Erica's POV
Habang naglalakad ako papunta kung sa'n kami laging nagkikita ni Lexa tuwing uwian ay natanawan ko na agad siya, kaya naman nakangiti at binilisan ko na ang ang paglalakad papalapit sa kaniya.
"May nangyaring hindi kapani-paniwala sa buhay ko ngayong araw!" masaya niyang salubong sa'kin kaya natawa naman ako
"Ano naman 'yon?" natatawa kong tanong
"Punta muna tayo sa milktea shop do'n ko k'kwento sa'yo" nakangiting aniya, kaya nakangiti naman ako sumunod
Pagka labas namin ay agad kaming nagtungo sa malapit na milktea shop dito sa school, ilang lakad lang 'yon mula sa school namin kaya mabilis din kaming nakarating.
Matapos naming mag order ay naupo na kami sa bakanteng upuan do'n, sa may tapat ng freedom wall kung sa'n may mga sticky note na p'wedeng sulatan tsaka mo ididikit sa freedom wall.
"Oh ano na 'yong k'wento mo?" tanong ko habang sumusipsip sa Almond milktea ko
Favourite flavor ko haha! Skl
"Tungkol kay Jay" kinikilig pa na aniya, nanlaki naman ang mata ko
"Anong nangyari?" Interesado kong tanong
At kinuwento niya sa akin ang mga nangyari habang nasa rooftop sila pero halos gusto ko siyang batukan no'ng nalaman kong nag cutting na naman siya. Pero mas nangibabaw sa'kin ang saya at tuwa para sa kaniya kaya dinedema ko nalang. Halos kiligin din ako sa k'wento niya dahil napapansin na siya ng taong gusto niya, at masaya ako para sa kaibigan ko.
"Seryoso talaga?!" hindi parin makapaniwalang tanong ko
"Oo nga! Akala ko nga no'ng una panaginip pero hindi eh, totoo talaga!" masaya na aniya
"Yieee syempre kilig kilig ka naman" panunukso ko
"Syempre naman, crush ko 'yon eh" masaya talagang aniya
"Sa susunod niyan popormahan kana niyan" panunukso ko ulit
"Aba pabor sa'kin 'yon!" siguradong aniya, natawa naman ako
"Nga pala may nakalimutan akong sabihin" aniya tsaka sumipsip ng milktea
"Ano?" tanong ko
"Alam pala nila pangalan natin" parang hindi makapaniwalang aniya
"Weh? Pa'no?" hindi rin makapaniwalang tanong ko
"Sabi ni Jay narinig lang daw niya sa teammates niya eh, kaya nalaman niya pangalan natin"
Baka si Jonathan?
"Sinong teammates daw?" tanong ko na nag aabang ng sagot
"Nakalimutan daw niya" agad namang bumagsak ang balikat ko sa sagot niya at pilit na ngumiti, dahil umasa akong baka si Jonathan
Bakit ba kasi umaasa akong si Jonathan? Sino ba kami? Sino ba'ko para pag aksayahan niyang kilalanin ang pangalan?
Ngunit agad naman akong napangiti ng maalala ang nangyari kanina
"May sasabihin din pala 'ko" nakangiti kong sabi
"Yiee ano 'yan?" kinikilig na tanong niya, nangiti naman akong may hinugot mula sa bulsa ng skirt ko
"Tignan mo" nakangiti kong sabi habang ipanapakita ang key chain na hawak ko
BINABASA MO ANG
Long time Crush
Teen FictionHave you ever had a long time crush? Have you ever felt what's the feeling of having it? Erica Chwe is just a simple girl who grew in a unwealthy family, but being like that is not a hindrance for her to chase her dreams, even her crush for a long...