Chapter 4 - First time

324 34 41
                                    

Erica's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang locker room na nakapasok ang isang kamay sa bulsa, mag isa lang ako. Magpapasama sana ako kay Jigz para kunin ang librong gagamitin namin para sa subject na 'to, kaso may inutos sa kaniya ang lecturer namin kaya ako nalang.

Nang makarating na ako ay akma na sana akong papasok ng makita kong nasa loob si..

Jonathan!

Mag isa lang siya, agad na kumabog ang dibadib ko sa kaba. Hindi muna ako pumasok at nanatiling nasa pinto, hindi niya pa ako nakikita dahil nakatalikod ito sa pinto.

Anong gagawin ko? Naghuhurumintado na ang puso ko sa kaba.

Tutuloy? Babalik?

Nag paulit-ulit 'yan sa isipan ko, hindi ko alam kung bakit ba nag kakaganito ako gayong ito naman ang pakay ko kaya ako lumipat sa school na'to.

Ang makita siya at mapansin ako

Kaya sa huli ay napag desisyunan kong tumuloy nalang dahil ang makita naman talaga siya ang gusto ko, pero nakakainis ang sarili kong mga paa ng hindi ito makisama. Akma na akong maglalakad papasok ngunit ayaw kumilos ng mga paa ko.

Deputa talaga!

Bahagya ako yumuko para tignan ang paa ko pero wala namang kahit ano ang naroon para hindi ako maka kilos, kaya sa tingin ko ay..ang kaba kong nararamdaman ang siyang dahilan kaya hindi ako maka kilos.

Depungal!

"You're blocking the way" agad akong nag angat ng tingin ng marinig ang boses ni Jonathan na wala man lang emosiyon ang mukha

Omg nakakahiya! Baka maturn off sa'kin 'to!

"Hey did you hear me?" sita nito ng hindi ako tumugon

"Uh s-sorry" nauutal kong sabi tsaka pinilit na ikilos ang paa ko na animo'y napako na sa kinatatayuan

"Are you okay?" agad na nag init ang pisngi ko at kinilig sa tanong niya

"O-Oo" utal ko paring tugon at pilit na itinago ang kilig na nararamdaman ko

"You're red" nakangising aniya

"What?! Namumula 'ko?

"H-ha?" usal ko nalang

"I mean your hair is red, it suits you" nakangiti niyang sabi tsaka nag lakad palabas, hindi na ako nakapag salita at nanatiling nakatayo lang

"I mean your hair is red, it suits you"

"I mean your hair is red, it suits you"

"I mean your hair is red, it suits you"

"I mean your hair is red, it suits"

Nag paulit-ulit sa pandinig ko ang mga sinabi niya pati ang ngiti niya na ngayon ko lang nakita sa tinagal tagal ko siyang crush

"Nananaginip ba'ko?" bulong ko sarili na humawak sa magkabilang pisngi at pinisil ito

"Gising naman ako" sagot ko sa sariling tanong

So totoo 'yong mga narinig ko? Pati ang nakita ko? Ngumiti siya?!

Long time CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon