Chapter 16 - Chance

167 10 0
                                    

Erica's POV

*pak!*

Napamulat ako mula sa mahimbing na pagkakatulog matapos kong maramdaman ang malakas na hampas ni Lexa

"Bakit kaba nanghahampas d'yan?! Alam mo ng natutulog 'yung tao eh!" inis kong sabi

"Aba ikaw pa galit ha? Buti nga ginigising kapa eh! May pasok pa tayo kaya bumangon kana d'yan!" singhal niya sa'kin, napanguso naman ako

"Hindi mo naman kasi kailangang manghampas eh. Ang sakit kaya" nakanguso kong sabi na hinihimas pa ang parteng hinampas niya ng pagka lakas

"Eh ang tagal mong gumising eh. Kanina pa kaya kita yinuyugyog. Tsaka nga pala may bisitang kanina pa naghihintay sa'yo do'n sa baba" nagtataka naman akong tumingin sa kaniya

"Sinong bisita naman? Ang aga pa ah" curious kong tanong

"Si Adrian" agad na nanlaki ang mata ko

"Sino kamo?!" pag tatanong ko ulit

"Si Adrian nga! Paulit-ulit?" parang nauubos ang pasensiyang sagot ni Lexa

"Eh ano namang ginagawa niya dito? Ng gan'to kaaga? May pasok pa ah. Bakit siya nandito?" sunod sunod na tanong ko ulit

"Aba malay ko ba't ako tinatanong mo ako ba si Adrian?" sarkastiko niyang sagot, agad naman akong napairap

"Depungal ka talaga kausap kahit kailan!" pasinghal kong sabi

"Tch. ako pa talaga ha? Bumaba ka nalang kaya do'n 'no? Kanina pa kasi 'yon naghihintay eh"  aniya tsaka siya lumabas ng kuwarto

Problema non? Ba't ang sungit keaga-aga.

Pero bakit nga ba nandito ngayon si Adrian? Wala naman kaming usapan na magkikita ah. Lalo na ng ganito kaaga. Sandali ko munang inayos ang pinag higaan namin bago nagpasiyang bumaba.

"Good morning" bati ni Adrian ng makita akong pababa

"Good morning din. Aga mo ah, anong atin?" nakangiti kong tanong

"Gusto ko lang kasi sanang bumawi"

"Bumawi saan?"

"Sa nangyari last time. Hindi kasi ako sa'yo nakapag paalam na uuwi na kasi may emergency talaga sa bahay" sinserong paliwanag niya na ang tinutukoy ay ang biglaan niyang pag uwi no'ng purity night

"Ah 'yun ba. Hayaan mo na ayos lang naman" nakangiti kong sabi

"Hindi 'yon ayos para sa'kin. Kaya sorry talaga. Hayaan mo babawi ako sa'yo ngayon" ngiting aniya

"Kahit hindi na 'no, ayos lang talaga. Naiintindihan ko naman eh" nakangiti ko ring sabi

Talagang ayos lang sa'kin dahil nando'n naman si Jonathan. Si Jonathan na pinangarap kong maging partner sana ng gabing 'yon na natupad naman no'ng umuwi siya. Alam kong ang harsh ko kung sasabihin kong pabor sa'kin 'yung pag uwi ni Adrian gayong alam kong gusto niya 'ko. Pero magsisinungaling naman ako kung sasabihin kong nalungkot ako sa pag alis niya. Kaya mag papakatotoo ako at aamining pabor talaga sa'kin ang pag uwi niya, dahil nagkaroon ng pagkakataong maging kapareha ko ang lalaking gustong gusto ko. Napaka saya ng gabing 'yon. Iyon na yata ang gabing hinding hindi ko malilimutan.

Sandali kaming kumain. Matapos no'n ay nag ayos na kami ni Lexa ng sarili namin para sa pag pasok. Si Adrian naman ay naka uniporme na ng pumunta dito kaya naroon nalang siya sa sala at hinihintay kami. Dahil gaya nga ng sinabi niya ay babawi daw siya, kaya isasabay niya kami papuntang school.

Long time CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon