niya.
Ibinato ko sa kaniya ang gamit na foot sock na nakuha ko sa sapatos. Napabalikwas naman siya sa kaniyang pagkaka-upo.
"What the hell! Ang baho ng paa mo!" Sigaw niya. Natawa ako dahil napaka OA niya. "Huwag kang OA alam kong mabango paa ko! Tsk." Sabi ko saka kinuha ang foot sock sa lapag at inilagay sa hamper.
"Tara na baka lasing na mga iyon bago pa tayo makarating." Pag-aaya ko sa kaniya. Tumango naman siya saka na naglakad palabas ng apartment ko.
Dumiretso kami sa kaniyang kotse. Birthday kasi ni Clarence ngayon, isa sa mga kaibigan ni Kyo at kasama sa basketball team. Sa isang bar na palagi nilang pinag-iinuman gaganapin ang party.
Wala naman talaga akong planong sumama ngayon dahil bukod hindi naman kasi ako talaga umiinom ay tinatatamad akong lumabas. Mas gusto ko pang matulog ngayong gabi bilang pahinga sa nakakapagod na first week ng semester. Kaya nga sinabi kong susunod ako kahit wala naman akong planong sumunod.
Ngunit itong magaling at pinaka-makulit kong bestfriend ay hindi ako tinantanan at talagang sinundo pa ako para lang masigurong pupunta ako. Tsk. Minsan nakakairita din ang pagkamakulit ng isang to at ang sarap niyang laslasan ng leeg.
"Wala ka talagang planong pumunta hano? Halatang labag na labag sa loob mo e." Natatawang sabi ni Kyo.
Yamot ko siyang tiningnan saka mahinang sinipa ang kaniyang paa. Tumawa lamang siya.
"Si Clarence naman yon, kaibigan mo rin naman iyon ah." Sabi niya na parang may himig ng pango-ngonsensya.
"Oo na. Ang daldal mo talaga." Sagot ko sa kaniya. Tumawa lamang siya.
Well, tama naman siya, kahit papaano ay naging kaibigan ko na rin si Clarence dahil kay Kyo at kay Athena na kaibigan ko na kaniyang nililigawan. Isa pa ang babaeng iyon, kanina pa din niya ako pinipilit na pumunta para raw makita ko kung may babaeng lalapit o hindi kaya ay makikipag-landian kay Clarence sa bar.

BINABASA MO ANG
The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)
RomanceVARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love) theme, which includes romantic relationships between male characters. If this genre is not to your preference or you find it uncomfo...