Erica's POV
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, iniisip ko parin kung totoo ba talaga ang mga nangyari kahapon? Totoo ba'ng gusto rin ako ni Jonathan? Totoo ba'ng mahal niya rin ako? Hindi parin talaga ako makapaniwala. Wala sa sarili nalang akong napangiti.
"Hoy baliw anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" Napatingin ako sa panirang si Lexa
"Wala naman masaya lang ako" totoong sagot ko dahil 'yon naman talaga ang nararamdaman ko ngayon. Pinaningkitan niya ako ng mata
"May hindi ba ako alam ha?" nang uusisa niyang tanong, Hindi ko pa nga pala kasi sa kaniya naikwento ang lahat dahil pag dating ko kagabi ay tulog na siya. Kaya naman ay habang kumakain kami'y nag k'wento ako
"Jinjja?! Totoo talaga?!" hindi niya makapaniwalang tanong matapos kong mag k'wento
"Ay hindi, joke lang 'yon. Gawa-gawa ko lang" pabalang kong sagot
"Tsk. Ano nga kasi?!" Napabuntong hininga ako. Kahit kailan talaga napaka kulit nito, buti natitiis 'to ni Jeopert
"Natural totoo alangan imagination ko lang lahat 'yon" sarkastiko kong sagot, napangiti siya ng malawak na animo'y mas kinikilig pa kaysa sa'kin
"So edi kayo na?" excited niyang tanong. Baliw talaga 'to
"Hindi" tipid kong sagot tsaka sumubo ng pagkain
"Ha? Bakit?" parang bigla siyang nanlumo sa tanong niya
"Eh hindi naman siya nanliligaw eh"
"Paano kapag nanligaw siya? Sasagutin mo?" Nakangiti niyang tanong
"Syempre naman" natatawa kong tugon
"Yiieeee... Eh kaya lang...."
"Kaya lang?" tanong ko matapos niyang putulin ang sasabihin
"Paano si Adrian?" Napaisip ako bigla
"What about me?" Napalingon kami sa pintuan kung saan naroon si Adrian na nakangiti pa, mukhang kararating lang niya. Hindi naman siguro niya narinig pinag uusapan namin.
"Oh Adrian ikaw na pala 'yan, pasok ka hehe" si lexa ang nagsalita na pinilit pa ang sariling matawa, marahil pareho kami ng iniisip. Sumunod naman si Adrian at naupo sa tabi ko
"What are you talking about guys? I heard my name" tanong niya, agad kaming nagkatinginan ni Lexa
"Ah wala 'yon, pinag uusapan lang namin kung nasaan kana kaya, kanina kapa kasi hinihintay nitong si Erica eh" pag sisinungaling ni Lexa
"Uh, I see" mukhang naniwala naman siya kaya nakahinga kaming pareho ng maluwag
Matapos naming kumain ay iniwan na muna namin ni Lexa si Adrian sa sala para makapag prepare na kami
"Tingin mo naniwala si Adrian sa sagot mo?" Agad kong tanong kay Lexa
"Sa tingin ko naman ay oo" tugon niya habang kumukuha ng susuotin
"Hays. Buti naman kung ganon"
"Pero Erica.." napalingon ako sa kaniya "Kung wala kang balak kay Adrian, sana diretsohin mo na siya, huwag mo na siyang paasahin. Mabuting tao si Adrian, nakikita kong sincere sa sa'yo, pero sana kung wala talagang pag asa sa'yo si Adrian, bitawan mo na siya. Hindi p'wedeng dalawa sila ni Jonathan." Mahaba niyang sabi, napayuko ako. Nagegets ko ang ibig niyang sabihin at alam kong tama siya, pero nahihirapan akong mag desisyon
"Alam mo sa totoo lang, naaawa ako kay Adrian, siya yung nand'yan lagi para sa'yo eh. Pero siya yung kailangan mong bitawan" malungkot niyang dagdag
"Ano'ng gagawin ko?" tanong ko habang nakayuko parin
"Just let him go, alam ko naman na si Jonathan ang pipiliin mo eh." Tama naman don si Lexa pero, naguguluhan parin ako.
Matapos ng pag uusap naming 'yon ni Lexa ay pumasok na kami sa kani-kaniya naming klase. Nasa classroom ako pero yung utak ko naglalayag sa ibang dimensyon. Hays. Hindi ko na alam...
To be continue
Thanks for reading ^_^
BINABASA MO ANG
Long time Crush
Teen FictionHave you ever had a long time crush? Have you ever felt what's the feeling of having it? Erica Chwe is just a simple girl who grew in a unwealthy family, but being like that is not a hindrance for her to chase her dreams, even her crush for a long...