Chapter 17

15 6 0
                                    

C H A P T E R 1 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Stop it, Kira." May pagmamakaawa ang boses ko. Napatigil naman siya saka tinignan ako. 

"Lasing ka lang." Tinignan ko si Mama Jin na ganun din ang pwesto. "Lasing kayong pareho."

Umiling silang dalawa saka matatalim ang mga matang nagtitigan, nahampas ko nalang ang sariling noo. I think I'm going crazy here.

Bigla akong nag-angat ng tingin ng sumigaw silang dalawa at nagsabunutan. I let out a loud breath.

"Will I just let them?" I asked myself then held my chin while looking at them. Kapag hinayaan ko lang sila baka hanggang gabi magsabunutan pa rin sila, at kapag hindi ko naman sila hinayaan masasama ako sa sabunutan nila.

Nilabas ko ang phone ko.

"Hey siri."

"Hello."

Napahigikgik ako. Right, Siri is one of my dearest friends. He is always there whenever I have a question.

"Should I let them fight?"

"Sure! Absolutely. Ahem. OK, here I go, ahem. Hang-on, let me just clear my. Gosh, singing is harder than I thought."

Napakunot na lang ako ng noo. What did he say? What singing is harder t-

Nahampas ko na lang ang sariling noo.

"Let's F.O, Siri." Akmang itatago ko na ang phone ko ng may naisip akong kalokohan. Itinutok ko sakanila ang camera saka inistart ang pag v-video.

"Alden Richards is mine! Hindi siya bagay sa isang katulad mong buwaya!" Mama Jin shouted, and he pushed Kira.

"Huh! so you're saying na dapat kayo ang magkatuluyan!" Namewang si Kira sa harap ni Mama Jin. Ganun din ang ginawa niya, they're wasted.

"Oo kami ang magkakatuluyan ni Fafa Alden kaya wag kang assuming!"

"Hindi mo naman siya mabibigyan ng anak!" Nakangising lumapit ito sakaniya saka ipinantay ang mukha sa mukha ni Mama Jin. "Kase wala kang matres." She stuck out her tongue kaya umusok naman ang ilong ni Mama Jin sa galit.

"Wala kang hiya!" Agad siyang sinabunutan ni Mama Jin at hindi naman nagpatalo si Kira. Pinipigilan kong tumawa upang hindi nila ako mapansin.

Hanggang sa napahiga si Kira sa sahig kaya malayang nakapatong sakaniya si Mama Jin.

"Hindi porket may matres nga magugustuhan ka na ni Fafa Alden, mas magaling pa rin ako sa kama kaysa sa'yo!"

Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi tuluyang lumabas ang tinatagong tawa. They're going to the bed scene, should I leave this room?

"At paano mo nasisiguradong hindi ako magaling sa kama! Bakit nasubukan mo ba ko, hah!" It's just one blink Kira is now in the top of Mama Jin.

Mas lalo kong diniinan ang pagkatakip sa bibig ko, bakit napunta doon ang usapan?

"Should I show to you how good am in bed?" Nakangisi ito na para bang hindi si Kira ang kaharap ko ngayon. Ngayon lang ba lumabas ang gantong ugali niya!? Mas lalo kong itinutok ang camera sakanila upang pag nasa huwisyo na sila maipakita ko to.

I can't wait to see their face when they see this.

"Iw!" Agad tinulak ni Mama Jin si Kira saka tumayo. Tumatawang tumayo naman si Kira.

"Kay Fafa Alden ko lang ibibigay ang katawan ko." Niyakap niya ang sarili. "Sakaniya lang sakaniya. Saka hindi ko ibibigay ang puri sa isang katulad mong buwaya."

Agad sumama ang timpla ng mukha ni Kira. "Mas malinis pa ko kaysa sa'yo, no!" Niyakap din ni Kira ang sarili. Bigla na lang siyang ngumisi kay Mama Jin dahilan para mapaatras ako, ganun din si Mama Jin.

Oh my gosh, this is Kira that I know!? Or the other side of Kira?

"But you can have my very clean, innocent body," she said then bit her lip like she seduce Mama Jin. The way she moves her body is like she's going to give up her virginity.

"A-Ayoko s-sa'yo," iling na sabi ni Mama Jin. Bigla naman napatigil sa paglalakad si Kira at ngayon naman ay para siyang bata na naagawan ng candy.

"B-Bakit a-ayaw mo s-sakin?" She starting to sob. At sa ikalawang pagkakataon tinakpan ko na nama ang bibig ko dahil baka lumabas ang malakas na tawa doon.

"H-Hindi n-naman s-sa ayaw." Huminga ng malalim si Mama Jin, at sa hindi inaasahan bigla napadako ang tingin niya saakin. Biglang lumukob ang kaba sa aking dibdib, what he intends to do?

"S-Siya!" Biglang sigaw ni Mama Jin habang turo ako kaya bigla ko naman na save ang video. Tumigil na sa pagiyak si Kira saka tinignan ako. "G-Gusto ka n-niya! Gusto niya yung katawan mo!"

Agad kong nilagay ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko. Sumilay ang ngisi kay Kira kaya agad akong umatras.

"Okay I will gave her my sexy body," she said with husky voice. No! Disgusting! Aatras pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

"What the hell a-"

Agad akong tumakbo papunta sa likod ni Mamita at ng makapunta ako sa likod niya agad kong hinawakan ang makabilang balikat niya.

"They are both drunk." I tapped her shoulder. "Ikaw na ang bahala sa kanila." Tinulak ko siya papunta sa kanilang dalawa at agad tumakbo palabas ng room.

"Hoy Miles! Bakit mo ko- Yuck! Get off Kira!"

Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo sa prac room. Sumandal ako sa pinakamalapit na pader. Akmang ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang tumunog ang ringtone ng phone ko kaya agad ko itong sinagot ng di man lang tumitingin sa caller.

"Hello who's this?"

[Hi Rin!]

"Oh, hi Cool."

[Mukhang pagod ka. What happened?]

I let out a loud breath, "Just something crazy happened. You will be also disgust when you know what happened to me." Napangiwi ako ng maalala ko na naman ang mga pangyayari kanina.

Nakarinig naman ako ng tawa sa kabilang linya. "Oh, I want to know that. Pero natanggap mo ba yung heels?"

I nodded. "Yes, by the way, ikaw ba yung nag linis nun?"

[Nope, si Cielo ang naglinis nun.]

Napatayo ako ng maayos ng marinig ang pangalan niya. My hearts melt, really? He really did that? He really clean my heels? Napahawak ako sa may dibdib ko kung saan ang puso. Tinapik-tapik ko iyon para mapakalma, ngunit mas lalong lumakas ang kabog nun ng biglang may nag pop na imahe sa isip ko na naglilinis siya ng heels ko.

Gosh, even in my imagine he's handsome. Very manly, oh my-

[Miles are you still there?]

Agad akong napaayos ng tayo. I cleared my throat. "Yes I'm sill here. Pakisabi sakaniya thank you."

[Makakarating. Basta wag ka ng mag li-lihim sa'amin okay?]

Agad akong napangiti ng maalala ang nangyari nung araw na iyon.

Silent Feelings (Complicated Life Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon