Erica's POV
Nang makarating ako sa c.r. ay dali-dali akong tumuloy sa cubicle. Kanina pa kasi talaga 'ko ihing-ihi. Habang nasa loob ako ay may mga babae'ng kararating lang na nag chichismisan na sa tantsa ko ay nasa tatlo, base sa yabag ng mga paa nila.
"Grabe ka girl.. You're so mean talaga" rinig kong sabi ng babae na tatawa-tawa pa
"She deserves it. Dahil malandi siya. May Adrian na siya tapos gusto niya pa'ng agawin si Jonathan sa ate ko. Ha! In her freaking dreams" sagot naman ng hindi ko kilalang boses ng babae. Kahit hindi niya pangalanan ay alam kong ako ang tinutukoy niya. Lalabas na sana ako pero pinili kong pakinggan muna ang iba nilang pag uusapan tungkol sa'kin.
"But I heard Jonathan help that girl para makalabas ng locker room" sabi no'ng isa
"Uh oh, so epic fail pala ang plano mo girl?" natatawang sabat naman no'ng isa pa
"Well, medyo sinwerte lang siya. Mauubos din ang suwerteng meron siya" maarteng sabi no'ng may pakana ng pagkakakulong ko sa locker room. Nagtawanan naman sila na parang mga tanga. Hindi ko siya palalampasin!
Tiningnan ko ang sarili ko at inayos ng bahagya bago ako lumabas. Nakita ko ang gulat sa mukha no'ng babaeng mukhang kuto ng makita akong lumabas mula sa cubicle. Ha! Famela.. Kung gano'n ay siya pala ang may kagagawan.
"Surprised?" sarkastiko kong sabi. Sunod sunod naman siyang napalunok, gayon din ang mga kasama niya na nagkakapalan ang make up. Tsk.
"Wala ba kayong sasabihin? Lalo na ikaw?" sabi ko tinignan ng masama si Famela. Lumunok muli siya at nilabanan ang tingin ko
"What?" tanging tugon niya. Napangisi ako
"Ang lakas ng loob mong magsalita tungkol sa'kin behind my back. Tapos ngayong nandito na'ko sa harap mo wala kang masabi? Ha! Nakakatawa ka naman" sabi ko na peke pa'ng natawa. Hindi parin siya nagsalita
"Bakit mo ginawa 'yon?" muli kong tanong
"Dahil bagay lang sa'yo 'yon" sa wakas sumagot din siya. Nakaramdam ako ng inis
"And?"
"And?" pag uulit niya sa tanong ko
"Tsk. Ano'ng karapatan mo'ng gawin sa'kin 'yon?" seryoso kong tanong
"Wala. Pero dahil gusto ko, gagawin ko" agad na nagpanting ang tainga ko sa sagot niyang 'yon. Kaya wala sa sarili kong sinunggaban siya para sabunutan. Wala namang ginawa ang mga kasama niya. Mas matangkad ako sa kaniya kaya hindi siya makaganti. Ha! Letche siya.
"Nasasaktan ako! Bitawan mo'ko!" angil niya, medyo nahimasmasan ako kaya binitawan kona siya. Hindi ako sanay sa gano'ng away kaya nabigla din ako sa ginawa ko. Hindi ko lang talaga siguro nakontrol ang sarili ko dahil sa galit. Inayos niya ang sarili niya at hinarap ako.
"Anong karapatan mo'ng gawin sa'kin 'yon?" galit niyang tanong. Napairap naman ako
"Wala. Pero dahil gusto ko, gagawin ko" panggagaya ko sa kaninang sagot niya, nakita ko ang inis sa mukha niya
"You'll pay for this" galit niyang sabi
"Sige lang, maghanda ka ng panukli ah" pang iinis ko sa kaniya. Inirapan niya 'ko pero nginisian ko lang ito
"Let's go girls" inirapan muna nila ko bago sila tuluyang umalis
Bwiset na babae 'yon. Akala niya siguro porke mas bata siya hindi ko siya papatulan. Tsk. Nang mawala na sila sa paningin ko ay humarap na ako sa salamin para tignan ang aking sarili. Nakita kong may pulang umaagos mula sa ilong ko.
BINABASA MO ANG
Long time Crush
Teen FictionHave you ever had a long time crush? Have you ever felt what's the feeling of having it? Erica Chwe is just a simple girl who grew in a unwealthy family, but being like that is not a hindrance for her to chase her dreams, even her crush for a long...