Chapter 25 - Gusto na kita

153 10 4
                                    

Erica's POV

Maaga akong nagising kaya naman kahit tulog pa si Lexa ay bumangon na ako, gusto ko pa sanang bumalik sa pag tulog kaya lang ay hindi na talaga ako makatulog. Kaya naman ay wala akong ganang nag lalakad ngayon pababa ng hagdan, para akong zombie. Kulang kasi talaga ako tulog. Tsk.

"Good morning" halos mapatalon ako ng marinig ko ang malambing na boses na'yon, parang bigla akong nagising, nawala ang kaninang antok na antok kong mood

Hindi ako nakapag salita agad, napatingin ako sa sarili ko at doon ko narealize na sabog sabog pa ang buhok ko't nakasando't maikling short lang ako. Dali-dali akong pumasok sa c.r, mabuti nalang at nasa gilid lang ng hagdan ang c.r kaya hindi na ako nahirapan pang makapagtago.

Pero nakapagtago man ako ay huli na. Dahil nakita na niya. Nasapo ko ang noo ko. Nakakainis naman oh! Narinig ko ang yabag ng mga paa niya papalapit sa c.r. shems nakakahiya ka Erica!

"Erica what's wrong? Are you okay?" tanong niya mula sa labas, natuliro naman agad ako. Anong isasagot ko? Na nahihiya ako? Waaa no! Ang epic ng ganong rason!

"Uhm... Ano... Sumakit kasi bigla t'yan ko." Sagot ko na umatungal pa't umaaktong masakit talaga ang t'yan. Aish kainis talaga!

"Oh I see, maybe you're going to poop. Go on with that, I'll just wait you here outside" what the? Seriously? Hindi naman ako natatae eh! Mabilis kong binuksan ang pinto ng c.r at hinarap siya, mukhang nagulat pa siya pero agad ding naka recover

"I thought you're going to poop?" inosente niyang tanong

"Hindi ako natatae! Masakit lang t'yan ko pero hindi ako natatae!" sigaw ko, nakita kong nagulat siya sa sagot ko. Omg natakot ko ata siya, parang gusto ko bigla lumubog sa kinatatayuan ko. Am I over reacting? Siguro nga. Naguilty naman agad ako. Aish nakakahiya ka talaga Erica!

"Ah eh ang ibig kong sabihin, I'm not going to poop.. it's just.... Ang sakit lang talaga ng t'yan ko hehe" napapahiya kong bawi at nakagat pa ang ibaba ng aking labi, nakita kong siyang natawa. Gosh pinag tatawanan niya ba'ko?

"Anong nakakatawa?" nakanguso Kong tanong

"Nothing, it's just... Ang cute mo the way you over react" sinabi niya 'yon na para bang natutuwa talaga siya sa naging reaction ko. So I am really over reacting. Damn I hate you self!

"Hehe ganon" 'yan lang ang naging tugon ko

"Ano na namang nangyayari dito bakit ang ingay ingay mo na naman?" Banat naman sa'kin ng kakababa lang na si Lexa

"She's just doing some cute things in front of me" si Adrian ang sumagot, napanguso ako

"Sa c.r?" taas kilay niyang tanong. Napatingin ako sa kinaroroonan namin at doon ko lang narealize na nasa cr nga pala kami-- ah no!

"Sa harap ng cr" pag tatama ko baka kasi kung ano ano na naman tumatakbo sa utak ng babaeng 'to eh, kilala ko siya kung paano mag isip. Madumi.. sobrang dumi!

"Sa harap ng cr..." inulit niya ang sinabi ko sa nakakalokong tono. See? Paniguradong may naiimbento na'yan sa utak niya. Inirapan ko nalang ito. Psh!

"Nga pala Adrian ang aga mo ah" baling ni Lexa dito

"Ah yeah. I just miss her that's why I came here early" sagot niya na sa'kin pa nakatingin, parang nag init naman ang pisngi ko. Tae kinikilig na ba 'ko neto?

