Chapter 32 - Dream come true

122 8 1
                                    

Erica's POV

Hanggang sa matapos nalang ang klase ay lutang parin ang utak ko. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko o mali. May parte sakin na nagsasabing tama ang desisyon ko dahil kung hindi ko patitigilin si Adrian ay paasahin ko lang siya sa wala, pero sa kabilang banda ay sinasabi din ng isip ko na mali dahil i promised na hindi ko hahayaang masaktan ko si Adrian ngunit ano 'tong ginawa ko ngayon? Pero diba mas lalo lang siyang masasaktan kung paaasahin ko lang siya sa wala? Hays. Ang sakit sa ulo naman nito.

"Miss hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo" napaangat ako ng tingin sa nagsalita ng hindi ko namalayang may nabangga na pala ako.  Napatitig lang ako dito.

"Aren't you going to say sorry?" Hindi ko alam kung seryoso ba siya don o inaasar niya lang ako. Naka smirk na seryoso ba naman kasi. Tsk.

"Sorry" sabi ko nalang dito. Natawa siya at ginulo ang buhok ko

"I was just kidding. Ang seryoso mo kasi eh, hindi mo tuloy napansin may masasalubong kang pogi" bilib sa sarili niyang sabi, natawa ako

"Pogi? Asan?" tanong ko na umasta pang hinahanap ang tinutukoy niyang pogi

"Nandito sa harap mo oh, hindi mo ba'ko nakikita?" nakasimangot niyang sabi, natawa naman ako. Ang pogi niya parin kasi kahit nakasimangot eh, haha no wonder kung bakit ako nainlove sa lalaking 'to

"Haha joke lang eto naman, smile kana dyan" natatawa kong sabi na pilit siyang pinangiti gamit ang dalawa kong kamay

"Alam ko, dahil gwapong gwapo ka kaya sa'kin" sabi niya na tumatawa pa, napangiwi ako.

"Asa!" Lakas ng topak eh, may pasimasimangot pa kanina tapos biglang tatawa. Diba abnormal?

"Sus kunyari pa, by the way are you okay?" tanong niya bigla, nagtaka naman ako

"Oo naman, mukha bang hindi?" agad kong tugon

"Hmm.. para ka kasing wala sa sarili kanina habang naglalakad, buti nalang ako yung nakasalubong mo. paano kung iba?"

"Ah- hehe okay lang naman ako, di lang talaga kita napansin" napapahiya kong tugon, tumango tango siya ng nakakaloko na naman. May naiimbento na naman siguro to sa utak niya

"I don't believe you, I think you must be busy thinking of something, or...  Someone?" sinabi niya yan sa nakakalokong tono. See? Sabi ko na eh. Well tama naman siya I'm busy thinking of someone, pero kung iniisip niyang siya yon haha sorry Jonathan baby but this time it's not you haha

"Sorry disappoint you Mr. Velchez but if you think I'm  thinking of you,,, well I'm not" pang aasar ko, napangisi naman ang loko

"It's okay, kung sino man 'yang iniisip mo. I don't care. Atleast alam kong ako naman  ang laman ng puso mo" nakangisi parin niyang sabi, hindi ako nakatugon

"See? Hindi nakapag salita. Don't worry ikaw din ang laman ng puso, isip, baga, sikmura at balunbalunan ko" seryoso siya dyan habang sinasabi yan, hindi ko naman napigilang matawa ng malakas

"Oh bakit ka tumatawa? Seryoso ako" Hindi parin ako humihinto sa pag tawa

"Ang korni mo kasi eh" natatawa ko paring sabi

"Handa akong magpaka korni mapasaya lang kita" nakangiti niyang sabi, nahinto ako sa pagtawa at malawak na napangiti

"Kinikilig ako Jonathan wag kang ganiyan" agad akong napatakip ng bibig, yung dapat kasi na sa isip ko lang ay naisaboses ko. Aish pahamak talaga ang bungangang 'to!

"Sabi na patay na patay ka talaga sa'kin eh" pang aasar na naman niya, napanguso ako

"Oo na! Masaya kana?" kunyari ay inis kong sabi

"Syempre! Ganon din ako sayo eh" lihim akong napangiti

Matapos ng mukhang ewan naming eksenang  yon sa hallway ay sabay na kaming nag lakad palabas ng school. Hindi ko maipaliwanag yung saya ko ngayon, Hindi ko kasi inexpect na dadating kaming dalawa ni Jonathan sa ganitong point. Yung tipong yung crush na ctush ko eh crush na crush din pala ako. Parang dream come true.

To be continue

Thanks for reading ^_^

Long time CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon