Erica's POV
Ilang sandali pa ng paglalakad namin ay huminto na kami, iginala ko ang paningin ko sa lugar na pinag dalhan niya sa'kin. Masasabi kong ito ang garden sa likod ng school namin dahil minsan na akong nakapunta dito.
"Sit" napatingin ako kay Jonathan sa sinabi niyang 'yon
"Ha?" parang gulat ko pang tugon, napabuntong hininga siya
"S I T, sit, maupo ka" sabi niya na in'spell pa ang salitang SIT. Tsk ano ba'ng akala niya sa'kin hindi nakakaintindi? Psh eh naintindihan ko naman hindi ko lang talaga alam kung bakit "Ha" ang lumabas sa bibig ko. Sumunod nalang ako sa sinabi niya at naupo sa bench na nasa harap namin, kasabay ng pag upo ko ay naupo din siya
Walang nagsasalita sa'min, pasimple ko siya tinitignan sa gilid ng mata ko't nahuhuli kong nakatingin lang siya sa'kin. Naiilang ako kaya naman lumilinga nalang ako sa paligid.
Ang awkward naman. Bakita niya ba kasi ako dinala dito? Ano'ng gagawin namin dito? Tatanga? Pero sa kabila ng mga tanong kong 'yon sa sarili ko ay may sayang umuukit sa puso ko. Akala ko noong mga panahong si Adrian ang nakasama ko ay 'yon na ang pinaka kakaibang sayang naramdaman ko, pero akala ko lang pala 'yon. At ang pag aakala kong siya na ang gusto ko ay tingin ko rin nagkamali ako. Marahil ay nadala lang ako sa kabaitan niya dahil siya ang nariyan para sa akin sa tuwing nasasaktan ako.
"Kayo na ba ni Adrian?" nagising ako sa malalim na pag iisip sa tanong na 'yon ni Jonathan
"Hindi, I mean hindi pa" sinikap kong hindi mautal
"So may balak kang sagutin siya?" parang lumungkot ang tono niya
"Uhm.. ano.." parang nauubusan ako ng sasabihin
"Do you love him? or do you love me?" hindi ko inaasahan niyang tanong kaya naman nagugulat ang naging reaksiyon ko, nakita ko siyang saglit na natawa. Tsk anong nakakatawa?
"Just choose, is it me or him?" seryoso niyang tanong, tumikhim ako't huminga ng malalim bago sumagot
"Ikaw, pero..."
"Pero?" tanong niya matapos kong putulin ang sasabihin
"Pero bakit mo itinatanong sa'kin ang mga bagay na'yan? Bakit mo ako dinala sa lugar na'to? Bakit gusto mong malaman kung sino ang mahal ko sa inyong dalawa? Naguguluhan na kasi ako eh" parang maiiyak ko ng tugon
"Naguguluhan ka saan?" tanong niya na animo'y naguguluhan na din sa mga sinasabi ko
"Sa'yo, naguguluhan ako sa mga inaasta mo sa'kin. 'yung mga pa caring effect mo, alam mo ba'ng pinapaasa mo ako sa mga moves mo? Nagdesisyon na akong kakalimutan na kita't iiwasan pero heto ngayon at ikaw naman ang lumalapit sa'kin. Sabihin mo nga sa'kin, trip mo ba akong paasahin?" hindi ko na napigilan pa ang pag patak ng aking luha dahil ngayon ko lang naisatinig lahat ng mga gusto kong sabihin sa kaniya. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang dalawang hinalalaki niya.
"Sino ba kasi ang may sabing pinapaasa lang kita?" tanong niya, napaisip naman ako, oo nga 'no sino nga ba?
"Ano... Ako... kasi 'yon 'yung naiisip ko" napapahiya kong tugon
"Kung gano'n mali ang naiisip mo" nakatingin lang ako sa kaniya
"Dahil lahat ng ipinapakita at ginagawa ko para sa'yo ay hindi pag papaasa, sa ganoong paraan ko lang kasi naiisip kung paano ko maipaparating ang nararamdaman ko para sa'yo. Erica mahal kita..." seryoso niyang sinabi 'yon
Erica mahal kita
Erica mahal kita
Erica mahal kita
Erica mahal kita
Parang um'echo sa pandinig ko ang sinabi niya, hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ako makapag salita.
Mahal niya ako?
To be continue
Thanks for reading ^_^
BINABASA MO ANG
Long time Crush
Novela JuvenilHave you ever had a long time crush? Have you ever felt what's the feeling of having it? Erica Chwe is just a simple girl who grew in a unwealthy family, but being like that is not a hindrance for her to chase her dreams, even her crush for a long...