Chapter 31

1.4K 48 4
                                    

Chapter Soundtrack: Stick with You

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 31

Heartbreak



"Can you sleep here?"





Bumaling ako kay Jasper nang magsalita siya. Nasa room niya kami at kakatapos lamang kumain ng hapunan at ngayon ay naghuhugas kami ng aming pinagkainan.





Nagtaas baba pa ang kaniyang mga kilay.







Umiling ako. "No. May quiz ako bukas, kailangan ko mag review so I have to stay up 'til late. Ayokong makaistorbo sa pagpapahinga mo." Sagot ko.





"I don't mind. Sasamahan kitang mag review. Please?" Pangungulit niya na sinamahan niya pa ng pagpa-puppy eyes.





Natawa ako dahil sa pagpapa cute niyang iyon.





"Fine. Tch huwag kana magpa cute." Sabi ko. Ngumisi siya saka kumindat pa. Umiling nalang ako at ipagpatuloy ang paghuhugas. Ako ang nagsasabon habang siya naman ang nagbabanlaw at nag pupunas.





Nang matapos kami ay nagpaalam akong maliligo muna at kukuhanin ang gamit sa room ko.





It didn't take long, at nakabalik rin ako kaagad. Dumiretso ako sa kaniyang kwarto. Saktong kakatapos niya palang rin maligo at nagbibihis na siya nang makapasok ako.





"Shit! Sorry hindi ko alam na nagbihis ka!"





Gulat kong sabi nang makita ko siyang nagbibihis pagpasok ko sa kaniyang kwarto at tanging boxer shorts palamang ang kaniyang suot. Nagiwas na lamang ako ng tingin dahil sa hiyang dumaloy sa aking mukha. Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko ang katawan niya, hindi lang talaga ko sanay.



Narinig ko ang kaniyang mahinang paghalakhak.



"Don't be shy, Ryu. Pwede mo akong panooring magbihis kung gusto mo."



Nahimigan ko ang panunukso sa kaniyang boses at ang mahina niyang pagtawa. Pagak akong natawa.



"Ang kapal! Bakit ko namang gugustuhing panoorin kang magbihis? Tsk. Bilisan mo nga." Asik ko sa kaniya.



"Hahaha. I'm just kidding. I'm done, pwede ka nang humarap." Sabi niya.



Unti-unti naman akong humarap. Nakabihis na nga siya ng puting t-shirt at sweat pants. Dumiretso ako sa study table niya at inilagay roon lahat ng gamit ko para magsimula nang mag aral. Siya naman ay nagpaalam na lalabas saglit para bumili ng ice cream sa convience store sa ibaba.





Nakangiti akong pinagmasdan siyang lumabas sa pintuan. Simula noong bumalik kami ng University, halos iilang oras nalang kami nagkakasama dahil kapwa busy kami sa kaniya-kaniya naming commitment sa school.



Minsan kahit sa pagpasok sa University ay hindi na kami nagkakasabay dahil kung minsan ay maaga ang kaniyang pasok o hindi kaya ay may morning practice sila. Hindi naman ako nag dedemand ng extrang oras sa kaniya dahil alam kong bukod sa practice ay busy din siya sa acads niya. Lalo pa ngayon na iilang weeks nalang at palapit na ang mid term.





But Jasper is the like of guy who always made time for us. Itong mga effort niyang ito ang dahilan kung bakit bawat araw ay lalo akong nahuhulog sa kaniya. Ngayon ko lang narealize kung anong swerte ang sinasabi nila sa akin. Mas swerte talaga ako, dahil ako ang minahal ng isang kagaya ni Jasper.





The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon