Chapter 05
Nice to meet you
Buong umaga ay si Jasper ang usapan ng mga babaeng classmate ko at maging sa iba't ibang gossip faceebok pages ng University. They really called him that title, 'newest varsity snack of University' the admin of that gossip page didn't have a shame at all. Napuno ng mga comments at reactions ang photo na iyon ni Jasper.
Malamang sa panahon ngayon ay nalaman na niya iyon. Hindi ko lamang ma-imagine kung ano ang magiging reaksiyon niya. Pinagpipiyestahan na ng mga studyante ng University ang kaniyang larawan.
Hindi lamang isa ang picture na lumabas. Maraming mga stolen shots niya habang nagpa-practice ang kumalat sa social media. Mayroon na nga kaagada nakagawa ng fandom niya. They call it, 'Jasper Lovers'. Girls do really have a creative brain when it comes to handsome guys don't, they?
"Woah, sikat na agad si Felix." Manghang sabi ni Clarence habang nakatingin sa cellphone niya. Malamang ay tinitingnan rin niya sa social media ang picture ni Jasper.
Nasa isang fastfood chain kami ngayon dahil mahaba ang bakanteng oras namin bago ang susunod na klase. Gayun din sina Kyo at Clarence kaya kasama namin sila.
"Maugong na ang pangalan niya sa Schools of Engineering, first week palang ng pasukan. Ngayon lamang siya sobrang na expose sa buong University." Paliwanag ni Athena habang kumakain ng fries. Ibinaba ni Clarence ang kaniyang cellphone sa table at saka pinaningkitan ng mata si Athena.
"Woah, makapag salita ka parang updated ka sa kaniya ah." May bahid ng pag-aakusa sa kaniyang boses.
Ngumiti naman ng alanganin ang babae. Sa halip ay sinubuan niya lamang ng fries si Clarence nang magtangkang magsalita pa ito. I looked at them with a disgust in my face. If I am going to be like this if I fall in love, I would not want to fall anymore.
"Get a room you two!" Sabi ni Kyo kina Athena at Clarence saka niya binato ng fries sa mukha si Clarence. Sumimangot lamang ang huli.
"Mag jowa na din kasi kayo! Mga inggit." Nakangusong sabi ni Clarence.
"Kung isumbong ko kayo kay Apollo? Tsk. Siguradong tapos kayong dalawa." Natatawa kong sabi na pareho naman nilang ikinalaki ng mata.
"Ryu! Wala namang ganyanan! Ito naman biro lang e!" Sabi ni Athena na ikinatawa ko. Tsk. Mga abnormal na ito.
"Nga pala Ryu, Sumama ka sa amin sa Friday, sa bahay ni coach." Biglang aya sa akin ni Kyo.
"Bakit may ano?"
"Birthday ni Caoch Wilbert at welcome party ni Felix. Double celebration iyon kaya maraming alak!" Excited na sabi ni Clarence.
"Sana pwede din akong sumama." Pabebeng sabi ni Athena. Kinurot naman ni Clarence and tungki ng ilong nito. "Huwag kang mag-alala wala namang iba roon kundi kami lang ng team." Sabi ni Clarence dito.
Nanunuya akong ngumuso saka ako naman ang nagbato ng fries sa kanilang dalawa. Napaka pabebe ng dalawang to! Mga bwiset kakaumay! Tiningnan ako ng masama ni Athena habang si Clarence naman ay natawa lang.
"Tsk. Alak na naman iyan. Ayoko, baka bago ako grumaduate ng kolehiyo ay lusaw na ang atay ko." Sagot ko saka sumubo ng fries.
"Sumama kana. Ikaw naman minsan lang naman iyon tsaka especial request ka ni Coach Wilbert at ang tagal niyo na raw hindi nagkikita." Pangungulit ni Kyo.
BINABASA MO ANG
The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)
RomanceVARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love) theme, which includes romantic relationships between male characters. If this genre is not to your preference or you find it uncomfo...