Chapter Soundtrack: A Thousand Years -Christina Perri (Boyce Avenue Cover)
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 32
Jasper Felix POV
"Pa? Anong ginagawa mo rito?"
Tanong ko sa Papa ko na nasalubong ko sa corridor ng school.
"Ah, anak! Nagbayad si Papa ng camping trip fee mo. Bakit nga pala hindi mo sinabi sa amin ang tungkol roon?" Sabi niya na ikinalaki ng aking mata.
Kaagad akong nakaramdam ng inis dahil pinangunahan na naman nila ang desisyon ko.
"Tsk. Hindi ko sinabi iyon dahil ayokong sumama. Paano niyo nalaman at bakit nagbayad kayo kaagad ng hindi man lang ako tinatanong?" Galit kong tanong sa kaniya.
"Tumawag kasi ang teacher mo tapos tinanong kung bakit hindi ka sasama at ikaw lang ang nagiisa sa klase mo na hindi sasama kaya-"
"Tsk. Hindi ko kailangan 'yon! Sana itinabi niyo nalang ang pera niyo para kay Jean!" Pag putol ko sa sasabihin niya saka na tumalikod at nagtatakabo palayo.
Hindi ako pumasok sa klase ko ng araw na iyon at nag cutting nalang ako na lagi kong ginagawa bilang paraan para makumbinsi ang mga magulang ko na alisin ako sa private school na ito at ilipat sa public.
Hindi kami mayaman hindi tulad ng ibang mga estudyanteng nakapaligid sa akin dito. Kaya nanghihinayang ako sa laki ng perang ginagastos namin para sa tuition fee. Kung sa public ay wala namang malaking gastos at hindi mahihirapan si Papa na mag doble ng trabaho para kumita ng malaking pera.
Engineer in profession si Papa, at dati siyang nagta-trabaho sa isang Construction firm. Ngunit tanggal siya sa trabaho at natanggalan ng lisensya dahil sa Papa ni Mama na mayaman at maimpluwensya sa construction industry.
Hindi ito sinasabi sa amin nina Papa ngunit aksidente ko lamang nalaman dahil kay Auntie. Tutol raw ang ama ni Mama sa pagpapakasal niya kay Papa kaya ngayon ay pinapahirapan niya ang pamilya naming.
Sobrang galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko sa taong iyon. Naghihirap ang pamilya namin ng walang sapat na dahilan ng dahil sa kaniya!
Kahit labag sa loob ko ay pumasok tumuloy pa rin ako sa camping trip, dahil hindi refundable fee at mas lalong masasayang ang perang ibinayad ni Papa kung hindi ako tutuloy.
Duon, nakilala ko si Ryu. Nahulog siya sa butas sa kalagitnaan ng activity at nagkasugat ang tuhod. Iyak siya ng iyak dahil sa takot at sakit ng sugat niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/241059833-288-k568754.jpg)
BINABASA MO ANG
The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)
RomanceVARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love) theme, which includes romantic relationships between male characters. If this genre is not to your preference or you find it uncomfo...