Erica's POV
"Kamusta naman unang araw mo?" tanong sa'kin ni Lexa habang naglalakad kami pauwi
Nilalakad lang namin dahil walking distance lang naman ito mula sa tinutuluyan namin.
"Ayos lang sana kung walang mga mapangmatang kaklase, kung maka tingin kasi sila akala mo outsider ako sa room nila" nakasimangot kong tugon
"Akala ko ako lang nakakaranas ng ganiyan kanina eh" natatawa niyang sabi
"Tinarayan pa nga ko kanina ng isang babae do'n eh" sabi ko
"Talaga? Anong ginawa sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong niya
"Sabi niya 'we speak English here, don't you know that?' yan ang sabi niya" sabi ko na ginaya pa ang mataray na tono ng babae
"Woaa grabe naman 'yon! Hindi niya ba alam na nasa pilipinas tayo! At tsaka sa lessons lang naman applied ang depungal na we speak English nilang motto eh!" inis na aniya
"Gusto ko nga sanang sagutin eh, kaso ayaw ko ng away kaya nag sorry nalang ako"
"Ano?! Nag sorry ka? Hindi ka dapat nag sosorry sa gano'n! Mamaya isipin pa no'n takot ka sa kaniya eh!" inis paring aniya, agad naman akong nakaramdam ng inis sa sarili ko
"Oo nga 'no, ba't nga ba ako nag sorry sa kumag na babaeng 'yon" inis ko na ding sabi sa sarili ko
Hindi kasi ako 'yong tipo ng tao na nagsosorry lalo na kung wala naman akong malalang kasalanan na nagawa, at isa pa palasagot akong tao lalo na kung may katwiran ako. Kaya gano'n nalang ang inis ko sa sarili ko ng marealize na hindi dapat ako nag sorry kumag na babaeng 'yon.
"Bawian mo 'yon, pag inano ka ulit ratratin mo ng masasamang salita, tignan lang natin kung makaubra 'yan" taas noo, natatawa niyang sabi
"Oo tama, kumag na'yon. Naisahan niya ko ah" nakanguso kong sabi
Sandali lang ay nakauwi na kami, dito ako ngayon nakatira kina Lexa. Kaming tatlo lang ang nandito dahil nasa Japan ang mama at kuya niya nagtatarabaho, ang papa naman niya ay matagal ng wala sa kanila simula bata pa lamang sila. Kaya ako si Lexa at ang bunsong kapatid lang niya ang nandito. Ang parents ko naman ay nasa hinapao, ayaw nga sana nila akong payagan na dito tumira eh, pero dahil boss ako, wala silang nagawa haha!
"Anong lulutuin natin?" tanong kay Lexa ng makababa kami sa kusina
"Anong natin? Eh taga tingin ka lang naman habang ako nag luluto"
"Hoy anong taga tingin? Ako kaya ang naghahalo pag adobo ang niluluto natin"
"Ikaw na nag sabi, taga halo ka lang pero hindi ikaw ang nagluluto"
"Ang kapal talaga neto!" Inis kong sabi
"Totoo naman ah! Tanggapin mo nalang kasing hindi ka marunong magluto!"
"Marunong kaya ako!" depensa ko
"Ay oo nga pala marunong ka, kanin nga lang tapos naka rice cooker pa!" nang aasar na sabi niya
"Atleast marunong magluto" pagmamalaki ko
"Proud ka pa ha! Eh 'yong itlog mong sunog hindi mo ba ipag mamalaki?" nang aasar parin na aniya
"Kumag ka talaga kahit kailan!" sabi ko na kinotongan siya
"Aray! Totoo naman sinabi ko ah" angil niya
"He! Marunong ako mag luto! Gusto mo pag luto pa kita ng adobo eh"
"Wag na! Hindi ako kumakain ng maputlang adobo!"
BINABASA MO ANG
Long time Crush
Novela JuvenilHave you ever had a long time crush? Have you ever felt what's the feeling of having it? Erica Chwe is just a simple girl who grew in a unwealthy family, but being like that is not a hindrance for her to chase her dreams, even her crush for a long...