Chapter 15

2.3K 100 9
                                    

Chapter 15

Date me


Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Paulit-ulit kong binasa ang reply ni Jasper sa Instagram story ko.

'


Nagse-selos ako'




'Nagse-selos ako'



Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pauli-ulit na nagbabalik sa isipan ko ang salitang iyon. Muling nanumbalik sa akin ang mga nakaraang Instagram story niya at iyon mga nakaraang inakto niya.



Iyong pag-aalala niya sa akin. May ideya na akong nahihunuwa mula sa mga iyon ngunit ayaw kong tanggapin. Sinabi niya sa akin na meron na siyang tao matagal ng gusto kaya imposible ang naiisip kong baka—baka---may gusto siya sa akin!



May parte sa akin ang nakakaramdam ng saya sa tuwing iisipin kong may gusto nga saakin si Jasper at meron namang natatakot na baka maging katulad lamang ng sinapit ni Giselle ang kahatungan ko sa huli dahil wala naman pala iyon sa kaniya.




Iyon ang mga bagay na gumugulo sa akin. Bakit mayroon akong ganong nararamdaman?! Anong ibig sabihin noon? May gusto na rin ba ako sa kaniya? Ha?! Wala pa akong nagugustuhan kahit sino sa buong buhay ko. Ang pakiramdam na ito ay sobrang hindi pamilyar sa akin.



"Athena."




Tawag ko sa kaibigan ko habang kumakain kami sa isang fast food chain sa labas ng University. Maaga kaming dinismiss ng prof namin kaya maaga kaming nagluch break.



"Hmm?" Baling nito sa akin.



Nanliit ang mga mata ko. I bit my lower lip. Nagdadalwang isip sa aking nais itanong.



"Uh, paano mo nalamang gusto mo si Clarence?" Alanganing tanong ko.



Nakita kong parang bigla siyang natigilan ngunit kalaunan ay nakabawi din at pinamulaan ng mukha.



"Ano, uh, mahirap explain eh..." Huminga siya ng malalim. "...uh, una medyo iritado ako sa kaniya kasi sobrang kulit niya. Napaka childish pa kung minsan." Tumawa siya.



Nanatili akong nakikinig.


The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon