“Ulol huwag mo munang istorbohin si Gab, palibhasa kasi, ikaw “stop and go” ang motto mo sa buhay!” ang galit na saway ni Alaric kay Rauke na gusto ng puntahan ang kapatid sa silid nito. Kanina pa hindi mapakali si Rauke at panay ang sulyap nito sa hagdan ng bahay, para makita ang kanilang ate na pababa ng hagdan. Hindi sila sanay na tanghali nang bumangon si Gabriella, bago pa kasi pumutok ang araw ay nakahanda na ito at inaabutan na nilang nakaupo sa kusina na tumutulong sa kanilang kasambahay sa paghahanda ng kanilang almusal.
Pero dahil nga sa may asawa na ito at unang gabi nito kasama ang asawa nitong si Seth ay, maintindihan nila kung hindi muna ito lumabas ng silid.
Napabuntong-hininga si Rauke at kunot ang noo nitong binasag ang pula ng itlog ng sunny side up egg nito na nasa plato nito. Sumama ang nabasag na dilaw sa ham na kinakain nito at humaba ang nguso nito.
“Hindi kasi ako sanay eh, parang hindi ko maisip si Gab na,” –
“Mapapamura talaga ako sa iyo Rauke, ke aga-aga, huwag mo ngang isipin, palibhasa kasi, kung anu-anong kalokohan ang ginagawa mo, kayo! Sa mga babae ninyo!” ang galit na saad ni Alaric sa buns nilang kapatid.
“Tsk, kahit na, tingin ko kasi kay Gab hindi ate, parang siya pa nga ang bunso,” ang nalalabing sagot ni Rauke, “naku, kung ako hindi ko matanggap, mas lalo na siguro si Lucas,” ang dugtong pa na saad nito.
“Tigilan mo na nga yan Rauke, bilisan mo pati, at marami pa tayong gagawin sa rancho, sasali ka ba sa tournament? Yung pabilisan sa pagsilo ng guya?” ang tanong ni ni Alaric sa kapatid.
“Oo naman di ako papatalo sa dalawang mokong na iyun,” ang sagot ni Rauke.
“Si Gabriella, di ko alam kung makakasali siya sa barrel run, dati hindi na siya nakasali, baka ngayon ay,”-
“Bakit naman hindi ako makakasali?” ang tanong ni Gabriella sa mga kapatid na mukhang nagulat nang makita siyang pumasok sa kanilang dining area. At sa panlalaki ng mga mata nito tila ba gulat at di inaasahan ng mga ito ang kanyang presenya.
“Gab! Bakit? Bakit nandito ka?” ang taka na tanong ni Alaric sa kanya at tiningan pa nito ang kanyang suot na pantrabaho para sa rancho. Kinunutan niya ng noo si Alaric at naglakad siya palapit sa mga ito at naupo siya sa kanyang pwesto sa lamesa.
“Bakit naman tinatanong mo kung nandito ako? Eh dito naman ako nakatira,” ang sagot niya sa sinabi ni Alaric at pinasigla niya ang kanyang boses. Tinanghali na siya ng gising dahil sa halos umaga na rin naman siya nakatulog.
“Ikukuha kita ng kape,” ang mabilis na sabi ni Rauke at dali-dali itong tumayo sa kinauupuan nito at iniwan ang pagkain nito sa lamesa.
Napailing si Alaric at tiningan siya nito, “OK ka lang?” ang tanong ni Alaric sa kanya at kahit na walang nangyari ay nag-init ang mga pisngi niya, dahil sa batid niya ang iniisip ni Alaric na nangyari sa kanila sa loob ng malaking silid.
“Uh bakit naman hindi?” ang nahihiyang sagot niya kay Alaric, at laking pasalamat niya nang dumating si Rauke na may dalang mug ng mainit na kape.
“Uhm, Ikukuha kita ng plato mo, alam ko gutom ka na kasi pagod, uh, kasi, puyat, uh, basta, ikukuha kita ng pagkain mo,” ang nagmamadaling sabi ni Rauke sa kanya, aalis na sana ito para ikuha siya ng plato at kubyertos ng pumasok rin sa loob ng dining area at sabay-sabay ang kanilang mga ulo na nabaling rito.
“Good morning,” ang pormal na bati ni Seth sa kanila at dahil nga sa magkasunod sila na bumaba ng mula sa kanilang silid ay mukha tuloy sabay din na nagising sina Gabriella at Seth.
“Good morning,” ang bati ni Alaric at Rauke kay Seth at isang mahinang “good morning” naman ang ibinati ni Gabriella kay Seth at umiwas siya ng tingin dito.
BINABASA MO ANG
The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomantikStrictly for mature readers only 18 and up. Please be guided. Her family has deeply hurt him from the past, and now, it's time for retribution, and she's going to be the payment that he has always wanted. Completed February 2, 2021 © Cacai1981