Erica's POV
Labis ang mangha ko ng makapasok ako sa loob ng bago kong school, pero mas lalo akong namangha ng makarating na ako sa aming building.
"Hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang building ng senior high school dito" mangha kong bulong sa sarili
Kulay blue ang pintura ng dingding sa hallway habang kulay pink naman mga pinto ng bawat room.
Magaling sila mag combine ng kulay, in fairness
Favorite color ko kasi ang dalawang kulay na'yon dahil fandom color ng kpop group na seventeen ang kulay na'yon hehe. Yes I'm a kpop fan or should I say na I'm pro carat hehe.
Patuloy lang ako sa paglalakad habang inililibot ang aking paningin para hanapin ang room 401 kung saan ang room ng mga HUMSS (Humanities and Social Sciences), yes I'm a senior high school student at humss ang strand ko. Pangarap ko kasing maging journalist someday.
Habang naglalakad ay bigla akong nakaramdam ng kaba, dahil bigla kong naalala ang rason ko kung bakit ako nag enroll sa school na'to, at 'yon ay dahil kay Jonathan Velchez, my long time crush. Since junior high ako crush ko na siya, lagi ko siyang pinapanood sa bawat laban niya. Basketball player kasi siya ng school na'to, at siya ang pinaka matagal kong crush na sa tingin ko mananatiling hanggang crush nalang, pero ayos lang ang mahalaga maiinspired ako pumasok araw-araw.
Bigla akong nakaramdam ng pagkailang ng mapansin kong kanina pa pala ako pinagtitinginan ng mga studyante dito, hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o ano. Pero one thing I am sure of.. kinukutya na nila ako sa isipan nila. Hindi ko naman sila masisisi dahil kahit ako ay tingin ko hindi ako nababagay sa school na'to, masiyado 'tong pang mayaman para maging bagay sa'kin, pero dahil nandito si Jonathan ay wala na akong paki sa mga sa sasabihin nila, kaya maraming salamat talaga sa voucher ng gobyerno at nag karoon ako ng pagkakataong makasama sa iisang school ang taong crush na crush ko.
Nanatili ang pagkailang ko habang tinatahak ang daan, naalala ko naman si Lexa, my best friend. Dito na din siya nag aaral, 'yon nga lang grade 10 palang siya kaya magka iba ang building namin. Panigurado ako ay pareho kami ngayon ng sitwasyon dahil gaya ko ay transfer lang din siya dito at pareho kami ng dahilan kung bakit kami lumipat dito.
Napabuntong hininga nalang ako, napansin kong nasa fourth floor na ako at agad ko namang nakita ang room 401, bahagya akong sumilip at nakita ko ang mga studyanteng nasa loob ng room. Nakaramdam naman agad ako ng saya at hiya.
Saya dahil makakakilala na naman ako ng bagong tao at hiya dahil pakiramdam ko hindi ako nababagay sa lugar na'to
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob, awtomatiko naman silang napalingon sa'kin kaya pilit nalang akong ngumiti at naupo sa bakanteng upuan sa likod.
Namangha naman agad ako sa lamesang nasa harap ko dahil may sabitan ito sa gilid kung saan isinasabit ang bag. Korean style ang chair at table.
Ang cute~
Naramdaman ko naman ang mga tingin nila sa'kin kaya nag angat ako ng tingin at tama ako, nakatingin nga sila sa'kin at hindi ko alam kung bakit.
"Bakit?" Inosente kong tanong
"We speak English here, don't you know that?" mataray na sabi sa'kin ng babaeng isa sa nakatingin din sa'kin
Oo nga pala nakalimutan ko
BINABASA MO ANG
Long time Crush
Novela JuvenilHave you ever had a long time crush? Have you ever felt what's the feeling of having it? Erica Chwe is just a simple girl who grew in a unwealthy family, but being like that is not a hindrance for her to chase her dreams, even her crush for a long...