Chapter 11 - Her partner

189 16 4
                                    

Erica's POV

Nagdaan ang magkakasunod na araw na parepareho lang ang naging takbo ng buhay namin ni Lexa.

Isang linggo na din ang nakakalipas mag mula ng i-announce sa'min ang purity night na magaganap mamayang gabi, grade 10 at senior high lang ang in-allow na um-attend sa party'ng 'yon. Good thing dahil grade 10 na si Lexa at mayroon akong makakasama o makakausap man lamang, required kasi'ng um-attend. Sa room kasi ay si Jigz lang ang kaclose ko, at siya ang emcee mamayang gabi kaya kung wala si lexa ay nganganga lang talaga ako mag damag.

Maaga kaming pina uwi dahil kailangan pa namin mag prepare para mamayang gabi, kaya heto kami ngayon ni lexa at nag aayos ng susuotin namin.

"Alin kaya mas babagay sa'kin?" tanong ni Lexa habang itinapat pa sa sarili ang sleeveless red fitted dress at ang maroon dress na may kaunting hati sa gilid, pinag aaralan ko naman siyang tinitigan

"Bagay sa'yo pareho eh" sagot ko, maputi kasi si Lexa kaya bagay sa kaniya ang mga dark colors

"So isusuot ko 'to pareho?" sarkastiko niyang tanong

"Kung d'yan ka ba sasaya eh, edi go" sarkastiko ko ding tugon, napanguso naman siya

"Hindi kasi ako makapili eh, gusto ko 'yong magmumukha talaga 'kong maganda para sa'kin lang mapunta atensiyon ni Jay" problemadong aniya

"Edi 'wag ka nalang mag damit, mas maaakit mo siya sa gano'ng paraan" taas noo kong suhestiyon

"Depungal ka talaga! Eh kung ikaw kaya gumawa no'n! Ikaw nakaisip eh!" asik niya

"La ayaw mo pa? Buti nga hindi kana mahihirapang pumili ng susuotin eh" natatawa kong sabi

"Kumag ka talaga!"

"Joke lang, mas babagay sa'yo 'yong maroon" pambabawi ko

"Sure ka?" paniniguro niya

Taena magtatanong tanong tapos ngayon na sumagot kana ng maayos naninigirado pa?

"Oo nga!" pasigaw kong sagot

"Oh easy ka lang" tatawa tawang aniya

"He depungal!" singhal ko sa kaniya tsaka nag tuloy sa pag aasikaso ng susuotin ko

Black ang napili kong susuotin, long dress ito na pa off shoulder ang style, may mga glitters na nagsisilbing palamuti ito, na siya ring mag sisilbing kinang lalo na kapag nasa dilim. Napatingin ako sa clock na nasa kuwarto namin, 3:00 pm palang at 6:00 pm pa ang call time sa venue, kaya mahaba pa ang oras namin para mag ayos. Naupo nalang muna kami sa kama dahil masiyado pang maaga kung mag aayos na kami ng sarili ngayon.

"Sino kaya'ng partner ni Jay?" biglang tanong ni Lexa habang naka upo kami sa kama

"Aba malay ko hindi naman ako si Jay" birong sagot ko, ngumiwi naman siya

"Pero seryoso sino nga kaya?" seryoso talagang tanong niya habang nakatingin sa'kin na nag hihintay ng sagot

"Baka 'yong kuto" natatawa kong sagot, agad naman na umarko ang kilay niya

"Yak! Kung 'yon rin lang aba kawawa naman si Jay! Buong gabi niyang makakasama ang kuto na'yon!" painis na aniya

"Gagi ka talaga" natatawa kong ani

"Bakit totoo naman eh"

"Eh pa'no nga kung siya ang partner ni Jay?" tanong ko muli

"Edi bahala siya d'yan, makikipag sayaw nalang ako sa iba" nakangusong aniya, natawa naman ako

Long time CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon