Erica's POV
"GISING NA!!!"
Nagising ako sa malakas na sigaw ni Lexa mula sa tainga ko
"HOY DEPUTA BA'T KA NANINIGAW D'YAN?!" singhal ko sa kaniya
"Anong oras na kaya! Tapos ikaw nag lalaway parin d'yan! Bumangon kana nga!"
"He depungal ka ang sakit sa tenga ng ginawa mo!" inis kong sabi
"Eh kanina pa kaya kita niyuyugyog ayaw mong magising kaya sinigawan nalang kita" naka krus ang brasong paliwanag niya
"Deputa ka talaga" inis paring sabi ko
Tumayo ako at bahagyang kinalikot ang tainga ko gamit ang daliri, nabasag ata eardrum ko ah. Depungal kasi to'ng aso na 'to eh
"Tara na sa baba kakain na" aniya tsaka nanguna sa pag baba, sumunod naman ako
"Ano 'yan?" takang tanong ko na nakaturo sa maitim na nasa lamesa
"Hotdog 'yan, 'yong bobong bayot 'yong may kagagawan niyan" nakangiwing sabi ni Lexa
"Taena naging uling" natatawa kong sabi
"Bida bida kasi 'yong bayot na'yon, di porket tumawag kanina si mama nag pabida na 'yan tuloy kinalabasan"
"Hoy ano 'yon ate" sita ni Andrew kay Lexa na nakauniform na kakababa lang
"He bayot ka ikaw kumain ng sunog na hotdog na 'yan!" sigaw ni Lexa kay Andrew
"Ang arte mo buti nga nag luto pa'ko eh" inis sabi ni Andrew
"Bonak ka luto ba ang tingin mo d'yan? Eh sinunog mo 'yan eh"
"Luto 'yan nasobrahan lang" nang iinis na sabi ni Andrew
"Edi ikaw ang kumain gunggong ka pala eh" inis sabi ni Lexa at akmang babatukan ni Andrew
"Subukan mo isusumbong kita kay mama" pananakot ni Andrew
"Bayot ka! Lumayas kana nga dito!" painis na sabi ni Lexa, hindi na umimik si Andrew at lumabas na dala ang gamit sa school
"Anong kakain natin niyan?" tanong ko
"May padesal d'yan 'yon nalang" sagot niya, tumango nalang ako tsaka nagtungo sa kusina para mag timpla ng kape namin
Tumingin ako sa orasan, 7:00 am palang at mamayang 8:30 pa ang pasok namin kaya medyo mahaba pa ang oras namin, matapos kong mag timpla ay nagtungo na ulit ako sa dining table dala ang kape namin
"Tae 'yan padesal ba talaga 'to o bato?" tanong ko na ipinukpok pa ang tinapay na matigas pa sa bato sa lamesa
"Bahaw na kasi" natatawang sabi ni Lexa
"Kailan pa ba 'to?" tanong ko habang hirap na kinakagat ang tinapay
"No'ng isang linggo pa"
"Ano?! Depungal ka kaya pala hindi ka kumakain!" Inis kong sabi
"Hindi ka naman nag tanong eh, tsaka 'yan lang meron tayo ngayon kasi mamaya pa mag papadala si mama kaya mamaya pa tayo makakapag grocery" natatawang aniya
"Depungal talaga kaya pala kahit anong sawsaw ko sa kape ang tagal matunaw tapos 'yong lasa ang gara"
"Sa school nalang tayo kumain" suhestisyon niya
"Libre mo?" nakangiti kong tanong
"Hay syempre ano pa nga bang aasahan ko sa matigas mong mukha, malamang libre ako nag yaya eh"
BINABASA MO ANG
Long time Crush
Teen FictionHave you ever had a long time crush? Have you ever felt what's the feeling of having it? Erica Chwe is just a simple girl who grew in a unwealthy family, but being like that is not a hindrance for her to chase her dreams, even her crush for a long...