Chapter 15 - Purity night

152 9 2
                                    

Erica's POV

Nakaupo na ako ngayon sa p'westo namin at hindi parin talaga ako makapaniwala sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Halo halong emosiyon ang nararamdaman ko. Natutuwa, kinikilig, naiilang pero mas lamang ang tuwa at kilig na nararamdaman ko ngayon.

Wala dito ngayon si Adrian sa tabi ko. Nag paalam siya kay Lexa na kailangan niyang umuwi na dahil may emergency sa bahay nila. Ayos lang naman sakin dahil naiintindihan ko. At isa pa nandito rin ngayon si Jonathan sa harap ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Chance ko na kaya 'to? Waaaa kinikilig ako!

"Masiyado ka naman yatang masaya" bulong ni Lexa sa'kin

"Sino naman ang hindi sasaya sa ganitong sitwasyon? Nasa harap ko ngayon si Jonathan" bulong ko din na may kasamang impit na kilig

Kilig na kilig talaga ako sa mga oras na 'to. Sino naman ang hindi diba? Taong mahal mo nasa harap mo? aba para sakin napaka swerte kona sa ganitong sitwasyon dahil madalang ang ganito.

"Yieee edi dumamoves kana" buyo niya

"Eh? Ano 'yan chiks? Di ako nag fifirst move 'no" bulong ko

"Hindi pa ba? Sa pag lipat mo palang dito sa school na 'to first move na 'yon e" napaisip naman ako

Oo nga 'no? Minsan talaga mabagal din ako mag isip. Pero atleast minsan lang lol

"Eh kahit na 'no, basta hindi ako mafifirst move" bulong ko muli, ngumiwi nalang siya

Napatingin naman ako sa harapan ko. Nakita kong nakatingin sakin si Jonathan. Kanina paba siya naka tingin? Nakakailang pero natutuwa ako at the same time. Ang guwapo niya sa malayo pero mas guwapo siya sa malapitan.

"Uhm Jeopert gano na pala kayo katagal mag best friend nitong si Jonathan?" tanong ni Lexa kay Jeopert

"Actually we're childhood friend, since we were 6 years old I guess" nakangiting sagot ni Jeopert

"Woa talaga? Kami rin kasi ni minji childhood friend" masiglang sabi rin ni Lexa

"Who's minji?" tanong ni Jeopert dahil hindi niya kilala kung sino ang minji na binanggit ni Lexa

"Ay hindi mo nga pala alam. Minji kasi ang tawag ko dito kay Erica" paliwanag ni Lexa na naka turo pa sa'kin

"Oh I see" tatango tangong sagot ni Jeopert

Awkward. 'Yan ang sitwasyon ngayon. Nanatili kasing naguusap si Lexa at Jeopert. At kami ni Jonathan? Heto nakatungangang nakikinig sa usapan nilang dalawa na sila lang naman ang nagkakaintindihan. Madalas na magtama ang mga mata namin ni Jonathan at ako naman ang unang nag iiwas ng tingin. Hindi ko kasi kayang tagalan ang tingin niya. Masiyado akong naaakit nito ng sobra at naiilang din ako.

Tumingin ako sa kung saan para mawala ang ilang na nararamdaman ko sa mga tingin ni Jonathan. Pero sa kabilang banda ay gusto kong mapangiti, sa kadahilanang nandito talaga si Jonathan sa harap ko at tumitingin pa sa'kin. Hindi parin kasi ako makapaniwala. Parang dati kasi ang imposibleng tapunan niya ako ng tingin pero heto ngayon at kaharap ko pa siya.

Parang dati lang kuntento na'kong matanaw siya sa malayo, at ang mahalaga ay kahit papa'no nakikita ko siya. Hindi ko nga akalaing dadating ako sa puntong magiging isa ang school na pinapasukan namin eh. Kaya masaya ako, sobrang saya ko ngayon. Kahit papa'no kasi ay nakukuha ko na ang pakay ko sa pag pasok sa school na 'to. At 'yon ay ang mapansin niya.

"Can I dance with you?" halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng marinig ang napaka manly'ng boses ni Jonathan

Hindi ko alam kung ako ba ang inaaya niya. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at nakita ko ang paningin niyang nasa'kin na nakangiti pa

Long time CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon