Erica's POV
Wala kaming pasok ngayon dahil sabado kaya parehas na kaming tanghaling nagising ni Lexa
"May gagawin ka mamaya?" tanong niya ng matapos kaming mag almusal
"Wala naman, bakit?" agad kong tugon
"Yun! Ano dating gawi?" nakangiti niyang sabi, agad naman akong napangisi dahil alam ko kung ano ang tinutukoy niya
"G ako!" nakangiti kong sagot
"4:00 pm pa ang umpisa pero punta na tayo do'n ng mga 3:00, mag kwekkwek tayo"
"Sige sige game ako d'yan" excited kong sabi, nangiti naman siya
Pumunta kami parehas sa sala at binuksan ang TV, gaya ng dati naming ginagawa ay nanood kami ng mga videos ng seventeen na mula sa USB. Ilang beses na naming napanood at napakinggan ang mga videos na'yon pero hindi talaga kami nag sasawa.
"Grabe ang pogi pogi talaga ni Minghao" manghang usal ni lexa habang ang paningin ay nasa TV
"Sinabi mo pa! Lalo sa personal" pag sang ayon ko
"Hindi parin nga 'ko makapaniwala na naka eye to eye ko siya eh"
"Ako din kay jeonghan, ang angelic ng mukha niya, akala mo anghel na bumaba sa langit" sabi ko na animo'y inaalala ang mukha niya no'ng araw na'yon
"Nakakamiss tuloy seventeen, kailan kaya ulit sila babalik dito" malungkot na tonong sabi niya habang nasa tv parin ang paningin
"Kaya nga eh, attend na talaga tayo ng concert pag balik nila dito"
"Oo, nag iipon na din ako eh"
"Ako din, para sa sebong haha!"
Nanatili lang kaming nanonood, pero ilang saglit lang ay nag tungo na kaming pareho sa kusina para mag luto ng tanghalian
"Bakit ka umiiyak d'yan?" takang tanong niya sa'kin habang hinuhugasan niya ang karneng iluluto namin
"Depungal kasing sibuyas 'to eh pinapaiyak ako" kunyaring inis na sabi ko
"Baliw sinisi pa 'yong sibuyas" natatawa niyang sabi
"Totoo naman eh, yari 'tong sibuyas na 'to kay Jonathan pag nalaman niyang pinaiyak niya 'ko" nakanguso kong sabi habang nag hihiwa parin
"Bonak ka ano namang pake sa'yo ni Jonathan!" pamamrka niya, agad naman akong nag angat ng tingin sa kaniya
"Deputa ka talagang kumag ka hindi ka nalang sumakay eh! Namimiling na nga lang eh hahadlangan mo pa!" pasinghal kong sabi
"Joke lang, oh sige mangarap kana d'yan at mamaya makikita mona rin ang pangarap mo" pambabawi niya, siniringan ko nalang siya
Pero sa loob loob ko ay napangiti ako dahil sa katotohanang makikita ko mamaya ng pangarap ko pero nalulungkot sa kabilang banda dahil sa katotohanang hanggang pangarap ko nalang siya
Matapos kong mahiwa ang sibuyas at ang iba pang sangkap ay pinag salo-salo na namin ito tsaka niluto kasama ang karne. Tinolang manok ang niluto namin. Makalipas ang ilang minuto ay naluto na, may kanin na din kaming naluto kaya naman maayos na kaming nag hain ng pagkain sa hapagkainan.
"Si Andrew?" tanong ko kay lexa ng makaupo kami
"Malay ko sa bayot na'yon, hayaan mo 'yon kakain naman 'yon pag nagutom eh" aniya tsaka nagsimula ng maglagay ng pagkain sa plato niya
"Baliw ka talaga" natatawa kong sabi tsaka sumubo ng pagkain
"Bakit totoo naman ah? Ano 'yon VIP lagi ko nalang tatawagin? Wala na nga siyang ginagawa dito eh, taga lamon nalang tapos di tawag pa? Bahala siya d'yan" natawa nalang ako sa sinabi niya at nagtuloy sa pag kain
BINABASA MO ANG
Long time Crush
Teen FictionHave you ever had a long time crush? Have you ever felt what's the feeling of having it? Erica Chwe is just a simple girl who grew in a unwealthy family, but being like that is not a hindrance for her to chase her dreams, even her crush for a long...