"Psh edi ikaw na sweet na manliligaw" nakangiwing tugon ni Lexa, tinawanan naman siya ni Adrian tsaka ito bumaling sa'kin

"Masakit parin ba t'yan mo?" tanong niya

"Ah... Hindi na masiyado" Hindi naman talaga masakit ang t'yan ko, nag dahilan ang ako. Nangiti siya

"Kulang ka lang siguro sa kain, tara kumain ka muna" aya niya tsaka ako inalalayan, naiilang man eh nag padala na'ko sa kaniya.

"Kakain ka ng ganiyan ang hitsura mo?" parang hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Lexa ng makarating kami sa hapag. Shems! Kaya nga pala ako nag tatago kanina ay dahil sa hitsura ko ngayon, ni hindi pa nga 'ko nakakapag toothbrush eh. Aish kahiya na talaga!

"Bakit anong mali sa hitsura ko?" siyempre nag panggap ako na okay lang ako sa ganong ayos ko, kahit na ang totoo ay gustong gusto ko ng umakyat sa kuwarto para ayusin ang sarili ko

"Ang dugyot" pranka niyang sagot. Bwiset talaga ang babaeng 'to. Ipinapahiya niya 'ko eh. Narinig kong natawa si Adrian sa sagot na'yon ni Lexa. Tinignan ko ng masama si Lexa

"Ano namang dugyot sa suot ko? Eh sa ito ang pantulog ko eh" pagpapalusot ko kahit na aminado akong ang dugyot talaga ng hitsura ko

"Sa suot mo wala pero 'yang buhok mo oh, parang hindi kapa ata nakakapag suklay at toothbrush eh" gusto ko na talaga siyang kotongan sa mga pinag sasasabi niya

"She's still look beautiful" singit ni Adrian na ikinalingon naming pareho dito

"Ayan beautiful?" tanong ni Lexa dito sa sarkastikong tono, nakangiting tumango si Adrian na nakatitig pa sa'kin

"She'll always be beautiful, in my eyes" agad na humagalpak si Lexa kaya naman pareho kami ni Adrian na pinanood ang pag tawa niya. Siraulo talaga kahit kailan.

"In your eyes lang talaga! Dahil sa mata dugyot 'yan! HAHAHAHAHAH" hindi na ako nakapag pigil at nabatukan kona siya

"Aray naman!" angil niya

"Gusto mo dagdagan ko pa?" painis kong sabi

"Joke lang naman eh! Ito hindi na mabiro! Alam ko namang maganda ka talaga eh" nakanguso niyang sabi

"Psh! Manahimik ka d'yan kumain ka nalang anong oras na oh!" inis kong sabi, sumunod naman siya

Napatingin ako kay Adrian at nakita kong nakangiti itong nakatitig sa'kin.

"Bakit?" naiilang tuloy ako bigla, nakangiti lang siyang umiling

"Eat up. I made that for you" gulat ko siyang tinignan at ang pagkaing nasa harap ko. Ngayon ko lang napansin na beef steak at bacon ang mga ito

"Ikaw ang nag luto nito?" nakangiti siyang tumango " Paano? Paano ka pala nakapasok dito" taka kong tanong, yan kanina ko pa gustong itanong na ngayon ko lang nagawa

"Pinapasok ako ni Andrew at nagpaalam din ako sa kaniya na mag luluto ako. Pumayag naman siya" paliwanag niya

"Ah.. I see" tugon ko. Kung ganon ay kanina pa pala siya narito

"Kaya eat it, I hope you'll like it" tumango ako at nag simula ng kumain, ganon din siya

Habang kinakain ang luto niya ay hindi ko maiwasang mapahanga, ang galing lang kasi. Kung ako kasi ang nagluto non paniguradong sunog na naman haha! May bago na naman tuloy akong hahangaan sa kaniya. Siguro nga tama si Lexa, siguro nga Adrian, Gusto na kita...

To be continue

Thanks for reading ^_^

Long time CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon