Chapter 36

1.4K 46 4
                                    

Chapter 36

The right thing to do

"You sure you okay?"


Muling tanong sa akin ni Jasper. Mula pa kanina nang hindi ko napigilan ang pagbuhos ng aking luha nang makita siya ay hindi na niya ako tinigilang tanungin ng ganyan.


Bigla tuloy akong nagsisi na umiyak ako sa harapan niya dahil nag-aalala pa tuloy siya sa akin.


"Uhm, I'm okay. Namiss lang talaga kita." Sagot ko.


Well, totoo naman iyon. Kasama sa mga halu-halong emosyong aking naramdaman kanina ay ang pangungulila sa kaniya. Ngunit ang totoong dahilan ng pagpatak ng mga luha ko ay hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya.


Pakiramdam ko ay ang tagal niyang nawala sa tabi ko. Kahit na ang totoo ay magkasama naman kami tuwing gabi.


"Ah, someone is being clingy here." Natatawa niyang tukso sa akin.


Ngumuso ako saka siya pabirong sinuntok sa dibdib.


"Tsk, Maligo kana nga, maghahanda na akong dinner." Sabi ko nalang sa kaniya.


Tumayo na ako sa couch para magtungo sa kusina.


Nasa ika-lawang hakbang palang ako ng hulihin niya ang aking pulso kaya napatigil ako sa paglalakad.


"Wait,"


Lumingon ako sa kaniya. "Bakit?" Kunot noong tanong ko.


Ngumiti siya saka marahan niya akong inikot upang mapatalikod sa kaniya. Nagulat ako sa at hindi kaagad naka react.


Naramdaman ko nalang ang pagpulot ng kaniyang braso sa aking katawan at ang pagsandal ng kaniyang baba sa aking balikat.




"I miss you too." Malambing na sabi niya.




I smiled. Again, muli kong naramdaman ang pag-init ng gilid ng aking mata. Muling nagbabadya ang pagtulo ng aking luha.




He needs to come back.


Shit!


"I promise, after this tournament we'll go on a date." Sabi pa niya.


Kinagat ko ang aking pangibabang labi upang pigilang ang aking luha. Huminga ako ng malalim at iwinaksi ang lahat ng gumugulo sa aking isipan.


"Promise?" I asked.


"Yeah. I promise. We'll go wherever you want."


Ngumiti ako at marahang tumango. "Okay."


Ilang segundo pa kami nanatili sa ganoong posisyon bago niya kalasin ang pagkakayakap sa akin at magpaalam na babalik na muna sa kaniyang unit para maligo.


Ako naman ay naghanda na ng dinner. Nagluto ako ng adobong manok para sa hapunan naming dalawa.




Sinubukan kong alisin ang mga gumugulo sa aking isipin at nagfocus sa bagay na nasa aking harapan. Ayokong makahalata si Jasper na may gumugulo sa akin at baka mag-alala lamang siya.


We ate dinner together, and just like the other nights that passed we spent that night together holding each other hands in my bed.


"Good night, sleep well baby."

The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon