Chapter 31 - Nasaktan ako

110 9 5
                                    

Adrian's POV

Saglit akong natigilan sa kaniyang sinabi. Stop? What does she means?

"What do you mean by that?" tanong ko dito, huminga siya ng malalim

"I want you to stop courting me, I'm rejecting you now" seryoso siya pero mababasa ko parin sa mga mata niya ang awa habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Tss sabi na tama ang hinala ko eh, hindi ko na kailangang magulat pa.

"It's okay, i understand" sinikap kong maging kalmado, napayuko siya

"I'm sorry Adrian.." emosyonal niyang sabi

"Don't be, I already expected this" kahit na ang totoo ay may parte sa akin ang umasang mababaling sa'kin ang pagtingin niya. Nag angat siya ng tingin sa akin

"Hindi ka galit?" Napapahiya niyang tanong

"You know that I can't get mad that easy, specially to the girl I love" sabi ko na nakatigin sa mga mata niya, saglit siyang napangiti

"Thank you Adrian, thank you for your understanding. I know mahahanap mo rin yung girl na para sa'yo at sigurado akong masuwerte siya kapag ikaw ang naging boyfriend niya" napangiti ako sa sinabi niya ngunit mas lamang ang lungkot na nararamdaman ko dahil hindi siya ang babaeng tinutukoy niya na para sa'kin

"Masuwerte din si Jonathan sa'yo" nakangiti kong sabi ngunit sa kabila ng ngiting 'yon ay sakit ang aking nararamdaman, natigilan siya sa sinabi ko

"P'wede ba'ng mag request?" pag iiba ko ng usapan

"S-sure basta kaya ko" medyo utal niyang tugon

"Can I hug you for the last time?" sandali niya akong tinitigan bago nakangiting tumango

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, kung p'wede ko lang pahintuin ang oras ay gagawin ko, manatili lang siyang nasa mga bisig ko. Pero malabo ang bagay na'yon, malabo na siyang maging akin, hindi ko na siya pwedeng ituring na akin dahil may mahal na siya at hindi ako 'yon.

"Thank you" nakangiti kong sabi matapos kong kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya, ayaw ko pa sanang bumitaw ngunit kailangan ko na siyang pakawalan, hindi lang sa pagkakayakap ko sa kaniya kundi pati sa puso ko

"Thank you din, for being always there for me, I really appreciate you but, I can't choose you" malungkot niyang sabi

"I told you it's okay, but please do remember that I'm still here for you, I'm still here as a friend" masakit mang sabihin na friends nalang ang pwede samin ay kailangan kong tanggapin na 'yon nalang talaga ang pwedeng mamagitan sa amin. Napangiti siya

"Yes, I will" nakangiti niyang sabi napangiti din ako. Sandaling katahimikan at maya maya'y nakita kong siyang tumingin na sa kaniyang wristwatch

"May class na pala kami, okay lang ba'ng mauna na'ko?" Sabi niya, tumango ako

"Sige, baka malate ka" tugon ko

"Ikaw hindi kapa papasok?" tanong niya, umiling ako

"Mamaya nalang, dito muna ako" tinignan niya ako ng nagtatanong

"Sure ka?" paninigurado niya, tumango muli ako

"Yeah, kaya sige na mauna kana baka malate ka niyan" ngumiti siya

"Okay sige, una na'ko byee" paalam niya, ngumiti nalang ako at nag wave. When she's gone, I do a heavy sigh.

It hurts when you really want to be with someone you love but you can't, 'cause that someone is already into another someone

Sandali akong pumikit habang dinadama ang hampas ng hangin sa mukha ko, Pinipilit kong pigilan ang luha sa mga mata ko kahit ang sakit na, ayaw kong umiyak, nakakabakla eh.

Ilang sandali pa ay nag pasya na akong bumalik sa klase ngunit hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay nakita ko na si Jonathan

"Ano na namang kailangan mo?" tanong ko dito

"I told you to stop being around with Erica, but why did you keep on being with her ha?" naghahamon niyang tanong, walang gana ko siyang tinignan, wala din ako sa huwisyo para makipag away sa taong 'to

"Huwag kang mag alala panalo kana" may bitterness sa tono ko, napamaang siya, nag umpisa na akong maglakad ngunit muli akong lumingon sa kaniya

"Masuwerte ka, mahal ka ng mahal ko" sabi ko sa kaniya tsaka nag tuloy sa pagpalakad

Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng mga butil ng luha mula sa mga mata ko, Bakla na kung bakla dahil isang gaya kong lalaki ay umiiyak habang naglalakad. Wala eh, Nasaktan ako eh.

To be continue

Thanks for reading ^_^

Long time CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon