Erica's POV
SUNDAY ❤
Walang gana akong bumangon sa kama, napatingin ako sa tabi ko at nakita kong mahimbing pa ang tulog ni Lexa. Napabuntong hininga naman ako dahil muli na namang bumalik sa ala-ala ko ang mga ngiti ni Jonathan habang kausap si Fatima. Hirap akong nakatulog kagabi kakaisip sa bagay na'yon, tapos pag gising ayun parin ba?
Aish!
Napahilamos nalang ako sa mukha, sandali kong tinignan si Lexa na tulog parin tsaka nag pasyang tumayo at bumaba.
Nang makababa ako ay in-on ko ang TV at as usual, pinlay ko ang mga MV ng seventeen para kahit papano mawala sa isip ko si Jonathan. Matapos kong gawin 'yon ay nag tungo ako sa kusina para mag hanap ng p'wedeng makain na almusal.
"Saramdeul saireul bijipgo hiyeomcho tteonajja oh oh oh oh oh holi holi holi holi holi holiday" sabay ko sa kanta mula sa tv habang nagkakalkal sa ref ng makakain
Kumuha ako dito ng anim na itlog, balak ko itong ilaga. Dahil kung ipiprito ko ito ay delikado, kaya laga nalang para galawang safe haha!
Iwas sunog haha!
Agad ko itong inilagay sa kalderong may sapat na tubig para sa anim na itlog tsaka isinalang sa kalan. Habang nakasalang ang ang itlog ay kinuha ko ang tasty bread tsaka nag lagay sa plato ng sapat na bilang para sa aming tatlo.
Ilang minuto lang ay nalaga na ang itlog kaya naman pinatay ko na ang apoy ng kalan tsaka inilagay ang itlog sa isang lagayan, nag timpla naman ako ng kape at matapos no'n ay isa-isa kong inilagay sa dining table ang mga almusal na inihanda ko.
Akma na sana akong aakyat para gisingin si lexa pero namataan ko na siyang pababa habang humihikabhikab pa.
"Kain na" anyaya ko dito
"Bakit hindi mo pinrito 'yong itlog?" tanong ng makaupo
"Galawang safe" natatawa kong sabi
"Ay oo nga pala, mabuti na 'to kesa kumain na naman ako ng sunog na itlog" nang aasar niyang sabi
"Depungal ka kumain kana nga lang" kunyaring inis kong sabi, natawa naman siya
"Bakit ganito 'yong kape?" tanong niya ulit na nakatingin sa kape
"Ano namang meron sa kape?" kunot noo kong taong habang ngumunguya ng tasty na pinalamanan ko ng cheese
"Bakit halos mapuno 'tong mug? Wala naman tayo sa lamay ah" aniya
Gano'n ba 'yon?
"Depungal ka ang dami mong alam kumain kana nga lang d'yan kung ayaw mong ibuhos ko sa'yo yan!" inis ko na talagang sabi, nakanguso naman siyang sumunod
Lagi nalang pinipintasan mga gawa ko depungal na babae 'to!
"Nga pala mamaya RB tayo" biglang sabi ni lexa
"Anong oras?" tanong ko
"Mga 3:00, gano'ng oras maraming koreano diba"
"Ay oo sige sige" napapangiti kong sabi
Maglilibotlibot lang naman kami sa mall na'yon eh, tapos susundan 'yong mga mo koreanong matitipuhan namin. Gano'n kami lagi, syempre mag dadala din ng kaunting pera pang milktea para hindi naman kami mukhang tag hirap.
BINABASA MO ANG
Long time Crush
Teen FictionHave you ever had a long time crush? Have you ever felt what's the feeling of having it? Erica Chwe is just a simple girl who grew in a unwealthy family, but being like that is not a hindrance for her to chase her dreams, even her crush for a long...