Chapter 6 - Sad Inside

241 24 29
                                    

Erica's POV

Habang nakaupo sa bench na nasa court ay pareho kami ni Lexa na tutok na tutok sa panonood ng training, hindi ko maiwasang mapangiti sa t'wing maihuhulog ni Jonathan ang bola sa ring.

Ang galing niya talaga ^_^

Kaya hindi na talaga ako nagtatakang siya ang naging star player sa team nila. Natutuwa naman akong nanonood dahil dati nanonood lang ako dito bilang outsider pero ngayon bilang isa na sa school mate niya.

"Lalo akong naaakit kay Jonathan" wala sa sarili kong sabi habang nakatitig parin sa nag lalarong si Jonathan

"Ako din kay Jay depungal ang pogi pogi kahit puro pawis na" pigil kilig na sabi ni lexa habang ang paningin din ay na kay Jay

"Dalhan mo ng towel mamaya" biro ko, awtomatiko naman siyang napalingon sa'kin

"Tingin mo tatanggapin niya?" tanong niya kaya agad din akong nagugulat na tumingin sa kaniya

"Bakit gagawin mo?" nagugulat kong tanong

"Bakit hindi, kung paraan 'yon para mapansin niya" nakangusong aniya

"Sira seryoso ka?" hindi talaga makapaniwalang tanong ko

"Oo nga mukha ba 'kong nag bibiro!" pigil inis na aniya

"Edi go na!" agad kong pag sang ayon

"Kaya lang.." parang problemadong aniya

"Kaya lang ano?" agad kong tanong

"Wala kong dalang towel eh" alinlangan na aniya

"'Yun lang pala eh! Tara pasok muna tayong school may towel ako do'n sa locker" suhestiyon ko na ikinangiti niya

"Talaga?! Tara!" masaya niyang aniya tsaka tumayo at sumunod naman ako

Mabilis kaming nakarating sa loob ng school dahil tapat lang naman ito ng court, agad kaming dumiretso sa locker room

"Nilabhan mo ba 'to? Baka mamaya ginamit mo na 'to ah" paniniguro niya ng iabot ko sa kaniya ang towel

"Malamang! Gaya mo naman ako sa'yo!" painis kong sabi

"Naniniguro lang mahirap na baka mapahiya ako eh" natatawang aniya

"Depungal ka ikaw na nga pinapahiram ikaw pa mareklamo" sumbat ko

"Eto naman nag jojoke lang eh" pambabawi niya

"Sus! Tara na baka break na nila" sabi ko na sinunod niya

Ilang saglit lang kaming naglakad pabalik ng court, at tama nga ko, break na nila. Agad na hinanap ng paningin ko si Jonathan, agad ko din naman siyang nakita kasama si..

Fatima -_-

Agad na nakaramdam ng panlulumo ang puso ko, bigla tuloy ay sinisi ko ang sarili ko dahil hinanap ko pa siya. Bigla ay napatanong na naman ako sa sarili ko kung ano ba'ng meron sila, pero agad ding kumontra ang sarili ko na walang akong karapatang mag tanong dahil isa lang naman akong taga hanga niya!

Napabuntong hininga nalang ako sa isiping 'yon at nilingon nalang si lexa. Nakangiti siya sa isang direksiyon, sinundan ko naman ng tingin ang direksiyong tinitignan niya at nakita kong naroon ay si Jay na nakaupong umiinom ng tubig.

"Lapitan mo na, pawis na pawis oh mukhang nag hihintay mag aabot ng towel" nanunuksong suhestiyon ko

"Kinakabahan ako eh"

Long time CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon